Chapter 44

117K 2.8K 331
                                    

maligayang pagbabasa
❤️

🥀

Brix

Mahigpit ang hawak ko sa manibela habang diretso sa daan ang tingin ko.

Lintik naman si Kap. Ako pa ang pinayuhan na maghatid kay Za. Tapos binantaan pa akong huwag daw siyang kausapin kung hindi naman daw mahalaga. Nak ng!

"Brix may problema ba? Pinagpapawisan ka"

Ano?

Mahina akong napamura at saglit pinunasan ang sentido ko. Shit meron nga! Bakit nga ba ako pinagpapawisan?!

Mas humigpit ang hawak ko sa manibela lalo dahil dama ko ngayon ang titig ni Za. Gusto kong magmura ng malutong tuloy.

Fuck kapag nakikita ni Kap ang nangyayari ngayon, lagot ang puwet ko!

Lumunok ako ng dalawang beses.

"Huwag mo akong kausapin Za" walang buhay kong sabi pero ang tanging sagot niya lang ay isang marahang tawa.

"He told you something, didn't he?" Natatawang tanong niya. Wala akong ibang ginawa kundi tumango lang.

She continued staring at me. Maganda talaga 'tong si Za. Tangina rin si Kap nakabingwit!

Kaya bumuntong hininga ako. "You know... your boyfriend is a jealous type. He's possessive too. Sinasalba ko lang ang sarili sa selos niya habang may oras pa ako" Nakangiwing asik ko.

Kung di lang ako binantaan ni Kap na babasagin niya ang bayag at mukha ko kapag may mali akong nagawa, edi kanina pa ako nagkuwento at nagbiro! Tss.

Bumaling pareho ang atensyon namin ni Za nang tumunog ang phone ko na nasa kanang gilid ko.

Nakita ko ang pangalang Jessica na rumehistro sa screen ng phone ko.

Tumiim ang bagang ko. Kagabi pa siya tawag ng tawag. I told her it was just plain sex. She knows that. Isang gabi lang iyon pero nak' ng pating! Bakit panay na ang tawag at text?

Katulad rin siya nung iba.

"Hindi mo ba sasagutin Brix?"

Umiling ako. "Hindi naman importante"

From my peripheral vision, she nodded.

Ganun lang. Ganito kami katahimik hanggang sa maihatid ko na siya mismo sa school dormitory.

"Thank you Brix. Good night"

Ngumisi ako dahil nakahinga ako ng malalim. Fuck naihatid ko rin sa wakas! Naihatid ko siyang buo! Yes!

Pero nagulat ako nang lumapit siya at humalik sa pisngi ko.

Tang ina.

"Ingat ka sa daan" casual na sabi niya at ngumiti.

Tumikhim ako para itago ang reaksyon ko. "Ikaw din ingat ka. Hintayin mo na lang si Kap. Baka dito yun dederetso" Prenteng sabi ko.

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now