Kabanata 5

1.6K 54 5
                                    

The new enemy has come..

Someone point of view

Habang ang lahat ng nasa Normsantandia ay isinasaayos na may isang kaharian ay pasimpleng na nabubuo sa isang liblib at tagong lugar sa Normsantandia. Na wala kahit sinong makakaalam na muli itong magiging panganib sa buong Normsantandia.

"Ang muling pagbangon ng Ovianad ay nakatakdang mangyari ay malapit ng maganap sa panahong di nila inaasahan." nakangising sambit ng babaeng halos simula pa ng mabuo ang Normsantandia ay buhay na siya.

Masaya niyang pinagmamasdan ang mga bangkay na muli niyang bubuhayin.

Ang mga bangkay na muli niyang hinukay. Mula sa kahariang matagal ng nawasak na muli niyang itinatayo ngayon.

"Malapit na araw ng ating paghihiganti. Dahil oras na." nakangising sabi niya.
"Oras na para kayong muli ang mamuno sa Normsantandia." dagdag niya pa.

Ovianad muling kadiliman ay kanilang mararanasan..

Pagdanak ng dugo ay lalaganap..

At ikaw ang aming puntirya. Sandiwa Jewel at ang buong Ainabridge..

Andrea

Kanina pa namin napapansin ang katahimikan ni Stacey. Paminsan-minsan siyang kinukulit ni Drake pero tulala lang siya na parang walang pakialam sa paligid.

Mula kanina ay wala na siyang imik.

Na nakakapanibago..

"Cey..uy sungit pansinin mo naman ako." pangungulit ni Drake kay Stacey.

Pero wala talaga..di pa rin siya pinapansin ni Stacey.

Okay anong nangyayari?

Nasa ganun akong sitwasyon ng biglang may yumakap sakin mula sa likod..

Nakaupo kasi ako sa upuan. Bale nakatayo siya at niyakap ako.

"Joshua." sabi ko tsaka tinanggal ang kamay niya na nakayakap sakin at tsaka niyakap.

"Namiss kita Andrea." nakangiting sabi niya.

Sobra ko ding namiss tong gunggong na to..dahil buong bakasyon kaming di nagkita at kahapon halos di naman kami nagkausap..dahil bantay sarado ni Kuya Andrei.

"Namiss din kita." nakangising sabi ko sakanya.

Kuntento na ko.

Kuntento na ko na nandito siya.

Kuntento na ko sa kung anong meron kami ngayon..

"Mahal na Mahal kita Andrea." sabi niya kaya naging dahilan para pamulahan ako ng mukha..

Eto talagang lalaking to bigla-biglang bumabanat.

Magsasalita na sana ako ng biglang sumulpot si Kuya Andrei kasama si Serena. Ang alam ko ay nanliligaw na si Kuya kay Serena. Well medyo nagimprove na si Kuya ngayon sabi kasi sakin nila Joshua ay napakatahimik daw ni Kuya simula ng mawala ako..

Lumapit ang dalawa at agad na umeksena samin si Kuya.

"Joshua know your limit." paalala ni Kuya sakanya.

Kaya nagkatinginan kami ni Joshua at nakita ko ang pagkamot niya ng ulo.

"Alam ko yun tol HAHAHA." malokong sabi ni Joshua.

"Hi Stacey at Andrea." kaway ni Serena samin.

Nginitian ko si Serena. Habang si Stacey ay di siya pinansin.

Sandiwa Jewel is BackWhere stories live. Discover now