Chapter 40

130K 3.5K 675
                                    

as promised

🥀

Zarena

The way Luke locked our hands, I cannot manage to take back my hand.

Mahigpit ang hawak niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa dorm ko. At kapag pasimpe akong tumitingin sa kanya, pansin kong sunod-sunod ang pagtitiim bagang niya. Hindi mapakali ang ekspresyon sa mukha niya.

Linabanan ko ang nagpupuyos na mga reaksyong nararamdaman ko.

"Isang beses lang naman 'to Luke e. Ihatid mo lang siya at kausapin" Mahinang sabi ko nang makapasok na kami sa loob ng kuwarto ko. Pabagsak niyang inilagay sa sofa ang bag ko na kinuha niya mula sa akin kanina. He also threw his bag before lazily stopping.

Nakatalikod siya sa akin kaya uindi ko kita ang mukha niya ngunit nasisiguro kong nakakakilabot pa rin ang ekspresyon niya hanggang ngayon. "Bakit ba lagi mo akong pinapamigay Za?"

Hirap akong napasinghap nang lingunin niya ako. Deadly eyes met my eyes. Kumuyom ang mga kamay ko dahil hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalhin ng tapang kong ito.

"Nabibilang na lang ang araw na hinihintay ng papa mo para sumangayon ka sa kasal niyo ni Diane. You need to think this through. Isipin mo kung gaano kahalaga ang maipapasa sa'yo galing sa papa mo"

His scary aura seems to make the atmosphere even heavier that it is. Nanghina ako sa mga titig na natatanggap ko mula sa kanya.

"Papakawalan mo ako ng ganun-ganun lang?" Galit niyang tanong. Pero kalakip non ay sakit na bumulatay sa mga mata niya.

Hindi ako umurong kahit pa sinimulan ng mga hakbang niya na kainin ang distantsya naminl and when he did, he possessively wrapped his hands around my waist.

Umigting ang panga niya.

"What more do you fucking want me to prove, huh Zarena? Ano pa ba ang gusto mong gawin ko para lang mapatunayan ko sa'yong kaya kitang ipaglaban?"

Napapikit ako sa nangungusap na tinig niya. "Luke.." Hirap kong sabi at pilit kinalas ang mga kamay niyang nakapulupot sa baywang ko ngunit mas lalo niya lang itong hinigpitan.

"You have to tell me. I'll fucking do anything. Sabihin mo lang sa akin, Za. Kasi gagawin ko lahat, maniwala ka lang"

I shook my head. Pinilit kong pinatatag ang sarili ko kahit sa totoo lang, nanghihina na ang katawan ko.

Kung patuloy naming itutuloy ang relasyong meron kami ngayon, itong relasyong ipinagkakait sa amin, masasaktan lang kami sa huli. Kung ipaglalaban namin ang ugnayan naming dalawa, masasaktan ang ibang tao. Mahal ko si Luke pero hindi pwede. Ayaw ng mga magulang niya. At kapag ipinagpatuloy namin ang kung ano man ang meron kami ngayon, magiging hadlang ako sa tagumpay na dapat ay makakamit niya.

They say that love is free. Love can make you whole. Love can drive you to insane happiness. Yet the love I have with Luke is so much different. "May masasaktan kapag ipagpapatuloy natin ang meron tayo, Luke"

"Putangina naman Zarena! Uunahin mo pa ba ang iba?! Papaano ang meron tayo? Sa tingin mo ba may pakialam ako sa lintik na mga taong nakapaligid sa atin?! Bullshit! Kaya mong tapusin ang relasyon natin dahil lang may mga masasaktan? Ganun ba?" Galit niyang tugon.

He's mad. His eyes are spitting fire and his jaw tightened.

Tinignan ko siya ng buong pagmamahal. "Luke, mahal na mahal kita"

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now