Chapter 39

114K 3K 408
                                    




🥀

Zarena

Kung kahustuhan ko ay ang pakawalan si Luke, hindi magiging madali iyon. Because Luke is persistent in making me stay.

Ilang araw na ang nakalipas pagkatapos ng pag-uusap namin at napapansin ko ang bantay sarado niyang mga akto sa akin. At night, he would make sure I'm asleep before he gets rest for himself. Sa tuwing nasa paaralan kami, lagi niyang sinisigurong may kasama ako. Na kasama ko sina Patricia at Catalya.

Pinapagalitan niya ako kapag hinahayaan kong makalapit si Diane. Ayaw niyang kasama ko si Diane. Pero hindi naman dapat iyon.

Tulad ko, babae si Diane. I know how a girl feels everytime Luke ignores her like she's nobody. Hindi man ako ang nasa situwasyon niya pero alam kong masakit para sa kanya dahil mahal na mahal niya si Luke.

Life is not going so well right now. Nagkakasakitan kami. May masasaktan sa lahat ng desisyong mapipili. Kahit anong pipiliin ko, may masasaktan at may masasaktan.

I blew a loud sigh.

Kasalukuyan silang naglalaro ngayon. They are playing a game against the Trives for game 2.

Pagak akong napangiti nang ipasa ni Seven ang bola kay Luke na agad nasalo nito at naipasok sa ring. And everytime that happens, lahat ng fans ni Luke at ng Vikings ay nag-iingay.

Luke never fails to amaze his fans. He never fails to prove his skills. He never fails to prove how worthy he is to be the captain. And I'm proud of him.

Kasi hindi siya tulad ng ibang mayayaman na nakukuha lang ang mga gusto dahil sa mga ugnayan na meron sila sa ibang tao. He does not get a title just because their family owns the school. Kilala siya dahil lahat ng meron siya ay pinaghirapan niya.

Tahimik lang si Diane sa tabi ko. She's watching Luke intently. Pero mabigat sa loob ko ang sakit na nakikita ko sa mga mata niya.

Rejection.

Disavowal.

Sadness.

Heartache.

Those are just some of the emotions that I see in her pained eyes whenever she's facing Luke. He always choose to ignore her. And that is heartbreaking for a girl if the man she loves doesn't reciprocate the love she has for him.

Ngunit sa puso ko, alam kong damang dama ko ang paghahalaga ni Luke sa akin. Pinapakita niya ito sa lahat ng tao at kahit itanggi ko man, di mababali ang katotohanan na masaya ako. Because everyday, every minute that counts, Luke shows his whole love for me.

Sometimes whenever he gets a chance, he would romance me. And I let him. Kasi kahit pigilan ko siya, di ko kaya. Dahil laging sumusuko ang sarili kong katawan sa mga haplos niya. Ang bawat paghalik niya ay pinaparamdam kung gaano niya ako kamahal. Kung gaano ako kahalaga sa kanya.

Pumikit ako saglit.

Pagmulat ko, isang masayang ngiti sa labi ni Luke ang sumalubong sa paningin ko.

I gave him a simple smile before he got his head back in the game.

"Za. Alam mo bang noong unang beses na nakita kita, inggit na inggit ako?" Rinig kong tanong ni Diane. Hindi ko man siya tignan, kung papaano pumiyok ang boses niya, alam ko na ang nakapinta sa mukha niya.

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now