Kabanata 10

1.3K 41 1
  • Αφιερωμένο στον/ην kishacoli
                                    

Enzo

      Dahil sa sobrang pag-iisip nakalimutan ko ng kumain ng umagahan para akong lutang na lutang sa ere habang nakaupo ako sa sala ng dorm namin ni Akiel.

Btw Akiel is a simple-ordinary mafi na nagmula sa Aegisfling.

At dahil maaga pa humiga muna ako sa sofa at natulog..

"Cedes saan ka pupunta?" tanong ko sakanya.

"Sila Ina at Ama ang dalas mag-away kaya pati ako apektado na." umiiyak na sabi niya.

"Pero maling takasan mo ang problema." nakangiting sabi ko sakanya

"Pero pagod na ko Enzo. Sukong-suko na ko." umiiyak na sabi niya. Kaya hinila ko siya at pinatahan sa balikat ko.

"Kung pagod kalang try to rest yourself. Or di kaya maniwala ka lang sa bathala ng iyong lahi dahil walang bathala ang kayang pabayaan ang kanyang nasasakupan." sabi ko sakanya tsaka hinimas ang likod senyales ng pagcocomfort sakanya.

"Sana ganun kadali sana wag ka ding sumuko. Sana samahan mo ko sa lahat." ngiting-pilit na usal niya.

"Pangako." nakangiting usal ko sakanya..

Naramdaman ko ang labis na lungkot kaya di ko namalayang pumapatak na ang aking luha.

"Pangako."

Magpapatuloy na sana ako sa pagtulog ng biglang..

"Enzo." tawag ng isang tinig sa sala.

Kaya napabangon ako. At agad binuksan ang pinto.

At agad napawi ang lungkot ko ng makita ko si Jewel sa pinto na nakangiti tsaka niyakap ako..

"Prinsipe ko." sabi niya tsaka hinila ako at niyakap ng mahigpit.

Saglit kong nakalimutan ang bagay na dapat kinakalimutan ko na. Di ko lang maiwasang mapaisip.

"Bakit naparito ka prinsesa ko?" malambing na ani ko sakanya.

"Bat narito ka pa sa iyong dorm?" malambing na ani niya sakin.

"Sapagkat inaantok pa kong tunay." natatawang sabi ko sakanya.

"Napakaantukin mo talaga Enzo hahaha." tawa niya sakin na naging dahilan upang matitigan ko ito ng lubusan. Ang babaeng nagparamdam sakin ng totoong pagmamahal.

At ang babaeng kilala ng buo kong angkan at tanggap ng aking mga magulang.

Ang babaeng laging nandiyan.

Ang babaeng handa kang ipaglaban ng patayan.

Ngunit kilala ko nga ba siyang lubusan?

O may dapat pa ba akong malaman sa buo niyang pagkatao?

"Enzo." malambing na tawag niya sakin.

Kaya natanggal ako sa pag-iisip ng mga bagay na iniisip ko kanina.

"Jewel tara na kaya sa dining area gugutom na ako." yaya ko sakanya.

Sandiwa Jewel is BackΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα