Chapter 19

175K 4.5K 504
                                    



🥀

Zarena

Wala akong ibang magawa kundi ang sundan ang bawat hakbang ni Luke. "Luke, you're being a pain in the ass" I couldn't help but mumble while we are walking out of the gym.

"Hmm" Tanging tugon niya sa masamang sinabi ko sa kanya habang mahigpit pa rin ang hawak niya sa kamay kong pilit kumakalas. Mas malakas talaga siya. His strength is obvious over me since I cannot take back my hands from his firm hold.

"Where do you live in the province?" Bigla niyang tanong.

Imbes na sumagot agad, lumingon muna ako para tignan sina Catalya. They are just right behind us but what I wasn't expecting, Catalya looks pissed while Isaac is saying something. Patricia on the other side is having a conversation with Axel.

"It's not my responsibility to answer your question, right?" Untag ko sa kanya.

He looked at me. "Do I have to beg?"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Instead, I glanced at my friends again. "Guys..." Tawag ko sa kanila. They abruptly looked at me. Maski sina Axel at Isaac.

I bit my lip. Sina Patricia at Catalya lang naman ang gusto kong tawagin e. Binalewala ko na lang sina Axel at nagpaalam na muna kila Pat. Madali silang makaintindi kaya hindi naging mahirap ang pagpapaalam ko sa kanila.

All of us parted ways. But Luke hard-headedly stayed right beside me.

"Sino ang kasama mo sa dorm?" Bigla ay tanong niya. His face is void of emotion but then his voice sounded different. Even his shoulders are tensed.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. "Si Savi. She had been my bestfriend ever since bata pa lang kami. Bumisita siya kasi wala silang pasok sa St. Tomas ng tatlong araw" Simpleng sabi ko. Napatingala ako para tignan ang langit. Dumidilim na ang mga ulap. Lumubog na rin ang araw. Looking at the sky, there's a possibility that the cloud will pour its heavy weight. Hindi ko matantsa kung gaano kalakas ang darating na ulan. But I hope it won't be too heavy.

It's already 5. May isang oras pa ako bago ang shift ko sa trabaho.

When I glanced at Luke, his face relaxed. Hindi na 'yung nababalisa tulad kanina. "She..." Pabulong niyang sabi at napatango-tango habang ako naman ay naguguluhan sa asta niya.

Mabilis ang pagdako namin sa dorm dahil na rin siguro sa malalaking paghakbang ni Luke na hinahabol ko. When we reached the doorstep of the dormitory I was assigned at, I called out Savi's name.

This girl should be here in this time. Mamaya pa 'yun lalabas e. "Savi..." Muli kong tawag para pagbuksan niya sana kami ng pinto pero walang sumasagot.

Nagpabuga ako ng marahas na hininga.
Then, I faced Luke and opened my palm in front of him. "Akin na muna ang bag ko" Buti at hindi na siya nagtanong pa at agad ibinigay sa akin ang hinihingi ko.

Kinapkap ko ang susi sa bag ko tsaka binuksan ang pintuan.

Pagpasok ko, kumunot ang noo ko dahil wala si Savi nang ilibot ko ang tingin ko. Pumunta akong kusina pero wala rin siya. Ramdam ko ang tahimik na presensya ni Luke na sumusunod lang sa akin. He wasn't saying a word. He was silent while I'm looking for my bestfriend. "Asan ba 'yun?" Marahang tanong ko dahil walang bakas ni Savi ang nakita ko. "She didn't even text me to let me know where she is" Busangot ko pero nagulat ako at napalingon sa likuran ko nang may marinig akong ingay doon.

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now