Chapter 47

116K 3K 427
                                    




🥀

Zarena

Mabigat ang bawat paghinga ko. Animoy para bang pinagpipyestahan ng mga sinulid ang dibdib ko habang nakatingala ako sa kisame ng kuwarto ko. Natapos ang araw na ito na hindi ako pinuntahan ni Luke. No text mesaages and calls from him.

Tangina bakit ba ako nasasaktan? Dapat diba masaya ako dahil nasisimulan na ang gusto kong mangyari? Nagdesisyon na ako. Dapat panindigan ko ito.

So why the heck am I feeling so hopeless now?

Inimporma ako ni Brix kanina lang na hindi nga um-attend ng klase nila si Luke. Malalim na rin ang gabi pero wala pa siya. Hindi ko alam kung nasaan siya o kung ano ang ginagawa niya.

Kinakabahan ako dahil wala akong kaalam alam kung ano na ang ginagawa niya sa ngayon. Kung maayos ba ang lagay niya. Kung nakakain ba siya. Hindi naman maaalis sa puso ko ang kaba. At hindi ko ipagkakait sa sarili ko ang mag-alala sa kanya.

Pumikit ako at isinandal ang ulo ko sa headrest. Hindi maganda ang pakiramdam ko. Kaninang tanghali ko pa naramdaman ang kakaibang pagkahilo na 'to.

Napahawak ako sa tiyan ko dahil pakiramdam ko parang bumabaliktad ang sikmura ko. I groaned painfully when I felt my stomach tighten. Ano ba 'toh! Patakbo akong tumungo sa banyo at mabilis lumuhod para dumuwal.

Umungol ako sa panghihina nang muling may naitulak sa sikmura ko. Muli akong naduwal.

"Hmm shit" hirap na bulong ko.

Napahawak ako sa tiyan ko matapos maiflush ang inodoro. Agad akong naghugas ng kamay. I gargled water to wash my mouth. I washed my face too before looking at my reflection in the mirror.

Namumutla ako.

I gulped. Baka dahil naparami lang ang kain ko kanina doon kila Pat. Nagyaya kasi sila na kumain dahil nagluto si Catalya ng maraming putahe. Naparami ang kain ko kaya baka iyon ang dahilan.

Yes it is. Napadami lang ang kain ko.

Bumalik ako sa kama habang sinusubukan kong pakalmahin ang sistema ko. I grimaced and messed my hair.

Friday bukas. Balik aral na naman ako. Pero kung dati, may focus ako. Ngayon, ang daming gumugulo sa isip ko. Binabalot lagi ang puso ko ng kaba sa kalagayan ng pamilya ko sa Bicol. Binubulabog lagi ang isip ko sa mga problemang nadadaanan namin ngayon.

I realized that solving math problems could be hard. That writing an essay needs so much thinking. That computing numbers and accurately solving equations are complicated. I never knew that solving love problems is also hard. Much harder. Mas mahirap pa 'to kesa sa pagmemorize ng mga articles at mga batas. Mas mahirap kesa sa sangkatutak na mga salitang dapat isaulo. Mas mahirap sa paggawa ng reports at assignment. Mas mahirap kesa sa pagsagot sa mga quiz at test papers.


Kumuyom ang kamao ko. "You are strong, Zarena" ani ko bilang pagpapalakas ko sa sarili ko.

Malakas ka Za. Mahirap man. Masakit man. Mabigat man. Kailangan mong tatagan ang loob mo. Kailangan mong panindigan ang mga desisyon mo. Kailangan mong maging malakas para sa sarili mo at para kay Luke. Lalo na ang pamilya mong ikaw na lang ang inaasahan.

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now