Chapter 38

118K 3.3K 341
                                    



not proofread
Sorry

maliayang pagbabasa!

🥀

Zarena

Love is really hard to predict. Lalo na sa situwasyong meron kami ngayon.

Bumuntong hininga ako habang nakatingin sa tulog na mukha ng gwapong kapitan. He's sleeping peacefully. Sumama siya sa dorm ko. Dito niya gustong matulog kaya dito kami pumunta.

Huminga ako ng malalim nang maalala ang pinag-usapan namin ni Tita Stela. I should stay away from Luke because that is what's best for him.

Kasi sa tuwing pumapasok sa isip ko ang mga puwedeng mangyari kay Luke kapag sinuway niya ang daddy niya, 'di ko mapigilan ang sarili kong damdamin ang mga ito.

Pumikit ako para pigilan ang mga luha ko.

But I was distracted when I felt a movement on Luke's part. Mabilis akong nagmulat at napatingin sa puwesto niya upang makasalubong lamang ang mga mata niyang mapupungay na nakatingin sa akin.

Mabilis nagbago ang ekspresyon niya nang makita ang mukha ko.

He immediately sat down and positioned me in front of him. "Tell me what's wrong. Gabing gabi na pero hindi ka pa natutulog" Maririin ang mga titig niya sa akin.

And that look makes me scared.

Natatakot ako sa kaseryosohang taglay ng mga mata niya.

Kanina noong tulog siya, napag-isipan kong ipagtapat sa kanya ang lahat ng nalaman ko. I want him to know everything. Every detail.

Inisip kong mabuti ang mga salitang sasabihin ko. Tinipon ko ang mga dahilan na kailangan kong gamitin para maipaliwanag ko sa kanya ng husto ang plano kong gawin. Sa problemang ito, hindi lang dapat ako ang makaalam. Because both Luke and I are part of this situation we're in right now. Ayokong maging makasarili at kimkimin ang problema ng mag-isa ko. I have decided. I already have a plan. But I want him to know about it too.

Gusto kong marinig kung ano ang sasabihin niya. His word in this is important. Ayokong balewalain iyon.

Alam kong hindi magiging madali ang pag-uusap namin na ito pero gusto kong idaan ito sa tamang proseso.

I inhaled deeply. "Diane talked to me last friday. She asked me a favor. At noong Sabado, when your mom and I went out, she asked me to do something" Imbes na hayaan ko ang sarili kong kabahan sa pagdidilim ng mga mata ni Luke, mas tinapangan ko ang sarili ko.

"That explains why you cried last friday night. And your eyes last Saturday" his jaw clenched.

"Tell me more" walang buhay na sambit niya.

And bawat tapang na meron ako, pinilit kong inilabas. "Alam ko ang kasunduan niyo ng papa mo. I know that you are the next in line. Next to be the CEO of your family's business. Ikaw ang tanging tagapagmana ng pamilya niyo, Luke. And I know how important your family's company is to you. Alam kong pinaghirapan mo ang paglago ng kompanya niyo. I know how hard you helped your father. At mababalewala ang lahat ng pinaghirapan mo. Mababalewala ang mana mo. Mababalewala ang relasyon mo sa mga magulang mo. Mababalewala ang pangarap mo kapag ipinagpatuloy natin ang ugnayan na meron tayo" He was listening. Pero ang mga mata niya ang nakatitig sa akin na para bang walang kuwenta ang mga pinagsasasabi ko. That even if I push this through, nothing will change.

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now