Kabanata 12

1.1K 38 2
                                    

Mercedes

Titig na titig ako sa taong nasa harap ko ngayon. Ang ganda ganda niya..

Criszette?

"Cedes bumalik ka na. Kailangan ka pa nila." nakangiting usal niya.

Siya nga to di ako pwedeng magkamali..

So totoong patay na siya?

"Totoong patay kana? Eh sino yung Jewel na nakilala namin." takang-taka na sabi ko sakanya.

"I'm not yet dead. Sigurooo yung Criszette wala na talagaa at pinalitan na ko ni Jewel. Don't get me wrong iisa lang si Jewel at Criszette pero malayo na ang pagkakaiba namin Jewel. At di na akong umaasang makakabalik pa kong muli sa ating mundo. Dahil bumubuo na si Jewel ng mga panibago kong alaala." nakangiting sambit niya.

"Paano si Keiron? Paano siya?" nakakunot noo na sabi ko sakanya.

"I know you can take care of him." malungkot na ani niya.

"Pero mas kaya mo siyang alagaan kaysa sakin Criszette. Dahil ikaw ang gusto niya at mahal niya hanggang ngayon."

"Wala ng magagawa ang pagmamahal namin sa isa't isa para bumalik si Criszette. Dahil si Jewel na ang nasa harap niyo. Ang Jewel na nakalimutan na ang mga nakaraan ko." nakangiting usal niya.

Sa totoo lang. Nalulungkot ako sa kapalaran na nangyari sakanila..

They deserve each other.

Pero ayaw ng tadhana.

"Pero may pag-asa pa bang may maalala ka pagmay nagpaalala sayo ng nakaraan mo?" umaasang tanong ko sakanya.

Sabihin mo lang na OO.

Tutulungan kita Criszette. Just to make Keiron happy.

Because he deserve it.

"Salamat nalang Cedes pero di na ako makakabalik burado na si Criszette sa ating mundo. At kailangan niyo ng tanggapin na si Jewel na ang taong nakakasalamuha niyo ngayon. Isa nalang akong imahinasyon sa nakakarami. Si Criszette ay isa nalang history sa buong Normsantandia." sabi niya tsaka lumapit sakin at tinap ang balikat ko.

"Bumalik ka na Cedes. Itama mo lahat ng mali mo. Maraming nagmamahal sayo. Maraming naghihintay sa pagbabalik. Cedes pakiusap pakialagaan si Keiron mahal na mahal ko siya." sabi niya tsaka hinawakan niya ko sa noo ko na naging dahilan para mapapikit ako at mawalan ng malay.

Criszette!!

Nagising ako sa isang puting kisame at puting kama.

"Cedes." tinig ng isang boses tila nagkakagulo sila.

"Gising na talaga siya." garalgal na usal ng isang boses.

At tsaka ko napagtanto na si Andrei at Andrea ang nakatingin sakin.

Bakas ang saya sakanilang mga mata ng makitang gising na ko.

"Cedes sana mapatawad mo ako." umiiyak na usal ni Andrea. Na siyang ikinagulat ko. "Di ko sinasadya lahat ng nasabi kong masasakit na salita na nabitawan ko pasensya na dahil di namin nalaman ang nararamdaman at saloobin. Naging makasarili kami Cedes. Di namin inisip ang nararamdaman mo." umiiyak na dagdag niya.

"O-okay l-lang n-naiintindihan kita...ko kayo." mahinang usal ko sakanya."Tama si Criszette. Tama siya naging selfish ako sa inyo sarili kolang iniisip ko..sinasarili ko lang lahat ng mga bagay na pwede ko namang sabihin sa inyo." naluluhang usal ko.

Sandiwa Jewel is BackWhere stories live. Discover now