Kabanata 48

989 34 1
                                    

Serix

Iba ang tapang ng isang yun. Interesting?

"Mukhang magandang laban to pag nabunot siya." tiim-bagang bulong ko.

"Master may sinasabi ka po ba?" bulong ni Brisk sakin.

Kasalukuyang nageexplain ng mechanics si Prof Oviad. At kami ay nakaupo rito sa likod niya.

"Shut up Brisk." inis na bulong ko sakanya.

Kaya nanahimik nalang siya. At binalik na ang tingin kay Prof Oviad.

Samantalang ako ay matutunaw na ang malaking pinto ng hall pero di ko pa rin inaalis tingin ko doon. Dahil di ako makapaniwala sa nagawa nung Sandiwa na yun.

Kakaibang klase.

Hanggang sa mapadpad ang tingin ko sa mga kaibigan nung kaibigan nila. Mukhang hindi nga sila nagulat eh. Parang sanay na sanay na sila.

Hanggang sa mapadpad ang tingin ko sa dalawang lalaki na palinga-linga sa pinto. Na para bang gusto nilang sundan yung Sandiwa na yun.

Sino naman tong mga to? Tsk kailan ba ako nagkainterest sa mga gantong bagay.

"Pagsisihan mo talagang kinalaban mo kami." rinig kong bulong ni Nathan.

At halos magulat kami ng..

"Pagsisihan mo ring nakilala mo ako. Mister Aura Manipulation." ayan ang umalingawngaw sa paligid na siyang nagpatahimik at nagpatigil kay Prof Oviad sa pageexplain ng mechanics.

Kaya napangisi nalang si Nathan.

"Akala mo nga naman wala ka na dito pero kahit bulong lang rinig mo na ibang klase." umiiling na sabi ni Nathan.

"Shut up Mister Aura Manipulation ang ingay mo. Di ako makatulog." alingawngaw muli ng boses ni Sandiwa Jewel sa buong hall.

"Mister Nathan? Tigilan mo na nga yan." saway ni Prof Oviad at sinamaan ng tingin si Nathan.

Di siya pinansin ni Nathan at inirapan lang siya.

Tsaka namin narinig ang hagalpakan ng mga kaibigan ni Sandiwa Jewel. Anak nang talaga naman oh.

Kaya napalingon sa kanila si Prof Oviad.

"Kilalanin niyo muna kasi binabangga niyo." natatawang sabi nung isang lalaki na kaibigan ni Sandiwa Jewel.

"Tama si Christian. Alam kong kilala mo ang pangalan niya. Pero di niyo alam kung ano niyang kayang gawin sa inyo. Hindi siya maiilalagay sa propesiya kung para sa wala. And she's not Criszette Unique Montefalco for nothing." nakangising sabi naman nung babae.

So siya pala talaga siya si Criszette. Interesting? Gusto kong patunayan kung gaano siya kalakas.  Kung kaya niya akong talunin tulad ng pagtalo niya kay Israel.

Napansin ko naman ang masasamang paninitig ni Prof Oviad sa grupo. Napansin ko rin ang pagkuyom ng kamao niya.

"Nanggigil na si tanda." nakangising bulong ni Nathan na katabi ko.

"Sandiwa at Sandiwu ng Normsantandia can you all shut up. You're interrupting our discussion." saway ni Prof Oviad.

"Remember this. Cursed Volton. She's The Cold Princess of Ainabridge who will bring you the worst nightmare. May nadala na siya baka gusto niyong sumunod." sabat naman nung isa pang babae.

Kaya natahimik ang mga kasama ko. Napangisi naman kami ni Nathan.

Alam kong pareha kami ng iniisip.

Sandiwa Jewel is BackWhere stories live. Discover now