Kabanata 3

1.6K 50 1
                                    

Kinabukasan ay linggo wala naman kaming ibang ginawa kundi ang magkwentuhan at lumibot sa palasyo.

Naging malapit rin ako kina Ama at Ina. At mas naging close kami ni Jenica at nalaman ko na may boyfriend pala siya..

Ang bagay na din ko alam..

Ng matapos ang araw na yun kinagabihan ay naghanda na kami para sa unang araw namin bukas sa eskwelahan..

Inihanda ko na ang aking uniporme at isinabit sa paanan ng aking kama.

At tsaka ko napagdesisyunan na lumabas ng kwarto upang magdinner.

Pagdating ko dun ay nandun na sila at mukhang kanina pa ko inaantay. Tumayo naman si Enzo para alalayan ako paupo sa upuan.

"Handa na ba kayo bukas sa klase?" tanong ni Ina samin.

"Kinakabahan ako Ina." sagot ko sakanya.

"Handa na po ako." sagot naman ni Enzo.

"Excited na po ako makita siya este sila." nakangiting sabi niya. Kaya binigyan siya ni Ama ng masamang tingin..

"Jenica. Ang prinsipe Jarret ba iyan?" usal ni Ama na siyang kinalaki ng mata ni Jenica.

"Paano niya nalaman Ama?" gulat na usal ni Jenica.

Bahagyang natawa si Ama.

"Akala mo talaga ay di ko alam ang inyong lihim na pagkikita ng prinsipe ng Amians." nakangising sabi ni Ama.

Kaya naguluhan ako sa sinasabi ni Ama. Bakit siya kilala niya yung Jarret bakit ako hindi.

"Ama mahal ko po si Jarret." depensa ni Jenica.

"Alam ko. Kaya sa susunod na araw ay gusto kong pumunta tayo sa Amians at nais kong abisuhan mo si Sandiwu Jarret para sa ganap na pagkakasundo ng tatlong kaharian." nakangiting sabi ni Ama.

"Di kayo tutol Ama?" naiiyak na sabi ni Jenica.

"At bakit ko naman kayo pipigilan. Alam ko naman kung gaano niyo kamahal ang isa't isa." saad ni Ama.

"At wala ding rason para ilihim mo sa amin ito Jenica dahil di naman kami tutol sa relasyon niyo." sabat ni Ina.

"Kala ko po ay magagalit kayo sa akin sa oras na sabihin ko po sa inyo ang relasyon namin ni Jarret." malungkot na sabi niya.

"Masaya kami dahil sa wakas ay parehas na kayong may mga iniibig na balang araw ay magpapatuloy ng ating lahi." nakangiting sabi ni Ama.

"Ang half Britania and half Ainains." nakangiting dagdag ni Ina.

Napangiti nalang si Jenica.

"Kaya ikaw Enzo wag na wag mong sasaktan yang anak ko." paalala ni Ama kay Enzo.

Kaya bahagya akong natawa dahil nagulat siya sa biglaang pagbaling ng atensyon sakanya ni Ama.

"Wala po ba kayong tiwala sa akin mahal na Hari. Simula po ng manligaw ako sa inyong anak ay sinisigurado ko po sa inyong ni minsan ay di ako magiging rason ng pagluha ng inyong anak. At iiyak lamang siya sa oras na ikinasal na kami." nakangiting sagot ni Enzo tsaka tumingin sakin..

"Kinikilig talaga ko sa inyo." sabat ni Jenica. "Diba Ina at Ama bagay sila?" tanong ni Jenica kay na Ina at Ama.

"Bagay na bagay." nakangiting saad ni Ama.

Kaya napailing nalang ako sa pang-aasar nila.

Ng matapos kumain ay kanya-kanya kaming balik sa aming mga silid..

Sandiwa Jewel is BackWhere stories live. Discover now