Kabanata 1

2.1K 61 18
                                    

Jewel

Ng makarating kami sa Ainabridge. Ay agad akong namangha sa paligid.

"Ama sigurado po ba kayo na eto na ang Ainabridge napakaganda rito Ama." namamangha na sabi ko kay Ama.

"Sigurado ako anak eto na yun. Maligayang pagbabalik sa Ainabridge." sabi ni Ama tsaka nauna na samin. May karugtong pa ang sinabi niya pero di ko na narinig dahil umalis na agad siya.

Nagkibit balikat nalang ako at napatingin kay Enzo na namamangha rin sa paligid.

"Ang ganda pala dito." nakangiting sabi niya.

Kaya nilapitan ko siya at niyakap mula sa likod..

Kaya napaharap siya sakin at ngumiti ng matamis.

"Naglalambing ka na naman." pang-aasar niya sakin.

Kaya napanguso ako.

"Masama ba maglambing ang prinsesa mo?" nakasimangot na sabi ko sakanya.

Kaya hinawakan niya ang pisngi ko magkabilaan.

"Hinding hindi ako magsasawa sa mga paglalambing mo." nakangiting saad niya sakin. At tsaka siya tumingkayad at hinalikan ang noo ko.

Mahal ko na talaga to.

Pero may mga oras na parang may mali sa nararamdaman ko.

Na parang may dapat akong balikan.

Pero palagi ko nalang ito binabalewala baka dala lang yung ng pagkabagot sa Kaharian. Pagbusy kasi si Diana wala akong makausap. Madalas ding wala si Enzo gawa ng kailangan niyang bumalik sa Ethrynian.

Nasa ganun kaming sitwasyon ng biglang sumulpot si Ina.

"Jewel." naluluhang sabi niya. At nanakbo papunta sakin at tsaka ako sinunggaban ng yakap.

"Namiss ko po kayo." nakangiting sabi ko sakanya.

"Namiss kita ng sobra anak." usal ni Ina.

Napansin ko ang babaeng kasama niya na gulat na gulat at di makapaniwala na nakita ako.

"Totoo ngang buhay ka Jewel." umiiyak na sabi niya at tsaka tumakbo papunta sakin at niyakap ako.

Di ko alam kung anong klaseng saya ang naramdaman ko sa yakap niya. Na parang ang tagal kong hinanap ang bagay na yun.

"Di ko alam pero parang ang tagal kong hinanap ang yakap na to." seryosong sabi ko sakanya.

Kaya napatingin siya sakin.

"Dahil ako si Jenica ang bunso mong kapatid. Akala talaga namin mawawala ka na samin." umiiyak na sabi niya.

"K-kapatid k-kita?" saad ko sakanya.

"Oo Jewel kapatid mo ko." nakangiting sagot niya.

"Kaya pala ang gaan agad ng loob ko sayo." di ko napigilan pa at naiyak na ko..

Agad naman akong inalalayan ni Enzo. Niyakap niya ako at tsaka ko tinungo ang mukha ko sa balikat niya.

"Ikaw si Enzo right? Ang prinsepe ng Ethrynian." tanong ni Jenica sakanya.

"Ako nga si Enzo paano mo nalaman?" saad na tanong ni Enzo sakanya.

"Madalas kang ikwento ni Ina sakin." nakangiting saad ni Jenica.

"Ako nga pala si Enzo. Kasintahan ako ni Jewel." nakangiting pagpapakilala ni Enzo kay Jenica.

Sandiwa Jewel is BackWhere stories live. Discover now