Kabanata 16

1.1K 40 1
                                    

Stacey

"Drake?" tawag ko sakanya dahil sa pagtatangka na naman niyang iwasan ako.

Tumigil siya pero di niya ko nilingon.
Na siyang nagpakirot sa puso ko. Sa di ko malamang dahilan.

"May problema ba tayo? Ilang araw mo na kong iniiwasan." malungkot na sambit ko.

Siguro kaya ako nagkakaganto ay dahil nasanay ako sa presensya niya.

Nasanay ako na may Drake na umaalalay sakin.

Nasanay ako na may Drake na handang guluhin ang tahimik kong araw.

Nasanay akong may Drake na patatawanin ako ng walang katapusan.

At higit sa lahat ang Drake na handang gawin ang lahat para sa iyo.

Malayong-malayo siya sa Drake na alam ng lahat. Base na rin sa nakaraan niya..

"A-ah w-wala n-naman." utal na sabi niya ng di pa rin lumilingon sakin.

"Pero bakit di ka humarap sakin." nagtatakang tanong ko.

"Ah kasi nagmamadali na kasi marami pang inuutos si Headmistress sakin." sabi niya tsaka nagtakang humakbang muli.

"Drake naman. Wala si Headmistress ngayon kaya imposible yang sinasabi mo." sabi ko tsaka napasapo sa noo ko. "Ayaw mo na ba talaga ako makausap at panay iwas kana. Sige okay lang naiintindihan ko. Salamat Drake! Salamat sa lahat." sabi ko tsaka tumalikod at naglakad na palayo.

Inantay kong habulin niya ko pero nagkamali ako mula sa peripheral side ko nakita ko siyang humarap pero nakatingin lang siya at ang lungkot lungkot ng mukha niya.

Drake.

At tsaka ko nalang napansin ang unti-unting pagbagsak ng mga luha kong ngayon lang muling pumatak magmula nung mamatay si Criszette.

Ang di ko maintindihan ay kung bakit nasasaktan ako..

Alam kong si Jameson pa rin.

Alam kong siya pa rin at sigurado ako. Pero bakit nagkakaganto ako pagdating kay Drake.

Ang bigat bigat sa loob. At para akong biglang nahugutan ng lakas sa sobrang bigat. Ramdam ko ang pagod at bigat nito sa buong katawan ko..

Bakit mo ba ginagawa sakin to Drake?

Ang sama sama mo. Bakit ginaganto mo ko? Pinapasaya mo ko tapos sasaktan mo.

Pinangiti mo ko tapos ikaw rin pala mananakit sakin bakit ganyan ka. Bakit? Ang unfair mo.

Nangako ka Drake.

Sabi mo papawiin mo ang sakit na nararamdaman ko mula sa kaibigan kong wala na at sa boyfriend kong iniwan na ako..

Pero bakit mukhang nakalimutan mo na.

Bakit nakalimutan mo na ang dahilan ng sakit na nararamdaman ko.

Nanghihina ang tuhod ko. At bilang na bilang ang hakbang ko sa hallway..

Kasabay nito ay ang pagkawala ng mga luha ko. Mga luhang patuloy sa pag-agos..

Kailangan na ba kitang layuan Drake?

Kailangan ko na bang mabuhay na walang ikaw sa buhay ko?

Kingina salamat Drake

Salamat sa lahat!!

Natigilan ako ng may maramdaman akong dalawang braso sa baywang ko at nakayakap ito.

Sandiwa Jewel is BackWhere stories live. Discover now