Kabanata 8

1.3K 44 1
                                    

Jewel

Halos mabingi ako dahil kanina pa tili ng tili yung babae na to.

Sarap lagyan ng tape yung bunganga.

Kaso bad yun kaya di ko gagawin.

Sa tingin ko bago lang to dito. At sa tingin ko rin kilala niya si Ate at napagkamalan na naman ako.

"Diba ikaw si Criszette yung gumawa ng History sa Normsantandia." namamanghang sabi niya habang pinagmamasdan ako.

Ano ba naman kasing bata to. Bakit siya pa naging dormate ko?

Ayoko mag-alaga ng bata please lang.

"I'm not Criszette. Kapatid niya ko magkamukha lang talaga kami. I'm Jewel btw." pagpapakilala ko sakanya para matigil na siya.

Agad naman siyang nalungkot.

"Aww akala ko nakasama ko na yung idol ko. Kamukha lang pala sorry Ate Jewel sa inasta ko." malungkot na sabi niya.

Anaknang--

Mukhang iiyakan pa ko nito.

Please lang sa lahat ng bathala nagsusumamo ako sa inyo ayokong mag-alaga ng bata.

"Ah okay lang yun. Btw ano nga pala pangalan mo?" tanong ko sakaniya.

Pero alam niyo ang cute niya.

Napatingin naman siya sakin.

"Ako nga po pala si Jinri. Bale tatlo po tayo sa Dorm na to. At ang alam ko po si Ate Catana ang isa nating kasama dito. Eh mukhang sa boyfriend niya na naman makikitulog." she said.

"Jinri? Ang ganda naman ng name mo. May kapatid ka ba dito?" tanong ko sakanya at umupo sa sofa.

"Ah opo si Kuya Joshua." sagot niya.

Kaya napabalikwas ako sa pagkakaupo.

Kaya pala pareha silang maligalig kingina anong kamalasan ang meron ako.

"Ano na nga palang grade mo?" tanong ko pa sakanya.

"2nd year po." sagot niya sakin.

"Ah Jinri saan nga pala kwarto ko gusto ko na kasi matulog." tanong ko sakanya.

"Doon po sa violet na kwarto. Sa taas nitong dorm akyat nalang po kayo diyan makikita niyo po agad. Bale tatlong kwarto meron dito." paliwanag niya.

Tumango naman ako bilang sagot.

Tsaka ako nagpaalam at umakyat sa taas.

At agad ko namang nakita ang kwarto ko daw which is kulay Violet.

Pumasok na ko dun at natulog. Inaantok na talaga ko..

Jinri

Akala ko talaga siya ni si Ate Criszette. Ang sakit mag-expect ha!

Pero magkamukha talaga sila pramis.

Ano yun nagevolve? Naks naman malahi si Ate Criszette.

Gusto ko sana itanong kay Ate pero imposible naman yun.

Imposibleng di siya si Criszette.

Halos di ako nakatulog nung gabing yun hanggang sa dumating si Ate Catana.

"Oh bakit tulala ka pa diyan?" nagtatakang tanong ni Ate sakin ng makita pa ako sa sala ng dorm. Oo hanggang ngayon nandito pa ko na parang di ako dinadalaw ng antok.

"Ate alam mo bang may kamukha si Ate Criszette at kadormate natin siya." masiglang sabi ko kay Ate Catana.

"Yun nga ang bali-balita sa campus kanina. Pero siya na mismo nagpatunay na hindi siya si Criszette." sabi ni Ate tsaka umupo sa sofa sa sala.

Sandiwa Jewel is BackWhere stories live. Discover now