Kabanata 59 (Part 2)

1.1K 33 1
                                    

Criszette

"Hindi hindi ko hahayaang matalo mo ko. Hindi ako makakapayag ikaw lang ang makakatalo sakin." sigaw niya sakin. At nagulat nalang ako ng itulak niya ko dahilan para mabitawan ko ang espada ko ay bumagsak ako sa lupa.

Pero ningisian ko lang siya.

"May oras ka pa para umatras. Wag mo ko subukan. Dahil di mo alam kung anong maari kong gawin sayo." nakangising sabi ko sakanya at tumayo at pinagpagan ang damit ko.

Dadamputin ko na sana yung espada ko ng maunahan niya ako. At agad niya itong inaamba sakin.

"Hanggang diyan ka lang." banta niya sakin.

"Oh? You look like a scared cat." pang-aasar ko sakanya habang nakacross-arms at pinagmamasdana ng inis na inis na mukha niya.

"I'm not." galit na sigaw niya sakin.

Kaya agad ko siyang tinawanan.

"Kung ganun handa ka na talagang makita si kamatayan." nakangising sabi ko. "Gusto mo bang ako na magdala sayo sakanya." malamig na dagdag ko pa.

"Hindi mangyayari yun dahil ako ang magdadala sayo sakanya." sabi niya at inaamba ng inaamba sakin ang espada ko.

Di ako sumagot at binuksan ko lang ang pakpak ko at nagtungo sa likod niya ng di niya ulit namamalayan.

Ang bobo naman nitong taong to. Di niya lagi namamalayan ang paglaho ko bigla bigla.Nakita ko siyang nagpalinga-linga sa paligid na para bang hinahanap niya kung saan ako nagpunta.

"Hi Serix." nakakalokong sabi ko at naglaho ulit na parang bula. At ngayon ay nasa harap na niya ako pero nakatalikod siya sakin.

"Wag mo kong taguan. Ang panget mo makipaglaro." sigaw niya.

"Sorry pero gusto kitang paglaruan eh." natatawang sabi ko at naglaho ulit. This time nasa bandang gilid niya naman ako.

"Sinabi ng wag mo ko pagtaguan eh." inis na sigaw niya.

Nagpaulit-ulit kami sa ganung eksena hanggang sa ako na ang napagod at nagpakita na ko sakanya.

Palihim akong nagbigkas ng spell. Ang spell para bumalik sakin ang espada.

"Yrida ikaw ay bumalik sa tunay na sa iyo ay nagmamay-ari." mahinang bulong ko. At halos manlaki ang mata niya ng bumalik sakin ang espada ko..

"P-paanong nangyari yun?" takang sabi niya.

"You don't know me Serix. So you better don't understimate me easily." nakangising sabi ko habang hawak na ang espada ko. "Wala ka na bang ilalabas na kapangyarihan mo. Ayun lang ba ang meron ka. Ang hina mo naman na Master." nakakalokong sabi ko sakanya. "Paano ka naging Master ng Cursed Volton kung ang hina-hina mo. Ni hindi mo nga maramdaman ang bigla bigla kong pagsulpot sa kung saan-saan. So tell me paano ka naging Master nila?" natatawang sabi ko habang pinaglalaruan ang espada ko.

Nakita ko naman ang biglang pagsalubong ng kilay niya at ang pagkuyom ng kamao niya.

"Sumosobra ka na." galit na sigaw niya. "Wala kang karapatang kwestyunin ang pagkatao ko. Dahil di mo ko kilala. Di mo alam ang pinagdadaanan. Di ikaw ang nakakaranas ng nararanasan ko. Dahil di niyo alam kung anong nangyayari sa mga pamilya namin. Di niyo alam kung paano naming gustuhing di pumayag sa kagustuhan ng Ovianad na kalabanin kayo. Tapos kung husgahan ako eh parang kilala mo na ako." sigaw niya pang muli.

"Bato na ko Serix kaya di mo ako madadaan sa ganyan-ganyan mo. Kung gusto mo ng matapos to. Mas mabuting sumuko ka na. Dahil sa oras na mapuno ako. Walang lugar sakin ang awa para hayaan kang mamuhay ng payapa." malamig na singhal ko sakanya. "Kaya kitang patayin ngayon din mismo. At sa isang bigkas ko lang ng spell pwede kang mawala ng buhay ng ganun kabilis. Kaya ko Serix kaya kung iniisip mong maawa ako sa mga sinasabi mo nagkakamali ka. Dahil bato na ang kausap mo ngayon. Na kahit kailan ay di na lalambot pa." malamig na sabi ko pa sakanya.

Nagulat nalang ako ng biglang maglabasan at magwala lahat ng kapangyarihan niya.

Kaya naging dahilan eto para yumanig ang buong kalupaan. Pero hindi naman ako naapektuhan dahil mabilis akong naprotektahan ng kapangyarihan ko.

"Tumigil ka na Serix. Dahil nangako ako sa Lola ko na hinding-hindi ko kayo sasaktan dahil sinabi niya saking kakampi kayo. Kaya sana tumigil kana. Dahil malapit mo ng masira ang buong illusion ko at pagnagkataon. Maaaring madamay ang Academy." sigaw ko sakanya.

Pero ng imulat niya ang mata niya. Nakita ko ang pilit niyang pagpipigil sa kapangyarihan.

"Pero Criszette di ko mapigilan." seryosong sabi niya. "Di ko na siya makontrol pa." dagdag niya pa.

Kingina naman. Bakit ba hirap na hirap silang kontrolin ang kapangyarihan nila?

"Nagwawala siya Criszette sa di ko malamang dahilan." dagdag niya pa.

Napansin ko ang unti-unting pagtumbahan ng mga puno dito sa ilusyon na gubat na ginawa ko.

At sigurado akong maya-maya lang ay masisira na ang buong illusyon dahil sa lakas ng pwersa ng kapangyarihan ni Serix.

"Pero Serix ayokong gamitin sayo ang spell para mapatigil ang pagwawala ng kapangyarihan mo dahil 50/50 ang chances na mabuhay ka. Dahil hindi lang isang kapangyarihan ang nagwawala sayo kundi marami. At mahihirapan ang spell para patigilin ito na maaring magdala sayo para tuluyan kang mamatay. Kaya please subukan mong pigilan hangga't maari." seryosong sabi ko sakanya. Habang ang buong illusyon ay patuloy na nawawasak.

At ako naman ay nababalot ng shield bilang proteksyon upang di ako tamaan ng mga bagay na nagliliparan dahil sa unti-unting pagkawasak ng illusion.

"Pero di ko makontrol. Di ko mapigilan. Dahil ayaw niyang magpapigil." nahihirapang sabi ni Serix habang patuloy na naglalabasan ang kapangyarihan niya sa buo niyang katawan. Literal na nagwawala ito.

"Pero Serix subukan mo lang magfocus ka." pakiusap ko sakanya.

"Ayaw talaga. Anong gagawin ko? Ayokong madamay ang Academy." nahihirapang sagot niya sakin.

At nagulat nalanga ko ng ang illusion ay tuluyan ng nawasak.

"Serix wala na kong choice gagamitin ko na sayo tong spell ayokong masira ang Academy." sigaw ko sakanya.

"Sige lang gamitin mo na Criszette kung ayan lang magpapatahimik sa mga nagwawalang kapangyarihan ko." nahihirapang sagot niya.

Di ko na siya sinagot pa at pumikit ng mariin..naramdaman ko ang paglutang ko sa ere.

"Ves Hades." maikling sabi ko at tsaka tumigil ang nagwawalang kapangyarihan ni Serix. Narinig ko na lamang ang tunog na ng pagbagsak niya sa stage ring. At ako naman ay nanghihinang bumaba sa lupa. At napahiga na rin sa sahig.

"Sandiwa Criszette win the battle so siya ang bagong miyembro ng Cursed Volton." rinig kong anunsyo ni Oviad at namalayan ko nalang ang sarili ko na nasa labas na ng stage ring. At ng lingunin ko si Serix wala siyang malay.

Sana mabuhay ka pa. Kahit 50/50 ang posibilidad na mabuhay ka pa.

Naramdaman ko nalang ang paglapit ng mga kaibigan ko at ang pagyakap ni Keiron.

"Buti naman at ligtas ka." rinig kong sabi niya. At tsaka ako napapikit ng mata..

Tapos na ang Mafi Quest nagtagumpay akong mapabilang sa Cursed Volton.

Natupad ko ang pangako ko Lola Cassandra.

And the last thing I was knew. Everything went black..

A/N:

Tapos na ang labanan. And yes po opo nanalo po si Criszette. And for the last chapter of this book ano kayang mangyayari? Buhay kaya si Serix?

Abangan niyo lang dahil maya-maya lang ay maguupdate agad ako.

Again nakapublished na po ang Book 3 nito you can now add it on your library. Check niyo po sa timeline. Prologue palang po yun dahil tinatapos ko po muna itong Book two.

Thankyou again for your time to read!!

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT AND FOLLOW!!

-paraiso_neo ❤

Sandiwa Jewel is BackWhere stories live. Discover now