Kabanata 18

1.1K 43 1
                                    

Jewel

Pagkatapos namin kumain ay talagang tulala at balisa si Catana na naging dahilan para mag-alala kami ni Jinri sakanya.

Kaya nagpresinta na akong kausapin siya.

Dahil walang mangyayari kung sasarilihin niya lamang ito.

Inutusan ko nalang maghugas ng pinagkainan si Jinri. At agad naman siyang sumunod.

Napatingin ako sa plato ni Catana na wala pang kabawas-bawas. Kaya tinapik ko siya.

"Catana?" tawag-pansin ko sakanya dahil nilamon na siya ng malalim na iniisip.

Pero di pa rin siya umimik at tulala pa din. Kaya wala akong choice kundi tapikin muli siyang muli. Mas malakas para bumalik ang diwa niya.

"Ay Catana ka." gulat na sambit niya. At nanlaki ang mata niya ng makita akong seryosong nakatingin sakanya.

"Catana maari ba tayong mag-usap?" seryosong sabi ko sakanya.

"Wala kang alam kaya di mo rin ako maiintindihan." malungkot na aniya.

"Meron Catana. Dahil nakita ko." nakangiting sabi ko sakanya.

At tsaka muling nanlaki ang mata niya na di makapaniwala sa sinasabi ko ngayon sa harap niya.

"Anong nakita mo? Ano bang alam mo sa buhay ko." sarkastikong singhal niya sakin.

"May nakita ako. Pero wala akong alam sa buhay mo dahil di naman akong interesadong alamin yun. Mas interesado pa kong alamin pagkatao kaysa alamin pagkatao mo." napapairap na sabi ko.

Kaya natahimik siya.

"Ano bang nakita mo? At naggaganyan ka ngayon sa harap ko?" nakataas na kilay na aniya.

Napabuntong hininga upang maiwasan ang makapagtaray.

"Nakita ko kayo ni Miguel nung nakaraang linggo na naghahalikan." sabi ko sakanya at halos malaglag siya sa kinauupuan niya.

"P-paanong n-nakita m-mo yun?" nauutal na tanong niya sakin.

"Dahil aksidenteng nakita ko yun. At di ko rin ginustong makita yun." sabi ko sakanya tsaka hinila ang upuan at nilagay ito sa tabi niya nangalay kasi ako kanina pa kasi ako nakatayo.

Tsaka ko nakita ko ang pagbabagsakan ng mga luha niya.

Parang ang hirap ng pinagdadaanan nila..

Ang lupit mo propesiya peste ka!

"Di ko na kasi alam ang gagawin ko. Di ko na alam kung paano magiging tama kung mismong propesiya na ang nagdidikta nito kahit mali ito kung titingnan." umiiyak na sabi niya.

"Paano bang nagsimula ang lahat ng yan?" usisa ko sakanya.

"It's all started nung minsang umuwi ako sa bayan namin ako lang umuwi that time dahil nagpadala ng liham si Ama at Ina na nais nila akong makausap. Kaya di na ko nag-aksaya ng oras at nagtungo na agad ako sa bayan namin. At pagkarating ko roon may isang ermintanyo ang nakaabang sa loob ng tahanan." saglit siyang tumigil at lalong lumungkot ang mukha niya. "Lumapit siya sakin at sinabing kami ni Miguel ang nakasaad sa propesiya kami dapat ang magkatuluyan. Di ko alam kung maniniwala ako o hindi dahil ang unang naisip ko nun ay sina Coleen at Matt. Si Matt na sobra kong mahal at minamahal. Ni di ko naisip na hahantong kami sa ganung bagay. Ayokong iwan siya Jewel mahal na mahal ko siya. Di ko sana lang paniniwalaan ito hanggang sa sabihin sakin ng ermintanyo na kung di kami magkakatuluyan at baguhin naman ang propesiya ay may kapalit at ito ay ang buhay nina Matt at Coleen. Sobrang gulong-gulo. Di ko alam kung paano lalaban at mananatiling matapang kung sa loob-looban ko ay nanghihina na ako. Ayokong makasira ng relasyon at ayoko ding iwan si Matt." umiiyak na dagdag niya.

Bakit kasi may propesiya pa?

Doon nalang dedepende ang buhay ng mga taga Normsantandia.

Pesteng propesiya kung ganun.

"Paano nalaman ni Miguel?" tanong ko sakanya.

"Matapos ng araw na yun ay umalis na agad ako sa bayan namin at wala akong kahit sinong kinausap maging ang mga magulang ko ay di ko kinausap dahil naiinis ako at nagagalit ako. Agad akong bumalik sa Academy ng nanlulumo at mangiyak-ngiyak. Kasalukuyan akong tulala sa hallway nun ng makasalubong ko si Miguel na di ko namamalayan." saglit muli siyang tumigil at ngumiti ng mapait. "At doon ay umiiyak ako sakanya. Akala niya pinagtritripan ko lang siya dahil sa propesiyang nalaman ko pero ng napagtanto niyang hindi ay nabalisa rin siya dahil di rin niya alam ang gagawin niya dahil masyado niyang mahal si Coleen para saktan ito. Hanggang sa palihim kaming nagkikita para mag-isip ng paraan. At nung araw na makita mo kaming naghahalikan ay yun yung araw na dapat susuko na kami at pipiliing tanggapin ang propesiya pero para sakin ayokong sumuko. Dahil batid kong pagsubok lamang ito samin. At kailangan naming ipaglaban ang isa't isa." aniya.

"Edi subukan niyong lumaban? Dahil higit na nanalo ang nagmamahal kaysa sa propesiya. Basta patunayan niyo lang sa pesteng nagsulat ng propesiya na wala kahit anong propesiya ang makakapagbuwag sa kanya-kanya niyong relasyon. Lumaban lang kayo hangga't maari wag kayong papatalo sa propesiya. Dahil oras na magpatalo kayo." saglit akong tumigil at ngumiti sakanya. "Parang sinukuan niyo na rin ang taong mahal niyo at nakikita niyong makasama sa future." nakangiting dagdag ko pa.

Nakita ko pagliliwanag ng mukha niya para bang tama ang sinabi ko.

"Siguro tama ka nga Jewel salamat." nakangiting usal niya.

Tsk! Bat di ba nila naisip yun?

"Di ako tama sadyang di niyo lang naisip yun. Dahil nagpasakop kayo sa propesiya na yun. Mahal mo pala ang tao eh. Bakit di ka gumawa ng paraan para ipaglaban siya. Kaysa pare-parehas kayong masaktan in the end. Mas maganda ring sabihin mo sa partner mo ang tungkol dito. Wag mong sarilihin dahil mababaliw kalang kaiisip." nakangiting dagdag ko pa.

Natigilan siya at tsaka siya napangiti.

"Salamat talaga Jewel." masayang sabi niya.

Sa wakas bumalik na siya dati.

"Tse wala yun. Naawa lang talaga ko sa pagkain na di mo pa nagagalaw mula kanina." nakangising sabi ko sakanya.

Kaya natawa siya at napatingin sa plato niyang wala pang bawas.

Tsaka kumain.

"Salamat Jewel. Salamat talaga ang laking tulong mo sa problema ko." sabi niya tsaka kumain muli.

Ayaw nalang kumain andami pang sinasabi.

Di ko na siya pinansin at pinuntahan sa kusina si Jinri na naghuhugas.

"Okay na ba siya Ate?" tanong sakin ni Jinri.

"I guess. Kulang lang pala sa matinding advice yun." nakangiting sabi ko.

Kaya natawa nalang kami parehas.

A/N:

See you again for my next update!!

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT AND FOLLOW!!

-paraiso_neo ❤

Sandiwa Jewel is BackWhere stories live. Discover now