Kabanata 2

1.8K 55 2
                                    

Keiron

"Serena ano ba? Wag kang magulo." saway ko sakanya.

Dahil patuloy niya kong ginugulo.

"Ang seryoso mo kasi masyado diyan." nakabusangot na usal niya sakin..

"Eh anong gusto mong gawin ko?" nakataas na kilay na tanong ko sakanya..

"Di mo ba nakikita na buong bakasyon kang tutok sa pag-aaral. Aba tatalino ka masyado nan." sermon niya sakin.

"Eh ano naman sayo?" pilosopong sagot ko sakanya. "Buhay ko to okay." nakakunot noo na dagdag ko pa.

"Pero kuya mahigit isang taon ka ng ganyan. Masyado ka ng lumalala." inis na sabi niya sakin.

Btw nasa palasyo kami ngayon at itong si Serena ay ginugulo ako sa ginagawa ko..

Nagbabasa kasi akong libro. Nagaadvance reading kunbaga bago sana magpasukan sa Monday..

We are now in 3rd year in Ainabridge in other words we are now in the serious mode and hardest year. Dati ang 3rd year ay nasa Amiandre. But the Council decide na ilipat na lamang ito sa Ainabridge. Kaya nasa Ainabridge pa din kami. Isang taon na ang nakakalipas simula ng mamatay ang babaeng pinakakamahal ko..

At halos isang taon na rin akong nagkakaganto..

Yung tipong bumalik ako sa dating ako..

"Kuya ano ba nagyaya sila Andrei na gumala sa bayan ng Ainabridge. May bibilhin daw si Andrea." saad ni Serena sakin.

"Eh ano naman mapapala ko pagsumama ako." nakataas kilay na tanong ko sakanya tsaka binuklat ulit ang libro..

"Kuya naman. Nakabalik na daw si Christian kasama si Gabby na natuklasan nilang isa din satin." sabi niya sakin.

Nagulat ako sa sinabi niya.

Gabby was one of us. Imposible?

"Tsk pagsumama ba ako eh titigilan mo na ko." seryosong sabi ko sakanya at tsaka binababa ang libro.

"Promise di na talaga kita guguluhin basta sumama ka lang." parang bata na sabi niya at nagtaas pa ng kanang kamay..

Di ko na siya pinansin. Niligpit ko na ang libro ko at tsaka tumayo.

"Mag-asikaso kana bago pa magbago isip ko." seryosong sabi ko sakanya tsaka dumeretso sa banyo wala pa kasi akong ligo..

Narinig ko naman ang pagsara ng pinto senyales na nakaalis na si Serena.

Ng matapos ako maligo ay kaagaran akong nagbihis.

At tsaka ako lumabas ng kwarto. At halos manlaki ang mata ko sa gulat ng datnan ko sa bulwagan ang mga kaibigan ko kasama si Serena..

At bigla ding sumama ang awra ko ng makita ko si Mercedes..

Bat kasama yan?

Halos manlaki ang mata nila ng makita nila ako..

"Totoo ba talaga tong sasama ka Keiron?" nahihiwagaang sabi ni Joshua sakin.

Di ko siya pinansin at lumapit ako kay Christian.

"Buti naman naisipan mong bumalik dito." seryosong sabi ko sakanya.

"Siyempre naman dahil di ko kayang iwan ang lugar na to." sagot niya sakin at ngumiti..

Maya-maya pa'y nagkakayaan ng umalis.

Habang nasa daan napansin ko ang pagdistansya sakin ni Mercedes. Buti naman at natauhan na siya.

Sandiwa Jewel is BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon