Chapter 17

186K 4.9K 477
                                    

eto na po
☺️

at dahil mahal ko kayo, bukas may update ulit
😘


🥀

Zarena

Mabilis ang paggalaw ng kamay ko sa pagsulat sa araling tinatalakay ni Miss Sanches sa Tax and Remedial. She's talking about the basic principles of the Tariff and Customs Code.

Kanina lang natapos ang quiz namin sa subject ni Sir Jero. At least I survived it. May ilang tanong na medyo nahirapan kong masagot pero nasagot ko naman ng maayos.

Last night, didn't get to study my notes well. Kasi naman pasok ng pasok sa isip ko ang mukha ni Luke, ang boses niya at ang mga salitang binitawan niya. Ni wala ngang matinong pumapasok sa isip ko dahil parang sirang plakang nagre-replay ang mga salitang sinabi niya sa akin kagabi pati na rin ang paghalik niya sa akin!

Last night, he also took me out for dinner. Pinagpili niya ako sa kung saan ko gusto. Looking at his face that night, alam kong gusto niya ng matinong sagot kaya sinabi ko na lang sa kanya na sa simpleng turo-turo na lang kami kung saan may nakabukas kasi medyo lumalim na ang gabi. Napag-isipan kong siya kasi ang maglilibre at magbabayad ng kakainin namin kaya pinili ko ang mura. Noong una nga, akala ko aayaw siya kasi nga anak mayaman at baka hindi sanay sa mga simple at plain na restaurants pero ganun na lang ang pagkamangha ko dahil itinigil niya ang sasakyan sa harap ng isang turo-turo. Napadami pa siya ng kain at walang arte gaya ng ibang mayayaman na kilala ko.

That guy is a straight man.

Kaninang umaga, mugto ang ilalim ng mga mata ko dahil wala akong maayos na tulog. Sanay na akong mapuyat pero hindi yung mapapasobrahan talaga na wala akong tulog. Balikwas ako ng balikwas pero hindi pa rin ako makatulog hanggang sa sumilay na ang sikat ng araw.

Good thing Savi's concealer was there to help me hide these bags under my eyes.

Pinagalita pa ako ni Savi kagabi dahil nagluto raw siya ng pagkain pero nahuli ako ng dating. 15 minutes before the curfew, I got inside my room. Nadatnan ko si Savi na nakabusangot at kakatapos lang kumain. Ayun, isinumbat sa akin ang problema niya sa buhay.

I mentally smiled. That girl...

Last subject na ng hapon. Kaya dismissal na.

Nang tumunog ang school bell kinolekta ni ma'am ang mga assignments na ibinigay niya sa amin.

Nasa kabilang klasrum sina Pat at Cat. Ang kaklase ko sa subject na 'to ay sina Trixie at Aly. Pasimple akong tumingin sa gawi nila. Kita kong pareho silang nag-iwas ng tingin.

I picked up my books and sighed. Even them are always glancing at me like what the other ladies do. Pero gaya ng ginawa ko kahapon, sinubukan kong huwag pansinin.

Wala sa sariling minura ko si Luke sa isip ko. That Captain is the sole culprit here why the students are always peeping on me. Kung noong unang pasok ko sa campus, balewala lang naman ako sa paningin nila. Pero ngayon, halos karamihan sa kanila, sa akin ba naman itinutuon ang atensyon?

Ito na nga ba ang sinasabi kong dapat nilayuan ko ang Luke Carson na iyon. Sinubukan ko namang layuan siya. Ang problema, matigas ang ulo niya.

I don't know what to do with him anymore.

What if one of the students here will know about my work? Paano kung may makakaalam tungkol sa totoong estado ko sa buhay. Edi mas lalala ang situwasyon! Ngayon pa nga lang na nakita lang nila kaming magkasama, ganito na sila kung makaasta. Papaano pa kaya kung darating ang araw na lalabas ang katotohanan?

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now