Kabanata 33

1.2K 40 1
                                    

Closure granted

Criszette

Matapos ang klase ay mabilis kong hinanap si Joshua. At di naman ako nabigo dahil nakita ko siyang nag-iisa sa dulo ng hallway.

Kaya agad akong nanakbo. At tinawag siya..

"Joshua?" tawag ko sakanya.

Agad naman siyang lumingon ng may gulat at pagtataka.

"Gusto lang sana kitang makausap." panimula ko.

Kaya lalo siyang nagtaka at nagulat. Paanong di magugulat yan? Eh di ko naman siya kinakausap noong wala pa akong maalala.

Agad di naman siyang nakabawi at humugot ng malalim na hininga.

"Uhmm..what is all about?" nakangiting tanong niya sakin.

Para kay Peachy. Dahil malaki ang naitulong sakin ng taong yun..

"It's about Peachy." sabi ko na siyang kinagulat at kinawala ng ngiti niya..

"Peachy? Paano mo siya nakilala?" gulat na tanong niya.

"Mahabang paliwanagan to na aabutin lamang tayo ng liwanag pero wala akong oras magkwento pa..Isa lang ang pakay ko sayo. At yun ay ang closure na nais ni Peachy." sabi ko sakanya.

Kaya lalo siyang naguluhan.

"Closure? Para saan?" namamangha na sabi ni Joshua.

"Listen to me first Joshua. Ayun lang ang rason kung bakit bumalik siya sa Academy ay yun ang makausap ka at malaman mo ang totoong rason kung bakit mas pinili niya si Yohan." seryosong sabi ko sakanya.

Takte nawawala angas ko sa isang to.

"Nasaan siya?" malungkot na aniya.

"Nasa dorm niya. Nais niyang makita ka bukas ng hapon sa likod ng campus. Kung saan kinidnap si Coleen ni Catana." sabi ko na siyang kinagulat niya.

Oopss..wrong move!!

"Paanong alam mo yun?" gulat na sabi niya.

"Joshua please wag mo sasabihin sa kanila na naalala ko na kayo dahil masyado pang kumplikado lahat. May nakaambang panganib sa Academy kaya please lang." nakayukong ani ko sakanya.

"Panganib?" gulat na tanong niya.

"Oo. Ang panganib na sisirang muli sa Academy." usal ko sakanya.

Kaya napamaang nalang siya at natulala.

"Pero ayokong makisali pa kayo kaya please lang wag mo sabihin sa kanila." pakiusap sakanya.

"Anong gusto mong mangyari? Lalaban ka ulit mag-isa. Makasarili ka talaga." inis na sabi niya at napasabunot sa buhok niya. "Eh si Christian wala ka bang balak sabihin sakanya?" nakataas kilay na tanong niya.

"Oo. Dahil alam kong malaki ang maitutulong niya sakin sa panibagong panganib na di nararamdaman ng Academy ngayon." sagot ko sakanya."Maging ang tatlo pang may hawak ng brilyante." usal ko sakanya.

"Mabuti naman. At naisipan mong sabihan rin si Keiron dahil halos mabaliw ang taong yun nung mawala ka. Mahal na Mahal ka niya Zette." sabi niya at napangiti naman ako ng muli kong marinig ang palayaw ko..

"Pero bago yan. Sana'y pagbigyan mo si Peachy sa nais niya bukas." seryosong sabi ko sakanya.

"Walang problema. Marami rin akong gustong malaman kung bakit bigla siyang nang-iwan." nakangising sabi niya.

Sandiwa Jewel is BackWhere stories live. Discover now