Chapter 37

113K 3.2K 866
                                    




🥀

Catalya

Nakaawang ang bibig ko habang nakatingin kay Diane na naupo sa puwesto ni Za.

Kanina pa ako naiinis dito sa babaeng 'to! I'm just trying to calm myself up. Pero tao din ako. I'm also losing kindness, tolerance and patience!

"Diane, please move to the other seat. Si Za kasi ang laging naka-upo jan e. That seat is reserved for her by the captain himself" Malutong na sampal ko sa mukha niya gamit ang mga salita ko.

I glared at Zarena when she looked at me. Isa rin tong si Za, nakakainis na yung kabaitan niya. Alam kong nasasaktan na siya kanina pa habang salita ng salita si Diane tungkol kay Luke, pero tahimik lang siya! It's pissing me off.

Zarena sighed with the way I looked at her.

Pagtingin ko kay Diane, natigilan siya. "The C-captain? You mean Luke reserved this seat for Zarena?" Halos hindi makapaniwalang tanong niya.

I heard Zarena clear her throat. "Sa kabila ka na lang muna Diane. Pasensya na" Walang buhay na sabi niya.

I almost want to sing hallelujah out loud because of that. Sa wakas anjan na nga ang totoong Zarena!

"Oh I-i'm sorry..." Parang nahihiyang sabi niya at naupo sa tabi ng upuan ni Za.

Syempre dahil ayaw kong makatabi si Diane, sa kaliwang tabi ni Za ako naupo. Si Patricia naman ay naupo sa kaliwa ko. Marahil ayaw niya rin katabi si Diane.

When we all sat down and settled ourselves, napako ang tingin ko sa Captain ng Vikings. Diretso ang tingin niya sa puwesto ni Za. Even from afar, his eyes look cold. Maririin ang mga titig niya kay Za.

I heard Zarena sigh. "Dammit" I heard her whisper enough for me to hear it.

Nagsimula na ang laro. At sa bawat pagbato ni Kap sa bola, titingin muna siya sa gawi ni Za. Pumapasok lagi ito sa ring.

The way he's looking at her never changed. Halata pa rin ang labis na pagiging patay na patay ni Kap kay Za. Kahit malayo ang tingin sa mukha ni Kap, kitang kitang iisang direksyon lang ang tinitignan ng mga mata niya tsaka niya ibabaling ang atensyon sa laro.

Kung ako si Diane, mahihiya na ako. Dapat matauhan na siya ngayon pa lang.

I really can't believe that Captain is forced to marry her. Pero hindi na dapat ako nagugulat dahil ang yaman ng pamilya ni Luke. At uso ang arrange marriage ngayon sa mga mayayaman. Yun ang nakakainis.

Pero si Luke talaga?

My gosh. Hindi ko alam kung matatakot na ba ako sa mangyayari at sa kasalukuyang nangyayari ngayon. Dahil sigurado akong hindi susukuan ni Kap si Za. Mahal na mahal niya si Za.

Ako ang natatakot sa kung anong kayang gawin ni Kap.

Kita ko ang pagngiti ni Kap habang nakatingin siya sa gawi namin kaya mabilis akong napatingin kay Za. Iisa lang naman kasi ang dahilan kapag may ngiti sa labi ni Kap. At tama nga ang hinala ko. Zarena is smiling proudly at him while he dribbles the ball.

"I love you" Nahigit ko ang hininga ko sa namataan na sinabi ni Kap habang nakatingin kay Za.

When I looked at Zarena, I felt her still. Sa tabi niya nakaawang ang labi ni Diane.

Napangiti ako sa sumunod na nakita. Zarena mouthed an i love you too kay Kap.

That's it girl!

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now