Kabanata 37

1.2K 41 5
                                    

Criszette

Nagising ako sa pagkalam ng tiyan ko..dahil na rin siguro sa gutom. Napasipat ako sa orasan na nakasabit sa harap ng kama ko.

At eksaktong alas dose na ng tanghali.

Bumangon ako dahil nagugutom na talaga ako.

Hindi lahat ng broken ay di nagugutom..

Kaya tumayo ako sa higaan ko at nagsimulang maglakad palabas ng kwarto ko.

At halos magulantang ako ng si Enzo ang naabutan ko sa harap ng pinto ng kwarto ko..

"Anong ginagawa mo dito?" galit na singhal ko sakanya. "Ang kapal kapal ng mukha mo." singhal ko sakanya muli.

"Jewel mag-usap tayo." nagsusumamong aniya.

"Umalis ka na wala tayong dapat pag-usapan Enzo. Tapos na tayo..panagutan mo nalang ang nangyari sa inyo ni Mercedes kaysa pakialaman mo ang buhay ko." mabigat man sa loob ay sinabi ko pa rin ito sakanya.

Sige lang Criszette saktan mo sarili mo!!

"May pakialam ako sayo Jewel dahil mahal kita. Aksidente lang nangyari samin ni Mercedes parehas kaming lasing nun Jewel." pagsusumamo niyang paniwalaan ko.

Pero sarado utak ko ngayon eh..puro galit lang nararamdaman ko ngayon sakanya.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid tsaka ko napagtantong nasa baba sila Jinri at Catana.

At hinayaan lang nilang makapasok tong gagong to.

"Wala akong pakialam sa mga rason mo Enzo. Sobrang overload na utak ko sa mga nalalaman ko..andami kong natuklasan Enzo. Di ko na alam ang paniniwalaan ko tangina!" nakakuyom na kamao na ani ko at di ko na namalayan na nagpatakan na mga luha ko.

"Maniwala ka sakin Jewel..mahal na mahal kita Jewel mananatili akong totoo sayo kahit anong mangyari Jewel. Nandito ako Jewel handa akong makinig sayo." mapupungay na mata na aniya.

"Pwede ba Enzo tama na. Umalis ka na." singhal ko sakanya kaya natahimik siya."At wag na wag mo ng tangkain pang muli na lumapit sakin..mahal kita pero tangina ang sakit nung ginawa mo sakin." babala ko sakanya at tinalikuran siya at bumaba patungong kusina. Dahil nagugutom na talaga ako.

"Jewel." tawag niya pa pero di ko na siya pinansin. Tangina nagugutom din naman ako.

Nagtuloy-tuloy lang ako hanggang sa marating ko ang lamesa at tsaka walang pag-alinlangan na kumain.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko at pag-alis ni Enzo na bagsak ang mga balikat niya.

Pasensya na Enzo hindi pa ko handang pakinggan ka sa ngayon!!

Agad namang pumunta sakin sina Catana at Jinri.

"Sorry Ate kung di namin siya napigilan." paghingi ng tawad ni Jinri.

"Wala yun. Di lang talaga papipigil ang isang iyon." sabi ko tsaka nagpatuloy sa pagkain.

"Are you okay now?" tanong ni Catana sakin.

Kaya napatitig ako sakanya at napatigil sa pagkain.

"Magsisinungaling lang ako at lolokohin ko lang sarili kong pagsinabi kong okay na ako kahit hindi pa naman talaga." malungkot na sagot ko sakanya tsaka bumalik sa pagkain.

"I'm sorry for hear that." malungkot na tono ni Catana.

Di ko na siya sinagot pa at pinagpatuloy ko nalang ang pagkain.

Sandiwa Jewel is BackWhere stories live. Discover now