Chapter 21

179K 4.2K 448
                                    

I dedicate this chapter to these beautiful people
☺️

@SlyAnhgiel, @Reljhance, @Itsme2088, @Cyrene_Lei, @saleyneyshin07,
@Sheainmo, @green_pearl, @choeychocolava, @danzkerie, @ladychriella,
@romabel24, @Honeyluv07, @chikingil, @KaPilipinas, @ReginacCanlas




🥀

Patricia

I gave out a loud sigh while looking at Axel. He's making his way to my direction.

My first love.

My first kiss.

And the only man who had my heart pumping indefinitely.

Nasa isang private lounge kami ngayon. Dito ginaganap ang kasalukuyang celebration party ng Vikings.

Kadarating lang ni Axel. He had to take some call outside.

Iniwas ko ang tingin ko sa maririing titig niya at binalingan si Zarena. Kausap niya ngayon si Captain. She was saying something while Luke was just staring at her like a lovesick fool. Naka-akbay ito sa kaibigan namin.

Nawala ang atensyon ko kila Zarena nang maramdaman ko ang pag-upo ng presensya sa tabi ko.

My heart starts beating faster.

Napapikit rin ako nang maamoy ko ang lalaking-lalaking pabango niya. He really smells so good. Nakakaturn on. Nakakahulog ng panty. Nakaka-loose ng bra strap.

"Patricia..." I heard him say.

Imbes na lumingon, tumitig lang ako sa isang bote ng beer na nasa harap ko. Aabutin ko sana iyon kaso natigilan ako nang may mangunang kumuha non at inilayo sa akin. "You're not drinking any alcohol" Malamig niyang sambit at itinapat ang isang baso ng soda sa akin.

"I'll drink yours. Soda na lang sa'yo" Seryosong sabi niya. Napakurap ako at pumorma ang gatla sa noo ko.

Axel looked at me intently.

Nag-iwas ako ng tingin at nakita si Zarena na may kakaibang ngiti sa labi niya habang nakatingin sa amin ni Axel. Pinandilatan ko siya. She chuckled lowly before looking at the Captain.

I pushed aside my nervousness and looked at Axel straight in the eyes. Ang mga mata niyang mapupungay ay nag-iwas ng tingin.

Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya at hindi ako nabigo nang ibaling muli niya ang atensyon niya sa akin. "You are not drinking mine. May sariling bote ka ng alak. 'Yan ang inumin mo, huwag 'yung akin. And I'm not drinking soda. Kung gusto mo, inumin mo" Mahinahong sabi ko pero binigyan pa rin ng konting kasupladahan ang boses ko.

Umiling siya. "Listen to me..."

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Why would I? It's not because I like you, you have the right to prohibit me from drinking alcohol" Kahit ang bilis ng tibok ng puso ko, I still managed to keep my voice as controlled as possible.

He smirked sexily.

"I have all the right Patricia. You had lots of admirers but you chose me because you like me. Hindi mo pa man ako sinasagot, akin ka na" May pinalidad na saad niya at inilapit ang mukha sa akin. I mentally gulped.

His words.. it sent lots of shiver down my spine.

Buwisit na maginoong gwapong ito! Bibigyan ata ako ng heart attack sa mga titig niyang nakakalusaw!

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now