Kabanata 19

1K 33 1
                                    

The Break up

Jewel

Matapos ng araw na yun kinabukasan ay ganun pa rin umiiwas pa rin ako sa grupo nila. Maging si Enzo ay iniwasan ko dahil ginusto ko to para makaiwas na madamay sila sa kung ano mang mangyayari sa buhay ko sa oras na malaman ko ang katotohanan sa pagkatao ko.

Hanggang sa..

Napatingin ako sa malungkot na mukha ni Enzo.

At di ko maiwasang masaktan.

Shet.

Bakit nahihirapan ako?

Nababasa ko sa mga mata niya ang lungkot at pag-alaala.

Sorry Enzo!!

Kasalukuyan kasi kaming nasa klase at panay ang daldal sa unahan ng prof namin pero wala akong maintindihan..

Dahil di mawala sa isip ko ang mga babala at paalala ni Manuella. Naging laman siya ng utak ko at di mawala-wala..

At di na yata eto mabubura saking isipan.

"Sandiwa Jewel?" tawag pansin ng proffessor sakin.

Pero bakit?

Ano bang meron sakin?

Sino ba talaga ko?

Sobrang naguguluhan na ko?

Gusto ko ng makilala sarili ko.

Gusto ko ng alamin kung sino ba talaga ako?

Napakaclueless ng pagkatao ko.

Para akong nabagok at wala ng maalala pa.

"Sandiwa Jewel." galit na tinig. Kaya napabalik ako sa realidad.

At halos mamutla ako sa gulat.

"Po?" kabadong tugon ko.

Dahil nanlilisik na ang mga mata niya sa galit.

"Sandiwa Jewel bakit yata tila lutang ka? Kanina pa kita tinatawag." galit na sigaw niya.

Kaya halos mamutla ako dahil sa takot.

Tsk terror kasi to kaya sobrang natatakot ako.

"Patawad Prof." nakatungo na ani ko.

"Tumayo ka riyan." galit na singhal niya.

Nakita ko sa gilid ng paningin ko sila Enzo na bakas ang pag-aalala sakanilang mga mukha.

Tsk wag niyo kong aalalahanin.

I don't deserve that.

Nanginginig akong tumayo. At nangangatal ang labi ko.

"Sandiwa Jewel. Ano ang bumubuo sa tinatawag na Four A's?" mataray na tanong niya sakin.

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang tanong niya buti nalang alam ko to.

Confidence akong ngumiti sakanya at tsaka nagsalita.

"Ang bumubuo sa Four A's ay ang Ainabridge,Aegisfling,Amiandre at Amians." nakangiting at magkahalong kaba na sabi ko.

Kaya napataas ng kilay ang Prof.

"Next time Sandiwa Jewel. Focus! Di kung saan-saan lumilipad utak mo." sarkastikong sabi niya.

Sinenyasan niya akong umupo na.

Kaya umupo na ko.

After few minutes ago..

Sandiwa Jewel is BackWhere stories live. Discover now