Kabanata 51

1K 36 7
                                    

Criszette

Pangatlong araw na ng Mafi Quest. At wala pa rin samin kahit isang nabubunot as in. Laging mga ordinaryong mafians lang ang nabubunot. Ewan ko ba pero pakiramdam ko sinasadya nila.

Nung Monday ang lumaban ay si Ryle kinalaban niya yung anim na nabunot.At kahapon naman ay si Light kinalaban niya rin yung anim na nabunot. At simula rin nung Monday di na ko ginugulo ni Ryle.

At sa tuwing makikita o makakasalubong ko ang grupo nila ay napapansin ko ang malaking distansya ni Serix at Ryle.

May alitan kaya sila?

"Oy tulala ka na naman." kulbit ni Stacey sakin.

Inirapan kolang siya. Napatawa naman siya.

"Parang may mali eh bakit wala pang nabubunot satin." salubong na kilay na tanong ko.

Nasa hide-out kasi kaming lahat. Wala naman kaming gagawin sa campus kaya dito nalang kami tumambay.

"Ayan di ang tanong ko." pagsang-ayon ni Stacey sakin.

"Teka nga. Asan ang barbeque ko?" sabi ko sakanilang lahat. Napaiwas sila ng tingin at nagkunwaring may mga ginagawa."Sumagot kayo nasaan ang pinapabili kong barbeque." sigaw ko sa buong hide-out.

Pero wala pa ring umimik.

Kaya tumayo ako at binuka ang palad ko. At inilabas ang brilyante ko.

"Walang magsasalita sa inyo." babala ko sakanila.

Kaya lahat sila ay napasinghap.

"Wala akong alam diyan." sagot ni Joshua.

"Ako din." sabat ni Miguel.

"Magsisagot kayo." inis na singhal ko.

Akmang gagamitin ko na brilyante ng biglang may pumasok mula sa pinto.

"Eto na barbeque mo." sabi niya at inabot sakin ang dalawang supot ng barbeque.

Napatitig lang ako sakanya.

Keiron.

"Nangangalay na ko. Di mo ba aabutin to? Ako kakain nito." seryosong sabi niya.

Di naman kasi siya yung inutusan ko. Kundi sina Kuya at Jarret. Kaya di ako makapaniwalang siya ang may dala.

"Titigan mo nalang ba ako o aabutin mo tong barbeque? Choose one only." nakangising sabi niya.

Kaya inis akong kinuha ang dalawang supot na barbeque at tsaka napatingin sa relo ko sa kamay ko.

Sakto. Magtatanghalian na.

Walang pasabi akong umalis at naglakad papunta sa kusina.

Inilagay ko sa isang plato ang isang supot ng barbeque.

At seryoso ang mukhang bumalik sa sala. Nandoon pa ring silang lahat busy sa mga pinaggagawa nila.

Si Kuya at Gabby. Busy sa paglalandian. Same as Miguel and Coleen na nagkwekwentuhan. Sina Andrea at Joshua naman ay aso't pusa na naman puro bangayan.

Si Yana naman ay nakukunot ang noo na wari mo'y may pinapatay sakanyang isip.

Tapos si Matt naman ay tulala pa din. Mukhang sobra na siyang nangungulila kay Catana.

Si Jarret at Jenica naman ay naghaharutan. Ang sakit nila sa mata pramis.

At sina Enzo at Mercedes malay ko wala sila dito eh mukhang may pinagkakaabalahan yung dalawa.

Sandiwa Jewel is BackWhere stories live. Discover now