Kabanata 17

1K 39 1
                                    

Jewel

Pagdating ko sa harap ng dorm pinagkunutan ko sila lahat ng noo ko.

Why the hell is happening?

"Ano ginagawa niyo dito?" takang-tanong ko sakanila.

"Kausapin mo naman ako Jewel please." malungkot na sabi ni Enzo.

Nakipagtitigan siya sakin pero agad akong umiiwas dahil sa oras na mapalambot niya ako mawawala lahat ng pinaplano ko. At ayokong mangyari yun.

Dahil sa apat na araw nalang na natitirang palugit sakin ni Manuella. Bago ko malaman kung sino ba talaga ako sa Normsantandia at Ainabridge Academy.

"Wala tayong dapat pag-usapan Enzo. Okay lang talaga ko at marami lang akong iniisip." sagot ko sakanya kaya napansin ko ang paglaylay ng balikat na wari mo'y di inaasahan ang mga narinig niyang sagot mula sakin.

"Ate?" tawag ni Jenica sakin.

"Jenica okay lang ako. Kaya please lang umalis na kayo gusto ko ng matulog at makapagpahinga." ngiting pilit na sabi ko sakanya.

"Pero ate nag-aalala kasi ako sayo. Bigla kang nawala kanina after breaktime at di ka na bumalik pa sa next subject." nag-aalalang sabi ni Jenica.

Alam kong nag-aalala lang sila. Pero ayokong sabihin sa kanila lahat ng iniisip ko. Dahil ayokong mangialam sila. Gusto kong tapusin ito sa sarili kong paraan ng wala akong kahit na sinong kadamay.

"Nagpahangin lang ako sa likod ng garden at nag-isip isip. Masama na ba ang ganung gawain?" nakangiting pilit na tanong ko sakanila.

"Hindi pero ate hindi mo gawain ang ganyang bagay." malungkot na ani niya.

Kaya biglang umakyat lahat ng inis ko sa ulo ko. At tiningnan sila isa-isa ng masama.

"Sinabi ng okay lang ako ih bat ba ang kulit niyo. Umalis na nga kayo. Gusto ko ng matulog at magpahinga." inis na sigaw ko sakanila na siyang kinagulat nila. Di ko sila pinansin at nilagpasan ko lang sila.

Agad akong pumasok sa dorm ko. Na wala akong kahit na sinong naabutan. Mukhang wala pa sila. Sina Catana at Jinri ang tinutukoy ko.

Hanggang sa maalala ko ang nakita ko kay Catana at Miguel.

Ganun ba talaga ang propesiya sa gantong mundo?

Parang ang pait naman.

Ano yun sa propesiya nalang ba ibabase ng mga mafians dito ang buhay nila.

Very wrong!

Hanggang sa..

"Ate? Kausapin mo naman kami." rinig kong katok ni Jenica pero di ko yun pinansin dumeretso lang ako sa kwarto ko at nahiga.

Hanggang sa nakatulog ako.

At nagising nalang man ako sa isang tapik.

"Ate." kulbit nito sakin kaya napamulat ako ng mata at tsaka ko napagtanto na si Jinri eto.

"Hmm." inaantok na sagot ko sakanya.

"Di pa po kayo nagdidinner. Nagluto po ako ng ulam baka gusto niyo pong kumain." nakangiting aniya.

"What is it?" inaantok na tanong ko sakanya.

"Hmm I cooked caldereta." masayang sabi niya. At mukhang tuwang-tuwa siya sa naluto niya.

Kaya bumangon ako. Tatanggi pa sana kaso nakaramdam din ako ng gutom.

"Nagluluto ka pala?" tanong ko sakanya.

Sandiwa Jewel is BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon