Chapter 29

136K 2.9K 444
                                    



salamat sa mga nag-comment.
dahil jan, may update ulit tayo!
Like I promised

Gabi pa naman.. 11:53 pm. It's still not morning so yeah... enjoy

🥀

Patricia

Naluluha kong pi-nause ang pinapanood kong movie nang matapos ito. I sobbed. Hindi ko napigilan kasi nakaka-iyak naman talaga ang ending!

I heard someone sigh. "Patricia naman.. nagda-drama ka na naman jan. You are crying over a movie!"

Sinamaan ko ng tingin si Catalya na busy sa pagwawalis. Pero nung makasalubong niya ang masamang tingin ko, nameywang siya habang hawak pa rin ng isa niyang kamay ang walis.

"Ano bang problema mo e sa nakakaiyak nga! The handsome boy in the movie died just because he saved the girl from dying! Na-transfer yung sakit sa kanya noong binigyan niya ng hangin ang babae kasi hindi na siya makahinga ng maayos kasi mahina ang lungs niya. Sabay silang isinugod sa hospital. The girl was saved kasi meron siyang lung donator but the guy..." Napaiyak ako. "Namatay siya Cat! Namatay siya..." Hagulgol ko.

"Patricia... come on" Buntong hininga niya at napailing na lamang tsaka itinuloy ang pagwawalis.

It didn't take long when we heard a knock on my door. Kita ko sa gilid si Catalya na busy sa pagwawalis at walang balak lapitan ang pintuan kaya ngumuso ako at pinunasan ang basa kong pisngi.

Ako na nga lang!

Napatayo ako at dumiretso sa pinto tsaka ito binuksan para lang magulat nang makita kung sino ang kumakatok ngayong malalim na ang gabi.

"Axel..." Pabulong na sambit ko sa pangalan niya pero nagulat ako nang higitin niya ako sa palpusuhan. Hindi ako nakapagsalita dahil sa seryosong paninitig niya sa mukha niya. His face darkened almost instantly when he had a look on my face.

"Why the fuck are you crying?" Kunot noong tanong niya bago ko naramdaman ang maingat na pagpunas ng daliri niya sa basang parte ng pisngi ko.

I bit my lip and pushed his hands away. Ewan ko kung saan ko nakuha ang lakas loob gawin iyon.

"Anong ginagawa mo dito?"

Umigiting ang panga niya.

"Ako ang unang nagtanong. Answer me. Bakit ka umiiyak?" Matigas niyang sabi. Ang mga mata niya ay hatid ang mensahe na gusto niyang malaman ang rason kung bakit naluluha ako.

If I tell him the truth, it will be embarrassing on my part! I cried over a movie! So no I'm not gonna tell him that.

"Axel..."

He pulled me closer.

"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Muling tanong niya. Kahit matigas ang pananalita niya, kita sa mukha niya ang pag-aalala.

He's so concerned well in fact hindi niya alam na isang panood lang pala ang binuhusan ko ng luha.

I bit my lip and tried to get away from him but he just pulled me tighter even more. Sa ganitong posisyon, wala na akong takas. He's much stronger.

"Please tell me. Who made you cry? Dammit Patricia..." He carresed my wet cheeks.

Nakarinig ako ng pagtikhim sa likod. "Nanood yan ng movie at naiyak sa ending. Nagda-drama kasi namatay daw yung gwapo na bidang lalaki" Si Catalya na ang sumagot.

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now