Kabanata 32

1.2K 35 1
                                    

Criszette

Maya-maya pa'y nagising na si Peachy.

"Kamusta na pakiramdam mo?" tanong ko sakanya pagkabangon niya.

Narito pa rin kami sa loob ng kwarto ko. Kanina nga ay kumatok si Jinri sinabi konalang na di ako papasok ngayong araw. Dahil hanggang ngayon di pa rin nagsisink in sakin lahat ng nalaman ko at bumalik na alaala ko.

"Okay na naman ako salamat Ate Criszette." nakangiting sabi niya.

"Wala yun tara sa kusina kumain na tayo." yaya ko sakanya at tumango naman agad siya.

Paglabas namin ay dumeretso sa kusina at nadatnan naming may ulam sa lameaa at halos mapangiti ako ng may makitang barbeque.

Namiss ko to.

Umupo na kami at nagsimulang kumain. Habang kumakain ay nagkwekwentuhan kami ni Peachy.

At marami akong nalaman sakanya.

"Peachy paano ka nasaniban ng mga alaala ko?" tanong ko sakanya.

"Ang totoo yan. Nakiusap si Ate Manuella..kababalik ko lang rito nun. Dahil nais kong makita yung taong dahilan kung bakit bumalik ako. Pero nalate ako. Dahil may nagbago na at may iba na siyang gusto. At nalaman ko rin na nililigawan niya ito. Dahil sa sobra akong nasaktan di ko namalayan na  magkakamali ako ng hakbang sa hagdan at malalaglag ako. Akala ko nung time na yun ay mamatay na ko but biglang dumating si Ate Manuella at iniligtas niya ako..kaya pumayag ako sa pakiusap niyang saglitang gamitin ang katawan ko." sandali siyang tumigil at napansin ko ang pag-iyak ko."Pumayag akong palitan niya ang pangalan ko. Kaya nung minsang magkrus ang landas namin ng taong nais kong makita ay ramdam na ramdam ko na naninibago siya dahil di ko siya makilala dahil gamit nga ni Ate Manuella katawan ko. Gusto-gusto ko siyang yakapin. Gusto gusto kong magsorry sakanya dahil mas pinili ko si Yohan kaysa sakanya. Si Yohan na utos lamang ng aking mga magulang." umiiyak na usal niya.

For real?

Sino kaya yung lalaking yun?

"Pero dahil nga hawak ni Ate Manuella ang katawan ko ay nasungitan lang siya ni Ate Manuella at nakita ko ang panlulumo at lungkot sa mga mata niya. Hanggang sa nakita ko siyang kasama ang babaeng mukhang pumalit na sa pwesto ko sakanya. At napanood ko kung paano naging sila. Sobrang sakit Ate. SOBRA Ate kaso kasalanan ko naman eh. Kasalanan ko lahat." sabi niya habang umiiyak pa rin.

Di ako marunong magcomfort shet.

Kaya ang tanging nagawa ko nalang ay hinimas ang likod niya at pinunasan ang mga luha niya.

"Wala kang kasalanan. Sumunod ka lang sa nais ng iyong mga magulang mo. Sadyang di lang kayo parehas gumawa ng paraan para ipaglaban ang isa't isa. Tinanggap niyo na kasi ang tadhanang alam niyong di makakapagsaya sa inyo parehas." nakangiting sabi ko sakanya.

Kaya napatitig siya sakin.

"Sino ba tinutukoy mo?" tanong ko sakanya.

"Si Joshua." sagot niya kaya napasapo ako sa noo ko at bahagyang natigilan pa.

Pakshet naging sila ni Joshua.

"Are you kidding me?" di makapaniwalang sabi ko sakanya.

"Minahal ko siya Ate. At mahal na mahal niya rin ako noon." malungkot na sabi niya.

Bigla akong nahirapang magsalita. Dahil napaggigitna ako. Dahil kaibigan ko si Andrea at etong si Peachy malaki naitulong para maalala ko ang pagkatao ko.

Di ako nakapagsalita at napatitig nalang sakanya.

"Bakit? Ate? Kilala mo ba siya?" tanong niya sakin kaya napatingin ako sakanya.

Sandiwa Jewel is BackWhere stories live. Discover now