Kabanata 45

1K 32 2
                                    

(Ang kabanata na to ay para kay Yana muna hahaha bigyan natin siya ng pagkakataon magshine as individual)

Yana

Ilang araw na rin din akong di pinapatulog ng pag-aalala kay Catana. Hys. wala din naman akong magawa dahil I only have mafi of ice. Yun lang at hindi iyon kalakasan para mailigtas ko si Catana. Namimiss ko na yung babaeng yun.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon dahil balak ko magjogging maibsan man lang ang pag-aalala ko at pag-iisip ko kay Catana.

Ng marating ko ang garden hinayaan ko ang sarili ko na maupo sa upuan rito. At pinagmasdan ang napakagandang sunrise.

Mamaya na siguro ako magjojogging pagmamasdan ko lang muna tong sunrise.

Nakangiti kolang itong pinagmamasdan.

Hanggang sa..

"Stupid." rinig kong bulong ng isang lalaki. Kaya inis akong nilingon siya.

Nakita ko siyang nakasandal sa pader na malapit sa kinauupuan ko. Nakangisi lang siyang nakamasid sakin.

Stupid? Ako?

"Anong karapatan mo para tawagin akong stupid ha." inis na sigaw ko at napatayo na ko sa kinauupuan ko.

Ningisian niya lang ako.

Sinusubok mo pasensya ko ah. Makikita mo hinahanap mo.

Pumikit ako at ng concentrate. Naramdaman ko ang lamig sa buo kong katawan. Which means nagsisimula na ang mafi ko gumalaw. Nagmulat ako at nakangising tumingin sakanya.

Seryoso pa rin siyang nakatingin sakin.

"Ginagamitan mo ba ako ng kapangyarihan mo stupid." nakangising sabi niya sakin.

Paano niya nalaman? Ni hindi ko nga pinapahalata ang ginagawa ko. Dahil maingat na maingat ako.

At natutunan ko rin sa mga professor namin. Kung paano di mararamdaman ng iba ang paggamit mo ng mafi.

Pero bakit siya naramdaman niya agad. Peste naman oh.

Di ko siya sinagot. Nagconcentrate lang ako sa pagpapalakas ng Ice sa katawan ko.

"Stop that stupid. I can read your aura. I can feel that your using your mafi against me." seryosong sabi niya. Na siyang ikinalaki ng mata ko at kinalaglag ng panga ko.

Anong klaseng mafians to?

Bakit alam niya binabalak ko? Argh. Kung hindi niya sana ako tinawag na stupid di ako magkakaganto ngayon. At sana ay nagjojogging na ako dahil lumiliwanag na.

Pero heto ako ngayon nakikipagtalo sa gunggong na to.

"Stop thinking on me. I can read your mind stupid." inis na sabi niya. Kaya natahimik lalo ako.

Paano niya nasabi iniisip ko? Sino ba siya? At ano ba siya?

"Tinatanong mo kung sino ako. Then I introduce myself to you." sabi niya ay naglakad papalapit sakin. Di naman ako nakagalaw sa kinatatayuan ko sa di malamang dahilan.

Pakneng shete.

Ng tumigil siya sa harap ko. Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti.

"I'm Nathan Cuesta. I am Aura Manipulation. I can read your mind. I can read your actions. I can sense your aura if the mafi is being used. So stop fooling around you don't know me Miss Stupid." nakangising sabi niya.

Ganun siya kalakas. Manipulation? So hindi mafi yung kanya. Wah sa pagkakaalam ko bilang na bilang ang biniyayaan ng kapangyarihan ng manipulation.

Sandiwa Jewel is BackWhere stories live. Discover now