Kabanata 34

1.2K 42 1
                                    

Real Closure

-
Sa muling pagtama ng kanilang mga mata tila may iba na at may nagbago na..

Mabilis na nanakbo si Peachy at niyakap si Joshua na gulat at di pa rin makapaniwala na sa wakas muli niyang nakita si Peachy.

Sa mahabang panahon.

Di ko akalaing muli niya itong masisilayan.

"Peachy..I can't believe na muli tayong magkikita." mahinang usal ni Joshua kay Peachy. "Di mo alam kung paano ako mabaliw kahahanap sayo noon. Di mo alam kung gaano ko pilit na itinago sa lahat na wasak ako nung mga sandaling iwan mo ko." umiiyak na sabi ni Joshua.

Hinigpitan lang ni Peachy ang yakap kay Joshua.

"Di kita iniwan. Hindi dahil hindi na kita mahal. Iniwan kita kasi ayoko lang magkaroon ng gulo kung ipagpipilitan natin ang ating relasyon. Nung maging tayo pa lang ay nakatakda na kaming ipakasal na aming mga magulang ni Yohan. Nung makilala kita akala ko mapuputol yun at magagawa kong hindi ituloy ang kasal na yun. Pero  lahat yun nagbago ng.." saglit humugot ng malalim na hininga si Peachy kaya napabitaw si Joshua sa pagkakayakap at napaharap siya kay Peachy.

"Nagbago ang ano?" naguguluhang tanong ni Joshua.

"Nung mga panahon na yun nagkasakit si Ama. Kaya wala akong choice kundi tapusin ang atin kahit alam kong parehas tayong masasaktan. At piliin si Yohan at pag-aralan nalang siyang mahalin. Hinang-hina ako nung tumalikod ako sayo nun palayo..gusto kong bumalik at yakapin ka. Dahil natatakot akong makikita kitang masaya ka na sa iba. Dahil natatakot ako sa katotohanang pinakawalan kita kaysa ipaglaban." umiiyak na dagdag ni Peachy.

"Pero natutunan mo naman siyang mahalin diba?" nakangiting tanong ni Joshua sakanya. "Natutunan mong mahalin si Yohan." dagdag niya pa.

Napayuko nalang si Peachy.

"Tama ka Joshua natutunan ko lang siya mahalin." nakayukong sagot ni Peachy.

"That's bullshit Peachy. Bat di mo sinabi sakin noon. Ang buong akala ko ay talagang pinagpalit mo na ako. Yun pala shit bat di mo sinabi. Nagdesisyon ka mag-isa. Napakamakasarili mo Peachy." naiinis na iyak ni Joshua.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa katotohanang narinig niya.

"I'm sorry. I'm sorry." mangiyak-ngiyak na usal ni Peachy.

At napaupo ito sa damo at umiyak ng umiyak..

Kaya agad siyang inalalayan ni Joshua.

"Peachy." tawag ni Joshua sakanya.

"Ang tanga ko Joshua. I hated myself for not fighting our relationship. Ang bobo ko Joshua. At ngayon may bago ka na Joshua. Nakikita ko kung gaano mo siya kamahal ng higit pa sakin." sabi ni Peachy tsaka natatawang pinunasan ang luha at tumayo mag-isa. At hinarap si Joshua ng nakangiti. "I'm happy for you Joshua you deserve each other. Kala ko may chance pa ko eh pero wala na pala. Bumalik kasi talaga ko dito dahil umaasa akong may babalikan pa ko but I was wrong for thinking that. Di ka na babalik sakin kasi masaya ka na sakanya." mapait na sambit ni Peachy.

"Noong di pa siya dumadating Peachy ikaw ang hinahanap. Ikaw ang gusto kong makasama. Gusto kong ayusin at gusto kong alamin kung bakit nakipaghiwalay ka. Pero Peachy di na kita nahanap pa. May nakapagsabi saking nagdrop out kana. And after that day may nareceive ako na news na kinasal ka na..at simula nun wala na akong ibang narinig pa..sobrang wasak na wasak ako nun Peachy pero kahit isa sa mga kaibigan walang nakaalam nun kasi sinarili ko. Sa gabi ko nararamdaman yung lungkot at sakit tuwing naiisip ko na wala ka na sakin. At iniwan mo na ako." umiiyak na sabi ni Joshua. "Hanggang sa dumating ang isang araw. Dumating si Andrea. Siya yung tipo ng tao na napakaingay at napakadaldal. Lagi pa nga kaming nagbabangayan. Habang tumatagal di ko namamalayang nahuhulog na pala ako sakanya. At namalayan ko nalang kung kailan hulog na ako. Peachy ikaw gusto ko noon pero nung dumating siya para bang yun yung unang beses na nainlove at nagkagusto sa isang babae. At di ko maipaliwanag kung paano nangyari yun. Ang alam ko minahal kita eh at mahal na mahal kita noon pero ngayon mas minamahal ko na siya ng higit sayo." dagdag pa ni Joshua.

Napatitig si Peachy kay Joshua. At sobra siyang nasasaktan sa kung paanong masaya si Joshua sa tuwing inaalala ni Joshua ang simula nila Andrea.

"Siguro nga tayo yung taong pinagtagpo pero di itinadhana." nakatitig na sabi ni Peachy kay Joshua.

At sa huling pagkakataon naglakad siya papalapit kay Joshua at niyakap ito.

"So I'll guess this is the closure that I really wanted." nakangiting sabi ni Peachy habang nakayakap kay Joshua.

Gulat man si Joshua ay agad ring nakabawi at niyakap pabalik si Peachy.

"Yeah this is the closure that we both wanted." nakangiting sabi ni Joshua at kumalas na sa yakap at hinarap si Peachy.

"Thank you for the happiness you was given on me from our past relationship. Salamat lahat Josh." dagdag pa ni Peachy.

Habang sa gilid nito ay nakikinig si Criszette. She was wearing her smile. Dahil nagawa niya ang kahilingan ni Peachy..

"Btw may anak ka na raw?" tanong ni Joshua sakanya.

"Ahh Oo she's a girl matalino at makulit. We name her as Yoona." nakangiting sabi ni Peachy na tila inaalala ang mukha at wangis ng kanyang anak.

"So what's your plan after this?" tanong ni Joshua sakanya.

"Babalik na ko samin..at aalagaan ang aking anak. At mamahalin ng tuluyan si Yohan." nakangiting ani Peachy.

"I'm so proud of you Peach. You will a good mother for your daughter." papuri ni Joshua sakanya.

Unti-unti na ring dumidilim kaya maya-maya pa'y naisipan na ng dalawa na tapusin na ang usapan at napagkasunduan nila na maging ninong si Joshua ng anak nito..

"Dadalhin ko nalang dito di Yoona para ipakilala sayo at sa mga kaibigan mo. Wala ka bang balak sabihin sakanila na ex mo ko?" natatawang ani Peachy.

"Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Andrea." naiiling na sabi ni Joshua.

"Maiintindihan ka nun. Sige na aalis na ko. Maaga pa ako aalis bukas at naghihintay na ang anak at asawa ko roon." tuluyang paalam ni Peachy at naglakad palayo.

Tinanaw na lamang ni Joshua ang likod ni Peachy.

At nakahinga siya ng malalim..

"Ang sarap pala sa pakiramdam." nakangiting ani Joshua habang nakatingin sa papalayong si Peachy.

Habang ang kanina pang nanonood na si Criszette ay napangiti na rin.

The real closure was done..

A/N:

See you for the next update ♡

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT AND FOLLOW!!

-paraiso_neo ❤

Sandiwa Jewel is BackOnde histórias criam vida. Descubra agora