Kabanata 60 (Last Chapter)

1.8K 39 8
                                    

Someone

Matapos ang labanan sa pagitan ni Criszette at Serix. Nanatiling walang malay si Serix. At habang sina Mercedes at Yana ay nakarecover na naman. Ganun din si Criszette. Dahil napagod lang naman siya.

Linggo ngayon eto na ang nakatakdang araw para tumawid sila sa mundo ng mga tao.

At kasabay nun ay ang pagpapatigil ng magpinsan na Miguel at Joshua ng oras sa Normsantandia. Dahil alam nilang habang wala sila ay patuloy na kikilos si Oviad.

Kaya kailangan nilang patigilin ang oras sa buong Normsantandia. Pero limitado lamang ito dahil hanggang 2 months lang ang kayang itagal ng pagpapatigil ng magpinsan sa oras ng Normsantandia. Kaya kailangan nilang magmadali.

Nagdesisyong magpaiwan nalang si Enzo at Mercedes para bantayan ang Normsantandia. Kaya kasama sila sa titigil ang oras. Ang two months kasi ay katumbas ng dalawang araw sa Normsantandia. Kaya kailangan na nilang magmadali sa paghahanap sa hinahanap nila at pakay nila sa mundo ng mga tao.

"Handa na ba kayo?" seryosong tanong ni Criszette sa mga kasama niya.

"Para sa Normsantandia handa na kami." sabay-sabay na sabi ng mga kasama niya.

Wala na rito sina Mercedes at Enzo  dahil papatigilin na ng magpinsan ang oras sa Normsantandia.

"Ngayon na Joshua at Miguel." utos ni Criszette sakanila.

Kaya agad na kumilos ang magpinsan.

At nagbigkas ng spell senyales na pinapatigil nila ang oras sa Normsantandia.

Habang si Criszette naman ay binuksan na ang portal patungo sa mundo ng mga tao.

Naunang pumasok ang mga kasamahan niya bago siya. At ng sumunod siya ay agad niyang isinarado ang portal.

"Mamimiss ko Normsantandia." nakangiting sabi ni Serena.

"Don't worry we will back soon." alo ni Keiron sa kapatid. "Kaya gawin natin ng maayos ang misyon natin dahil inaasahan tayo ng buong Normsantandia at ng anim na Sandiwa/Sandiwu ng Ovianad." dagdag niya pa.

"Nangako tayong ibabalik natin sila rito." nakangiting saad ni Criszette sa mga kasama niya.

"Pero teka ngayong nandito na tayo. Saan tayo tutuloy?" out of nowhere na tanong ni Andrea.

"Sa dating bahay namin." sabat ni Christian sakanila.

"Wow yung dating bahay niyo nila Tita Shami namiss ko doon." excited na sabi ni Andrea. "Ano pang hinihintay natin tara na." masayang-masaya na sabi ni Andrea at hinila na si Joshua.

"Teka nga Andrea alam mo ba kung saan yun?" tanong sakanya ni Joshua.

"Oo naman ako pa." sagot ni Andrea sa nobyo at kinindatan eto.

Natatawa lang silang pinanood ng mga kasama nila.

"Bakit excited na excited yan?" natatawang sabi ni Jenica sa kapatid na si Criszette.

"Tsk paano yan di maeexcite paano ba naman noong bago siya umalis papuntang ibang bansa. Mas mauuna pa yang umuwi sa bahay nila Criszette para tumambay. Mas mukha pa nga siyang anak ni Tita Shami kaysa kay Ursula at Criszette." naiiling na sabat na kwento ni Stacey.

"Minsan nga parang gusto na kaming palayasin ni Mommy. At si Andrea nalang ang anak niya. Bukod kasi sa parehas kaming walang pakialam sa paligid ni Criszette. Eh talaga namang napakaligalig ni Andrea. Kaya nagkakasundo silang dalawa ni Mommy. Habang iyang namang si Stacey isa ring nambubulabog sa bahay pero hindi kami ni Mommy ang binubulabog niya kundi si Criszette." natatawang kwento ni Christian.

Sandiwa Jewel is BackWhere stories live. Discover now