Chapter 16

176K 4.8K 844
                                    





Ready your hearts, mga mahal ko

enjoy
❤️

🥀

Zarena

I tried. And I am trying.

Sinusubukan ko talagang mag-focus sa ginagawa ko pero hindi ko magawagawa. Bakit? Because the way Luke stares at me is not making it easy!

The words he told me, he is taking it into action. He is actually waiting for me.

It's been an hour since he came. At sa isang buong oras na iyon, hindi niya inalis ang tingin niya sa akin. Even until now. His eyes remained focused on me. Tila ba isa akong palabas na pinapanood niya. If that's the case, he should be bored, right? Pero hindi naman. His eyes never left mine.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa direksyon niya. Nagpabuga ako ng marahas na hininga nang kindatan niya ako habang sumisipsip siya sa straw ng mango frappe niya na ibinigay ko sa kanya kanina. He didn't order but my hands had its own mind to prepare something for him.

"Look away" I silently mouthed at him but he just shook his head and smirked.

Pinaningkitan ko lang siya ng tingin saka muling ibinaling ang atensyon ko sa ginaawa ko. Wala pa namang masyadong customer kaya naman pinunasan ko muna ang mga lamesang marumi.

I heard the ladies on the corner giggle.

Right. They're still here. Sila yung dalawang babaeng kanina pa nagtatambay dito simula nung mag-order sila. And I am not dumb not to know the reason why. Kanina pa nila tinititigan si Luke at kanina pa nila ito pasimpleng kinukunan ng litrato. Hindi lang ako nagsasalita. Wala rin namang pakialam si Luke kasi ang loko naninitig lang sa direksyon ko.

Hindi ko na lamang pinansin at tinapos ang gingawa ko. Saka lang ako bumalik sa counter nang may pumasok na mga cutomers.

"Ulol! Sinong maniniwala sa'yo?" Natatawang sabi ng isa. I looked at them. A group of male college students.

Tahimik lang ako hanggang sa humarap sila sa akin. I executed my practiced smile again. "Good evening. Ano po ang order niyo?" Magalang na tanong ko ngunit hindi ko inaasahan ang paggawa nila ng ingay.

"Miss ang ganda mo a" Saad ng isa. I mentally face palmed. Mukhang ka-edad ko lang rin sila.

Ngumiti lang ako at hindi nag-komento roon. "Ano po ang order niyo?" Pag-uulit ko sa kaninang tanong ko at ngumiti nang may isang lalaki na tumapat sa akin. Maybe the representative of the group?

He smiled at me. "Apat na serving ng blueberry tart tsaka limang order sa coffee espressó niyo" Sabi niya kaya ngumiti ako. Mukhang mabait ang isang 'to. Ibang-iba sa nagsalita kanina.

"Yung lang po ba sir?" Pagkumpirma ko sa orders nila at tumango nang um-oo siya.

"910 pesos po lahat sir"

"Eto miss" Mabilis kong tinanggap ang pera at binaryaan ito. Nang magawa ko, magulat ako nang lumapit sa counter ang isa sa kanila.

"Miss.." Tila nahihiyang smabit niya at ngumiti. "Pwede rin bang orderin ang number mo?" Pasimpleng tanong niya na alam kong rinig sa puwesto ni Luke.

Kaya naman, mabilis akong tumingin sa gawi ni Luke. His eyes are dangerously looking at guy in front of me. Then, he looked at me. Pinandilatan ko siya nang tumayo siya. "Sit down" I mouthed silently.

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now