Kabanata 44

1K 36 4
                                    

Someone

Linggo ngayon at dahil walang kasama si Criszette sa dorm ay maaga siyang nagising.

Lumabas siya ng dorm at naglibot-libot muna hanggang sa..

*blag*

"Ah sorry miss pasensya na." hinging patawad nung babaeng nakabangga niya.

"Next time kasi matuto tumingin sa dinadaanan." di maiwasang magtaray ni Criszette dahil bagong gising lang siya.

"Pasensya na talaga." ani nung babaeng nakabangga niya.

"Charm." tawag ng isang boses. Kaya napakunot noo si Criszette at nilingon rin ang tumawag sa babaeng nakabangga niya.

At ayun nga may tatlong lalaking sumulpot. Sina Nathan, Brisk at Serix.

"Bat di mo man lang kami inaantay? Ganun ka na ba kaatat makita kasintahan mo." inis na sabi ni Nathan habang papalapit sa pwesto ng dalawa.

Nakakunot noo naman si Criszette na tinitingnan habang nakacross-arm ang mga dumating.

"Sino kayo?" sabat ni Criszette sakanila. Na naging dahilan para mapansin siya ng tatlo.

Napatingin naman sakanya si Serix. Pinagmasdan niya lang ang dalaga at palihim na ngumiti.Di niya akalaing ganito niya kaaga makikita ang Sandiwa.

"Makilala mo din kami sa tamang oras at pagkakataon." matalim na sabi ni Nathan.

Kaya lalong napakunot ng noo si Criszette.

"Ang dami niyong arte. Bahala na nga kayo diyan." inis na sabi ni Criszette at tuluyan na sanang magwawalk-out ng maalala niya ang nakabangga sakanya. "Hoy ikaw next time wag maging masyadong clumsy nakakadisgrasya ka eh." sabi ni Criszette habang nakatingin kay Charm at tsaka tuluyan ng umalis.

Naiwan naman ang apat na di makapaniwala sa tinuran ng dalawa.

"Ano ba kasing nangyari Charm?" tanong ng pinsan niya na si Brisk.

"Kung saan-saan kasi ako nakatingin kaya ayun ako ang nakabangga sakanya." kwento ni Charm.

Napairap nalang si Nathan sa ere. Dahil batid niya ang kaclumsyhan nitong si Charm. At napatango nalang si Brisk. At habang si Serix at wala namang pakialam.

"Teka nga kanina pa tayo paikot-ikot asan ba kasi sila Light?" naiinip na tanong ni Charm kasalukuyan na kasi ulit naglalakad sa pasilyo ng Academy.

Madilim pa. Dahil madaling araw palang. Kaya wala pa masyadong estudyanteng nakakalat.

"Di ko naman akalaing ganito kalaki ang Academy para mahanap natin ang dalawa." naiiling na sabi ni Brisk.

"Puro kayo reklamo." bored na saway sakanila ni Serix.

Kaya natahimik na ang dalawa at di na muling nagsalita pa.Dahil delikado sila once na nagsalita at nagsaway na ang Master.

Patuloy lang sila sa paglalakad ng may mga boses silang narinig.

"Oy Light bakit ba ang aga mo ko ginising?" sigaw ng isang boses. Na pamilyar sakanila.

"Boses ba ni Ryle yun?" bulong ni Nathan sa mga kasama niya.

"Wala kasi akong kasama magjogging sa field. Alam mo namang daily routine ko to."  sagot ng isa pang pamilyar na boses.

"Si Babes ko ba yan?" nagliliwanag na mata na sabi ni Charm.

Napailing nalang ang tatlong kasama niya dahil sa kalandian ni Charm.

Sandiwa Jewel is BackOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz