Chapter 28

141K 3.4K 534
                                    



" Hindi naman niya sinabi na magpakatanga ka sa
kanya e. Di mo lang talaga mapigilan maging tanga
kasi mahal mo siya... "
©️
~patamalines~

maligayang pagbabasa
☺️

🥀

Brix

Nanatali kaming tahimik habang nakatingin sa pintuang nilabasan nila Kap.

I diverted my eyes to the lady. Tahimik siyang umiiyak. Nagbaba pa siya ng ulo para lang punasan ang mga luha niya.

Tangina hindi ko alam kung ano ang nangyayari. I don't have any idea on what just fucking happened!

Nang mag-angat ang babae ng tingin at pilit na nginitihan kami, pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik. Halata ang sakit sa mga mata niya.

My eyes travelled to her hands. It's gripping her purse tightly.

"I'm sorry for that" Mahinang sambit niya na para bang pilit niyang pinapatatag ang boses niya pero hindi niya kaya. She tried to smile again. "I'm very sorry..." Pumiyok ang boses niya. At naiwan na lamang kaming tahimik nang mabilis siyang umalis.

Napakamot ako sa batok. Binalingan ko ng tingin ang mga kaibigan ko at napabuntong hininga nang makitang maski sila ay halatang nalilito.


Diane

It's painful. It is excruciating. So heartrending.

Nasapo ko ang bibig ko para pigilan ang mga hikbing gustong kumawala.

Pakiramdam ko parang may nakadagan sa dibdib ko na isang napakabigat na bagay. I can't breathe properly. And my eyes can't stop tearing.

Habang naglalakad ako, awtomatikong tumigil ang mga paa ko sa paghakbang nang mamaatan ang dalawang pigura sa di kalayuan. I tried to stop my sobs when I saw Luke kiss her again.

"shit" Munting mura ko nang makaramdam ng sakit sa dibdib ko. Pilit kong iniwas ang tingin ko at pinagpatuloy ang paglalakad.

Maagap kong pinunasan ang mga luhang nagsibagsakan habang mabilis na tinatahak ang daan palabas ng unibersidad.

Gusto kong pagtawanan ang sarili ko. Pumunta ako dito para sana surpresahin ang taong mahal ko. Ang hindi ko inaasahan, ako pala ang masusurpresa. Sobrang saya ko nung nadatnan ko siya dito sa gym. Inaasahan kong kakausapin niya ako at magiging okay kami. Pero hindi pala ganun kadaling makamit ang isang bagay na gustong gusto mong makuha.

Gulat na gulat ako nang makita kung paano niya lapitan yung babae. Hindi ko man narinig ang pinag-usapan nila, tagos na tagos naman sa puso ko ang mga halik niya doon sa babae. The way he held her waist a while back. The way he closes their proximity. The way her arms wrap around her waist like he's afraid she would walk away anytime.

Any of that was not included in my expectations.

Kaya ba ayaw niya sa kasal? Is it because of her?

Mapakla akong napangiti. Nakita ko na nga, tinatanong ko pa. I am sure it is because of her.

Nothing is more painful than the look on his face when he looks at her.

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now