Chapter 51

143K 3.3K 528
                                    

not proofread. sorry

here's the update as promised

comment your thoughts for the next chapter, mga mahal ko. vote too.

enjoy
💙

🥀

Zarena

"Ate! Mamaya, pupuntahan namin ni Joco si Papa. Tutulungan namin siya sa pagsasaka"

Tipid akong ngumiti sa narinig na sinabi ni Lisel. Mga anak ang turing nila papa sa kanila. Kaya ngayon ay magulang ang turing nila sa mga magulang ko. And I am happy with that. Kasi nawalan man sila ng mga magulang, nandito naman kaming tinuturing nilang pamilya.

"Sige. Pagkatapos kong mamalengke, sasamahan ko kayo"

Sumilay ang isang napakasayang ngiti sa labi niya. Bumaling ang tingin ko kay Joco. Naglakad siya palapit sa akin at nagpakarga sa kandungang ko. He wrapped his small hands on my nape before kissing my cheek. "Sama ako ate ganda" naglalambing na sabi niya. Kaya napatingin ako kay Lisel upang makita siyang natatawa. I laughed lowly before messing his hair.

"Oo naman. Puwede" pagpayag ko sa apat na taong gulang na pinsan kong lalaki.

Tuwang tuwa naman niyang pinupog ang mukha ko ng halik. I couldn't help but laugh.

No matter how painful it is when memories of Luke crosses my mind, nothing can also compare to the happiness that my family brings me knowing they are safe. Magmula nung gabing kinuha ng papa ni Luke ang resto ni mama at binantaan niya ang mga kliyente ng papa ko, hindi na niya kami muling ginulo.

And days after I left Luke, di ko alam kung papaano, pero muling ibinalik kay Mama ang lote at karindirya. Muling nagkaroon din ng mga kliyente si Papa. At mas marami nang kumukuha sa kanya ngayon.

Napabuntong hininga ako nang makitang tumatawag si Patricia. What I only did is stare at my phone. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hinde. I chose not to.

Because if I would hear her utter the name on the man who I broke, I don't know the repurcussions my mind would think about. Yes, they have been telling me about Luke. Kinukuwento nila sa akin kung gaano siya katagal bumabad sa bawat bar na pinapasukan gabi-gabi. They tell me the things he's been doing. They didn't lie to me how Luke keeps on getting drunk. And they didn't find an excuse in telling me the truth that Luke has been going out with a lot of girls lately.

Masakit sa puso ang mga naririnig kong nangyayari kay Luke. Dahil alam kong may kasalanan ako. I played a big part in whatever is happening to him now.

I miss him so much. Miss na miss ko na siya.

Na-mimiss ko na ang bawat ngiti niya. Yung mga mata niyang iba ang kislap kapag masaya siya. Kahit yung seryosong mukha niya at yung pagsisimangot niya, na-miss ko. Pati yung tawa niya, gusto kong marinig muli. His hugs and kisses I miss the most. Also the way he stares at me like I am the most important person in his life.

Miss ko lahat iyon.

I let out a loud sigh.

"O anak. Okay ka lang ba? Ba't parang ang lalim ata ng nasa isip mo?" Napalingon ako sa kung saan galing ang boses na iyon. At dahan-dahang sumilay nag isang ngiti sa labi ko nang makita si Mama papasok sa pintuan.

Umiling ako tsaka mas niyakap pa si Joco na nakaupo sa hita ko habang nanonood ng cartoons.

"Wala po. May naalala lang po ako"

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now