Chapter 45

120K 3K 363
                                    




🥀

Zarena

Kabadong-kabado kong ibinaba ang phone ko matapos kong maka-usap si Mama.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa takot at kaba. Ni hindi ko maintindihan ang sarili kong sistema dahil nilulukob ng sari-saring emosyon ang aking damdamin.

Ito ba yung sinasabi ni Tita na gagawin ng papa ni Luke kapag sumuway siya?

And this is just the start?

Bakit kailangang idamay niya pa ang mga magulang ko?

I leaned at the nearest table to support myself because dammit my knees are shaking!

Sinubukan ko namang ayusin ang tayo ko dahil ayokong makahalata si Luke. But I just can't do it! Nanghihina akong naglakad pabalik kay Luke. Ang mga mata niya ay mariin ang titig sa akin. Parang may kung anong pinapansin at kinukumpirma.

Nagawa kong maupo pabalik sa tabi niya. "What happened? Namumutla ka" Concern is written all over his face. Hinawakan niya ang palpusuhan ko.

Sasaihin ko ba? Paano ko sasabihin?

I can't set my mind right! Takot ang namamayagpag dito da dibdib ko!

Parang sirang plakang paulit-ulit pumapasok sa isip ko ang mga katagang sinabi sa akin ni Mama.

Gusto kong ibuka ang bibig ko at sabihin lahat kay Luke pero parang may pumipigil sa akin. 'Tong lalamunan ko, parang natuyo at may bumabara.

Bago pa man ako makapagdesisyong magsalita, natigilan ako nang tumunog ang phone niya. Both of us turned our attention to his phone.

"Franco" malamig na bati ni Luke. Natahimik naman siya na tila ba pinapakinggang mabuti ang mga sinasabi ng katawag niya.

Nakatitig ako sa kanya habang pilit kong pinapakalma ang kumakalat na takot sa sistema ko. I even tried diverting my mind to different things but it would not work. Paulit-ulit lang na naglalaro sa isip ko ang kalagayan nila Papa at Mama ngayon!

They have taken my mother's restaurant. All the clients of my father withrew from their cases. Muntik pang kunin ng mga tauhan ng papa ni Luke ang sakahan namin.

Nagawa ng papa niya iyon ng ganun ganun lang. Madali niyang nagawa sa amin ito. Abogado si Papa pero hindi niya nagawang maipagtanggol ang pagkuha ng mga taong iyon sa restaurant ni mama. Ni hindi niya kayang ilaban ang mga karapatan namin sa pag-aari namin. Hindi man makatarungan, walang makatarungan sa mata ng pera. Anong nga naman ang laban namin sa isang makapangyarihang tao na halos kilala pa sa ibang bansa?

And this is only the beginning...

Napapikit ako ng mariin. Tsaka lang ako nagmulat ng mga mata matapos marinig ang mahinang pagmumura ni Luke.

Imbis na mapakalma ko ang sarili ko sa kaba at takot na dala ng impormasyong narinig ko mula kay Mama, mas sumiklab ang damdaming takot sa puso ko nang makita kung paano ako tignan ng mga mata ni Luke.

Mabangis. Ang madilim na mga mata niya ay mabagsik ang tingin sa akin. Pansin ko rin ang paghigpit ng hawak niya sa phone niya. Parang mababasag ito sa paraan ng paghawak niya.

"Thank you for informing me. Dig up more information and keep your eyes close on his next move. We'll talk tomorrow" saad niya. Tila maikukumpara sa lamig ng yelo ang boses niya.

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now