Kabanata 56

994 34 1
                                    

Mercedes

Ipinwesto ko ang sarili ko. At inihanda ang paglabas ng matinis kong boses.

"Aaaaaahhhhhhh...aahhhhhhhh!" palahaw ko sa buong stage ring.

Di naman madadali ang mga tao sa gilid dahil sa barrier na nakapalibot sa stage ring.

At dahil sa lakas ng boses ko bahagya siyang natumba pero nakatayo pa rin.

"Ang weak mo naman." nakangising sabi niya. At tsaka ko naramdaman ang kakaibang aura niya. Para akong biglang natakot.

Eto na ba yung sinasabi niyang Aura Manipulation. Medyo nakakatakot sa pakiramdam.

Bigla akong nanlamig. At naramdaman ko ang panghihina ng katawan ko.

Taena di ako pwedeng matalo.

"You need to fight and stand up."

Rinig kong sabi ng isang boses sa isip ko. I guess si Kuya Andrei to. Tama siya kailangan kong lumaban.

Di ako pwedeng matalo ng ganun-ganun nalang.

"Mahina ka Mercedes. Mahina ka! Wala kang kwenta. Kaya dapat sayo namamatay nalang. Kaso bawal nga pala sa game na to ang pumatay kaya next time nalang." natatawang sabi niya habang patuloy akong nanghihina. Dahil di ko maigalaw ang katawan ko. Na para bang nababalutan na niya ako ng aura niya.

Hindi pwede to.

Kailangan kong ma-manipula ang kapangyarihan kung hindi baka manghina ako lalo.

Pero ang hindi ko maintindihan bakit di makontrol ang katawan ko. Bakit parang bigla akong nafreeze nyemas.

Dahan-dahan siyang lumapit sakin at ningisian ako.

"Wala ka ng laban kaya sumuko ka na. Sinabihan na kita diba? Habang maaga palang sumuko ka na. Umatras ka na pero ang tigas mo. Kaya ayan napapala mo wala ka ng kawala." sabi niya at naglabas ng itim na itim na aura.

Kailangan ko ng kumilos kundi mamatay ako.

"Cedes lumaban ka."

Rinig kong sabi ng isang boses sa isip ko. Tingin ko si Andrea yun.

Pero di ko talaga makontrol ang sarili ko. Nakita kong itinaas niya ang kamay niyang may itim na itim na aura at akmang itatama na sakin ng sumigaw ako. Ayun nalang kasi ang kaya kong gawin sa ngayon.

"Beriiiiseismicc..aaaaahhhhhhh! aahhhhhh." sigaw ko at tsaka siya tumalsik palayo sakin. At tsaka naramdaman ang pagkawala ng nagpipigil sakin kanina ng kontrol ko.

Tumayo ako at hinarap siyang nakabangon pa mula sa pagtalsik niya.

"You can win this Cedes naniniwala ako sayo."

Sabi pa ulit ng isang boses sa isip ko. At napangiti ako. I guess si Enzo to.

Kaya bago pa siya makalapit ulit. Nagconcetrate ako. Inuutusan ko ang Alpha Reality na manipulahin ang kapangyarihan niya.

Dahil sa oras na mamanipula ko siya maglalabasan lahat ng totoo sa kanya. Ng katotohanan sa buhay niya.

"I-isa k-kang A-alpha R-reality?" utal na sabi niya.

Kaya napamulat ako. Dahil sa kakaibang vision na nakita ko sa isip ko.

"Anong nangyari sa pamilya mo?" takang tanong ko sakanya. Dahil oo yun ang nakita ko. Nakita ko ang pamilya niya na dinadakip ng tulisan. Ng walang kalaban-laban.

Kaya nagulat siya.

"Tama na. Tigilan na natin ayoko ng madagdagan pa nalalaman mo sakin baka lumagpas ka sa boundaries. Di dapat malaman ni Prof Oviad ang plano namin kay Mercedes please tumigil ka na." mahinahong sabi niya.

Anong plano?

"Ano bang pinagsasabi mo? Anong plano?" takang tanong ko sakanya.

Kung iniisip niyong nakikita ka namin ng lahat nagkakamali kayo dahil nasa isa kaming madilim na dimension ni Nathan. Ito kasing dimension ay gawa ng Alpha Reality. Dito kasi ipinapakita lahat ng totoo sa isang to. Ang katotohanan sa buhay niya.

Kaya di kami makikita o maririnig ng nasa labas ng stage ring.

"Don't worry walang makakarinig satin. Nasa loob tayo ng itim na dimension. Di nila alam kung anong nangyayari satin dito sa loob kaya sabihin mo sakin anong plano ang pinagsasabi mo?" tanong ko sakanya.

"Plano naming lumihis sa plano ni Oviad. Bago pa kami pumasok rito sa Ainabridge. Kakampi niyo kami di kami kaaway. Wala lang talaga kaming choice kundi kumampi sakanila. Dahil hawak nila pamilya namin. Hawak nila ang limang kaharian ng Ovianad." saad niya sakin.

Kaya nagulat ako.

"Kung di kami susunod sa kanila papatayin nila mga magulang at kapatid namin. At dahil ayaw naming mangyari yun sinunod namin lahat ng gusto nila. Para manatiling buhay mga pamilya namin." seryosong kwento niya sakin.

"Pero sino ba ang namumuno ngayon sa Ovianad. Alam na naming nawawala ang tunay na Hari at Reyna maging ang Sandiwa ng Ovianad? So sino ang namumuno ngayon doon." tanong ko sakanya.

"Si Prof Oviad. Siya si Reyna Satana. Di siya nag-iisa dahil may kakampi siyang bathala. Ang Bathalang Eumee. Pero paano niyo nalamang nawawala ang tunay na Hari at Reyna at Sandiwa?" aniya.

"Sinabi kay Sandiwa Criszette ng Bathalang Cassandra. At alam mo bang buhay pa ang mga ito?" sabi ko sakanya.

Parang bigla siyang nabuhayan at napangiti.

"Totoo buhay ang Hari at Reyna at Sandiwa?" di makapaniwalang saad niya na puno ng pag-asa ang mga mata.

"Oo." sagot ko sakanya.

"Mabuti naman kung ganun. May pag-asa pang bumalik sa dati ang Ovianad pero babalik ba sila dito?" aniya.

"Oo babalik sila. Dahil hahanapin namin sila Next Week pagkatapos ng Mafi Quest." nakangiting sagot ko sakanya.

"Salamat kung ganun. Pakisabi kay Sandiwa Criszette na kami na bahala sa Academy sa oras na umalis kayo para hanapin ang Hari at Reyna at ang Sandiwa." sabi niya sakin.

"Makakarating. Pero paano tong labanan natin? Baka magtaka sila?" natatawang sabi ko.

"Ako bahala. Maglalabas nalang ako ng pampatulog na kapangyarihan para makatulog tayo parehas. Para kunwari walang nanalo." natatawang sabi niya kaya natawa rin ako.

Tulad nga ng plano ni Nathan. Lumapit siya sakin at nagbigkas ng isang spell.

At tsaka ko naramdaman ang pagod at antok ng katawan ko.

I guess tapos na ang laban.

"Mag-iingat kayo Mercedes sana mahanap niyo sila. At makabalik kayo agad." nakangiting sabi niya at tsaka kami sabay na natumba at kasabay noon ay ang paglaho na parang bula ng itim na dimension.

Natagpuan nalang namin ang sarili namin na nasa labas na ng Stage Ring.

At doon ko napansin ang paglapit ni Yana sakin at ng iba pa naming mga nakasama. At nakita ko naman mula sa gilid ng mga mata ko si Nathan na nilapitan rin ng mga kasama niya.

Agad namang pumwesto si Coleen sa tabi ko at ginamot ako. At tsaka ko naramdaman ang epekto ng spell na ginawa ni Nathan. At tsaka ko naramdaman ang unti-unting pagsara ng talukap ng mga mata ko.

And the last thing I was knew.

Everything went black.

A/N:

Yes po opo wala pong nanalo sakanila. Hindi rin po tie ang laban. Dahil para sa Prof Oviad ay si Nathan ang nanalo. Pero okay lang naman kay Mercedes yun.

Sana nagustuhan niyo hehe.

Within this week tatapusin ko po ito hanggang Kabanata 60.

At tsaka ko na sisimulan ang Book three..

Again nakapublished na po ang Book 3. You can now add it on your library!! Salamat.

Thankyou for your time to read!!

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT AND FOLLOW!!

-paraiso_neo ❤

Sandiwa Jewel is BackWhere stories live. Discover now