Simula

2.3K 72 11
                                    

1 years later..

Nakatulala lamang ako sa kisame sinusulit ang natitira kong araw sa Britania sa palasyo ng aking Ama.

Simula ng magmulat ako ay dito na ko nanatili.

Nagulat nga ako ng minsang bumisita ang sinasabing Ina ko. Na Reyna ng Ainabridge.

May kapatid kaya ako?

Tulala pa din ako at nakita sa kisame.

"Saan kaya ako dadalhin ni Ama bukas at bakit ipinahahanda niya ang gamit ko?" nahihiwagaang bulong ko.

Dahil hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sakin ang mga pinaplano ni Ama.

Sa tuwing tatanungin ko siya. Di niya ko magawang sagutin..

Hanggang sa nakatulog ako.

Kinabukasan..

"Jewel bangon na." tawag ng isang boses kaya agad akong bumangon.

"Oh Ama?" inaantok na usal ko.

"Tara na kailangan na nating maglakbay patungo sa Ainabridge Castle." nakangiting sabi ni Ama.

"Ainabridge Castle?" nagtatakang tanong ko sakanya.

"Oo Jewel doon nakatira na ang iyong Ina at ang iyong kapatid. Sapat na ang ilang taon na paninirahan mo rito." saad ni Ama sakin.

"May kapatid ako Ama?" nagtatakang sambit ko.

"Oo naman. Bunso mo siyang kapatid mamemeet mo siya mamaya." saad pa ni Ama.

"Para akong naexcite bigla." natatawang sabi ko tsaka tumayo at nanakbo papuntang banyo upang mag-ayos na.

"Oh Sandiwa Jewel bakit po kayo nagmamadali?" salubong sakin ng isa sa mga alipin rito.

"Alam mo ba Diana dadalhin ako ni Ama sa Ainabridge Castle ngayon lang ako makakapunta roon." natutuwang kwento ko sakanya.

"Ay nakakaexcite nga po yan. Edi ilang araw ko po kayo di makikita rito." malungkot na sabi niya.

Isa si Diana sa mga naging malapit na kaibigan sakin dito sa Britania. Kahit alipin siya ay di siya naging iba sakin..kahit madalas ko siyang sungitan.

"Wag ka ng malungkot. Babalik naman ako dito paminsan-minsan." nakangiting sabi ko sakanya.

"Asahan ko po iyan ha." parang bata na sabi niya.

Si Diana kasi ay halos magkasing age kami kaya nagkakasundo kami.

Kayang-kaya niya sakyan lahat ng trip ko sa buhay..

"Oo naman." saad ko sakanya

"Mahal na Sandiwa mamimiss po kita." masayang sabi niya sakin.

Kaya niyakap siya.

"Mamimiss rin kita Diana." saad ko sakanya tsaka humiwalay sa yakap..

Ng biglang..

"Jewel dalian mo na." rinig kong sigaw ni Ama. Kaya nagkatinginan kami ni Diana at parehas na tumawa.

"Sige na mag-aayos na ko. Masama magalit ang pinunong paruparo." natatawang bulong ko kay Diana.

"Ay sige po may gagawin pa rin po pala ako hihi." sabi niya tsaka tumalikod at ako naman ay nanakbo na papuntang banyo..

Ano kayang itsura ng Ainabridge Academy?

Sandiwa Jewel is BackWhere stories live. Discover now