Kabanata 4

1.6K 51 2
                                    

Di ri naman ako natagalan maghintay kay Enzo dahil maya-maya lang ay lumabas na siya at bihis na bihis na..

"Tara kain na tayo?" yaya ko sakanya. At nauna na..

Shit nahihiya pa rin ako para sa sarili ko di ko dapat nakita yun..

Para akong tanga na tulala habang nauuna sakanya. Hanggang sa di ko namalayan na..

"Prinsesa ko ayos ka lang ba?" biglang sulpot niya sa gilid ko at hinawakan ang kamay ko..

"Ah Oo." nahihiyang sabi ko.

"Tsk wag mo nalang isipin yung nakita mo kanina." nakangising sabi niya.

Kaya agad na namula ang pisngi ko..at muli akong nahiya na tingnan siya.

Pinaalala pa eh sapakin kaya to.

"Wag kang mag-aalala makikita mo din naman yun sa oras na ikasal na tayo." pang-aasar niya pa.

"Enzo." inis na sabi ko sakanya.

Kaya ang gunggong tinawanan lang ako ng tinawanan.

Ang happy niya naman.

Di ko siya pinansin at iniwan na. Badtrip akong umupo sa lamesa kung saan nandun si Ina at Jenica. Wala na pala si Ama mukhang bumalik na sa Britania..

"Oh bakit ganyan mukha mo?" tanong ni Jenica sakin.

"Wala ako sa mood." inis na sabi ko tsaka padabog na umupo sa upuan. Ng di nililingon at binibigyang pansin si Enzo na tumabi na sakin.

Wala akong pakialam sakanya.

"Mukhang may LQ kayo." natatawang sabi ni Ina.

Kaya sinamaan ko siya ng tingin.

At tsaka binalik ang tingin sa pagkain at inupakan ito..bahala sila diyan.

Ng matapos ako ay wala akong pasabi na tumayo at umalis ng hapagkainan.

Akmang maglalaho na sana ako para makapunta na sa Academy ng biglang..

"Jewel mag-usap tayo please."

Di ko siya pinansin at tuluyan na kong naglaho para makarating sa Academy.

Bumungad sakin ang napakagandang garden nito.

At halos magulat ako ng may yumakap sakin..

"Criszette di ko akalaing buhay ka." tinig ng babae habang yakap ako.

Criszette? Sino yun?

"Ah miss baka nagkakamali ka. Di ako si Criszette. Ako si Jewel." nakangiting sabi ko sakanya.

"Di ako pwedeng magkamali. Kababata kita kaya kilalang-kilala kita." umaasang sabi niya.

"But I don't know you." seryosong sabi ko sakanya. "Sorry miss." dagdag ko pa.

Halos manlumo siya at di makapaniwala..

Ng biglang sumulpot si Enzo.

"Jewel kausapin mo naman ako." sabi niya tsaka niyakap ako sa mismong harap ng babae na tinawag akong Criszette kanina.

Pero dahil mahal ko tong kumag na yan..

"Oo na." natatawang sabi ko sakanya.

Kaya napangiti si Enzo tsaka napatingin sa babaeng nasa harap namin.

"Ahm sino ka?" tanong ni Enzo sakaniya.

Para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig at tsaka palang nakagalaw sa kinatatayuan niya..

Sandiwa Jewel is BackWhere stories live. Discover now