Kabanata 35

1.2K 45 1
                                    

Masakit na katotohanan

Criszette

Matapos ang araw na yun ay umalis na rin kaagad si Peachy. Todo pasasalamat pa nga siya sa itinulong ko..pero walang-wala yun sa naitulong niya sakin..para maalala ko ang sarili ko.

Today was Monday. Papasok na naman..

Tulad ng nakagawian ko araw-araw ay ginagawa ko ulit ngayon..

Kasalukuyan na kaming naglalakad papuntang classroom. Kasama ko sina Jinri at Catana. Ihahatid kasi naming to si Jinri sa klase niya..

"Thankyou mga Ate's see you po mamaya." paalam niya at pumasok na ng room.

At tsaka kami nagpatuloy maglakad patungo sa klase namin.

Pagdating namin dun naabutan ko lahat sila dun. Nakita kong ningitian ako ni Joshua kaya ningitian ko rin siya pabalik.

"Oh bat ganun ngiti nun?" bulong ni Catana sakin habang naglalakad kami papuntang upuan namin.

"Uhmm..let's just say the closure is the reason." kunwaring nag-iisip pa na sabi ko.

"Closure with whom?" takang tanong niya.

"With Peachy his ex." walang alinlangan na sagot ko.

"Ex? May ex si Joshua?" di makapaniwalang bulong niya sakin.

"Oo." maikling tugon ko.

Magtatanong pa sana siya kaso dumating na si Prof Oviad.

Iba talaga pakiramdam ko sa isang to. Wala naman siyang kakaibang ginawa ngayon at inakto. Kaya okay ang buong klase. Pero napapansin ko ang palagiang paggawi ng tingin niya sakin habang nagdidiscuss.

Matapos ang klase. Agad kong hinagilap si Kuya.

At di naman ako nahirapan at kung sineswerte ka naman kasama niya si Jarret.

Kaya nilapitan ko agad sila..

"Jarret at Kuya?" tawag pansin ko sa kanila dahil busy silang nag-uusap sa dulo ng hallway.

Kaya sabay silang gulat na napalingon. Lalo na si Kuya.

Mabilis akong lumapit sakanila. At parehas pa rin silang gulat..

"T-tinawag m-mo k-kong k-kuya?" utal na sabi ni Kuya sakin.

"Oo bakit? Bawal ka na bang tawaging Kuya. Tsk baka gusto mong balian ulit kita." nakangising nakacross arm na sabi ko sakanya.

Kaya halos di na siya nakagalaw sa kinatatayuan niya.

"Tsk? Naalala mo na kami." di rin makapaniwalang usal ni Jarret.

"Paano?" tanong ni Kuya.

"Mahabang paliwanagan to at baka nagdidigmaan na eh di pa tayo tapos." naiiling na sabi ko.

"Digmaan?" sabay na sabi nila sakin.

"Oo. Kaya kailangan ko tulong niyo. Batid kong kumikilos na sila at dito sa campus nila sinisimulan." paliwanag ko sakanila.

"Saan mo nakuha yang impormasyon na yan kung ganun?" nakataas kilay na tanong ni Kuya.

"Malakas pakiramdam ko sa mga gantong bagay." seryosong ani ko sakanila.

"Tsk muntik ko ng makalimutan na hambog ka na pala Zette." nakakalokong sabi ni Kuya.

Kaya napangiti ako ng muli akong tawagin ni Kuya sa nickname ko..

Sandiwa Jewel is BackWhere stories live. Discover now