Chapter 23

183K 3.4K 705
                                    




stay hydrated. enjoy

🥀

Brix

Kumpulan ang mga estudyante sa labas. Tumunog na ang alarm ng school, signalling the start of the day kaya ayan, nagmamadali halos lahat.

Nailing ako at pumasok na sa loob ng gym. May praktis kami ngayon kasi sa susunod na linggo, sasabak ulit kami sa isang laro laban sa Trives.

Okay na sana. Handa na kami. The thing is, wala pa si Kap.

Takte asan na yun?

He's always early. He never gets late lalo na nang manligaw siya kay Zarena dahil kapag wala siya o mahuhuli kahit sa praktis lang, pagagalitan siya ni Za.

Ngayong umaga ang praktis namin. At halatang galit si Coach kasi wala pa si Kap.

"Where is Mr. Carson? He should be here by now. Hindi naman nale-late ang batang 'yon" Napatingin si Coach sa relo niya.

Sinenyasan ko si Axel na magsalita kaya ngumisi siya sa direksyon ko.

"Ah coach. Darating 'yun mamaya. Nag-eensayo pa kasi 'yun coach! Alam mo na, iba-ibang posisyon" Pang-gagong sagot ni Axel at may gana pang ngumiti ng ganun kalawak.

May double meaning ang huling linya niya, tanginang gago talaga.

Napailing na lang si Coach na mukhang hindi pa nakuha ang nakalakip na mensahe sa mga salita ni Monterelba.

Isaac

Kahit wala pa si Kap, inumpisahan na namin ang praktis. This is the second time he got late. Aside from the first time na late siyang dumating at umabsent sa game para lang hanapin si Za, wala na siyang ibang late. Ngayon lang.

Nag-crossover ako sa harap ni Seven bago pinuntirya ang ring. Pumasok naman ang bola kaya ngumisi ako.

But my smirk grew bigger when I saw two figures coming closer at our direction. Itinagilid ko ang ulo ko nang mamataan ang mukha ni Za. Galit siya habang kausap si Kap na may naglalarong ngiti lang sa labi nito.

She looks really mad at him. Pero parang abnormal ata si Kap ngayon. Kahit hindi pa sila masyadong nakakalapit, ramdam ko ang gaan ng awra ni Kap. He seems relaxed and fucking happy.

Axel

Tuluyang nakalapit sina Kap. Nang makita ko ang niya, wala sa sariling naipasa ko ang bola kay Seven.

Lintek mukhang ang saya ni Kap!

Pagtingin ko kay Za, mahina akong natawa nang makitang inis niyang siniko si Kap habang may pagalit siyang sinasabi dito.

Mukhang may nangyari atang hindi namin alam. Ibang kumilos si Kap ngayon e. Tapos galit pa ang reyna niya.

"Asan si Coach Stanford?" Mahinang tanong ni Zarena sa akin na mabilis kong sinagot. "Umalis pero babalik din mamaya"

Zarena diverted her eyes to our Captain. "Kailangan ko nang umalis. I still have to go to the faculty kasi may kailangan pa kaming pag-usapan ni Sir Jero" Saad niya at inayos ang medyo nagulong buhok ni Kap. "Kapag bumalik si Coach Stanford, ayusin mong magpaliwanag kung bakit ka nahuli. Okay?" Mahinahong tanong nito kay Kap na ngumisi lang at namulsa.

Imbis na sagutin ang tanong ni Zarena ng oo, bumaling siya sa amin. "Girlfriend ko nga pala..." Masayang sabi niya at inakbayan si Zarena.

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now