Chapter 46

116K 2.9K 281
                                    






🥀

Zarena

Ilang butil na mga luha ang patuloy na pumapatak mula sa mga mata ko.

Marahas kong pinunasan ang mga ito kasabay ng paglitaw ng isang mapaklang ngiti sa labi ko. Umalis si Luke kanina. Naiwan ako dito na nakatunganga sa orasan. Hinihintay na baka sakaling kapag pumatak sa hating gabi ang palaso ng orasan, itong situwasyon namin ni Luke ay agad maaayos. Pero baliw na nga siguro ako sa iniisip kong ito. Kasi hindi naman ganun kadali ito. Kahit pangarapin kong matapos na ito, hindi maaari. Kahit ilang metro pa mapunta ang hiling ko, wala itong patutunguhan. Iyon ang realidad. And realidad na masakit.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Kailangan kong iwan si Luke, 'yun ang sinasabi ng isip ko. Pero sigaw naman ng puso ko ay huwag ko siyang bitawan.

Mapakla akong natawa. Ako itong nagsabi noon kay Catalya na dapat pagsamahin niya ang puso niya at isip niya sa pagdedesisyon subalit ni hindi ko manlang magawa ngayon. Bakit? Kasi ang hirap.

Buong desisyon ang kailangan kong piliin. Buong sagot. And I'm choosing to let go of the man that I treasure so much.

Mapakla akong natawa. I'm back to square one again. Akala ko tapos na ako dito sa ganitong pagpipilian ko e. Pinili ko siyang ipaglaban noon. Pero hindi pala ganun kadali iyon. You may call me a coward for backing out. But this is the best option that I can see na hindi masasaktan o madadamay ang iba. Luke and I.. yes we will get hurt. It will be so painful. But at least his father will accept him. Ibibigay niya sa kanya ang karapat dapat na matatanggap niya na mana niya. He will become more successful. He doesn't need to get tired in fighting for us. He doesn't need to get tired in proving himself to his father. Hindi na kailangang madamay ang mga magulang ko. Lalo na ang mga nakababatang mga pinsan ko na kailangan naming pag-aralin.

This would hurt like hell. But at least at the end, all will be well.

May mga hindi man makakaintindi sa akin, pero alam ko sa sarili ko na ito ang tamang gawin. Ito ang dapat gawin.

.

.

.

Paggising ko kinaumagahan, naalimpungatan ako sa malakas na sinag ng araw. I moved my hands to feel the space beside me only to find it empty. Wala ring nakayakap sa akin.

Namumungay ang mga matang napatitig ako sa gilid ko na kung saan laging humihiga si Luke. "Hindi siya umuwi..." bulong ko.

Inabot ko ang phone ko sa bedside table at tinignan kung may notif ako galing sa kanya pero tanging message lang ni Patricia at ni Mama ang meron.

Kagat labing binuksan ko muna ang message ni mama.

Ma:

'Nak. Nagkasakit ang pinsan mong si Lisel. Isinugod namin siya dito sa ospital dahil ang taas ng lagnat niya. Nilalamig din siya at nanginginig. Ang taas taas din ng lagnat niya.

Kaninang alas dos pa ng umaga pa tinext ni mama ang mensaheng ito. I was sleeping that time, ngayon ko lang nakita.

Hinilot ko ang sentido ko sa nabasa ko. Maaaring sa oras na ito, nasa sakahan si papa o di kaya naman ay naghahanap ng kliyente. Wala na ang restaurant ni Mama. Lahat ng kasong dapat ilaban ni papa, umatras. Tingin ko naghahanap ng trabaho ngayon si papa. Dahil hindi sapat ang nakukuha niya sa sakahan para pantustos sa kailangan nila doon. Dumagdag pa ngayon si Lisel.

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang