Kabanata 15

1.1K 39 1
                                    

Jewel

Sa mga sumunod na araw ay iniwasan ko si Enzo. At lahat ng may koneksyon sa panaginip ko. At para na rin mapag-isipan ang palugit na sinabi ni Manuella sakin.

Kasalukuyan akong nasa classroom ngayon. Di naman nakaligtas sa pagtataka ang grupo nila Keiron sakin. Kung bakit humiwalay ako kila Enzo.

Si Enzo naman ay palaging nakakunot ang noo dahil na rin sa mga tanong na gumugulo sakanya. Kung bakit bigla ko siyang iniwasan?

Ng wala man lang kaming pinag-aawayan.

At sa loob ng isang taon ay wala kaming kahit anong pinag-awayan.

Kaya di ko maalis sakanya ang pagtataka kung bakit nasa ganto kaming sitwasyon ngayon.

At ayun ay ang pag-iwas ko sakanya.

Maging si Jenica ay sinusubukang lapitan ako pero mabilis akong lumalayo sakanya.

At sa tuwing mapapadapo ang tingin ni Keiron sakin ay agad kong inililihis ang tingin ko.

Dahil iba ang kaba ko sa tuwing magkakatitigan. Sa di ko malamang dahilan..

Na para bang kilala ko na siya noon pa.

"Mm..Jewel." tawag pansin ni Catana sakin.

Agad ko naman siyang nilingon.

"Anong nangyayari?" inosenteng tanong niya.

Ningitian ko lamang siya. At di sinagot ang tanong niya.

Nagulat kasi siya kanina ng bigla akong makipagpalit kay Yana na kaibigan ng umupo..

Di naman ako nahirapang pakiusapan si Yana kasi likas rito ang pagiging mapagbigay..

Maya-maya pa'y tumunog na ang bell hudyat na breaktime na..

Kaya dali-dali akong tumayo para mabilis na makalayo sa kahit sino kila Enzo..

I just need to be alone.

Dahil gusto kong makilala ang sarili ko.

Sa sarili kong paraan..

Di ko kailangan ang tulong ng iba.

At kahit kailan ay di ko kakailanganin ang kahit sino sa kanila.

Nararamdaman kong mareresolba ko ito mag-isa ng walang kahit sino ang mag-papaalala at magdidikta sakin.

"Mag-isa ka yata." biglang sulpot ni Manuella sa gilid ko.

Nasa likod kasi ako ng campus..

Sa tahimik na lugar ng campus na iilan lamang ang nakakaalam dahil karamihan sa kanila ay mas pinipili ang maiingay na lugar kaysa sa tahimik na lugar.

At kung bakit? Di ko alam at wala akong balak alamin.

"Eh ikaw di naman ah mag-isa." nakangising sabi ko sakanya.

At tsaka ko napansin ang pagbabago ng mukha niya ang kaninang nang-aasar na mukha ay napalitan ng malungkot na mukha.

Na ngayon ko lang nasaksihan na makita sa kanya.

"Di lahat ng nag-iisa ay kailangang magmumukmok sa isang tahimik na lugar. Di mo kasi maiisip na nag-iisa ka pagpinaramdam mo sa sarili mong kahit kailan ay di ka nag-iisa." makahulugang aniya.

Kaya natigilan ako.

Anong ibig sabihin niya?

"Oo nakikita mo man akong mag-isa ngayon physically. Pero alam ko sa puso kong di ako nag-iisa. Alam kong kahit kailan ay di ako nag-iisa sa mundong ito. Alam kong may isang tao palihim tayong pinoprotektahan at sinasamahan. At mararamdam mo yun mula sa puso mo Jewel." dagdag niya pa.

Sandiwa Jewel is BackWhere stories live. Discover now