Chapter 36

115K 2.7K 389
                                    





🥀

Catalya

I focused my attention to what our prof is saying.

Kasalukuyan naming pinag-aaralan ang bagong lesson sa Commercial Law Review. He's talking about landmark and recent jurisprudence on labor law.

Pasimple akong tumingin kay Za kasi kanina ko pa napapansin na parang wala siya sa sarili niya. And now, she's looking at Mr. Olivarez. She may look like she's listening but for me, I can tell she's in daze. Parang ang lalim ng iniisip niya.

I sighed. Kinalabit ko siya. "Okay ka lang? May problema ba?" Nag-aalalang tanong ko. Hindi lang ngayon na napansin kong ganito si Za. Even last Saturday when her eyes were puffy. Obviously, fresh from crying. Lutang siya kahit nanonood kami ng movies noon.

At ngayon, heto.

Pagtingin niya sa akin, napansin kong parang nanunubig ang mga mata niya.

"You're not okay" Seryosong saad ko.

Kita ko sa tabi si Patricia na nakatingin sa gawi namin.

Tumango tango si Za. "Hindi ako okay" Matapat na sabi niya.

I abruptly checked the time. Shit, kakasimula lang ng klase e.

Hindi ko siya makausap ng maayos kasi may prof sa harap. And it would be disrespectful to have a conversation with Za while the professor is actually standing in front, speaking.

Zarena... she tried to smile at me. "I'm not okay but I can handle this"

I actually don't believe that.

Bumuntong hininga ako. May problema ba sila ni Luke?

Isip ako ng isip. Pero syempre nakinig pa rin ako sa prof hanggang sa matapos ang dalawang magkasunod na subjects. Break na.

"Za" rinig ko ang seryosong pagtawag ni Patricia kay Za nang makalapit siya sa puwesto namin.

When I looked at Za, kita ko ang maingat na pagngiti niya sa amin. "Gusto niyo bang kumain? Nagugutom kasi ako" That was a smooth way to divert a topic which will be opened up by Patricia.

We both sighed.

Kung ganitong ayaw ni Za na pag-usapan, dapat naming irespeto iyon. Halata man na may problema siya, kung hindi naman na niya kaya, sasabihin niya sa amin.

Tumango si Pat. "Sige tara. Tutal gutom na rin naman ang mga alaga ko sa tiyan, why not?" She tried to make the atmosphere lighter.

We ended up eating in Fritz and Bits. Gusto raw kasi ni Za ng pampalamig ulo tapos sweets.

"Ano bang meron talaga sa sweet mango at paborito mo Za?" Takhang tanong ni Pat kasi umorder si Za ulit ng mango shake at mango cake. Palagi na lang. Basta kapag may pagkain na ang recipe ay sweet mango, oorderin at oorderin niya.

"Bestfriend ko kasi siya" Kindat niya kay Pat nagpataas sa kilay nito.

"Really now? How 'bout me and Catalya then?" Untag nito.

Ngumiti si Za pero halata pa rin ang tamlay sa mga mata niya. "Bestfriends ko din?"

Tss.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap at pag-uubos ng pagkain namin nang may lumapit sa gawi namin. My eyes trailed to where her look is directed to. Si Za.

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now