Chapter 1

3.4K 82 2
                                    

                                                    Chapter 1

                                                    Kimberly

            Sa wakas! Matatapos na ang klase namin ngayong Miyerkules, dalawang araw nalang ang kailangan naming ipasok sa linggo na ito at makakapagpahinga na din ang utak namin sa pag-aaral. Kahit kakasimula pa lang ng second semester ay parang malapit ng mag finals dahil sa lecture ng mga professor. Ganito ba talaga ang Accountancy? Masyado silang tutok sa amin. Oh my God! 1st year palang kami pero parang gusto na kaagad kaming pasukuin sa course namin.

            “Okay Class Dismiss! Huwag ninyong kalimutang mag advance study para sa lessons natin on Friday.” Sabi ni Sir Albert, habang lumalabas ng room namin.

            “Ahhhhhh ano ba iyan Sir?” Pag-apila ng iba kong classmates.

            “Pssstt… Kim, bakit parang natuyo na ang utak mo jan?” Tanong sa akin ni Alexandria.

            “Grabe kasi ang mga professor natin, akala mo naman sobrang talino natin para durugin ang utak natin sa mga itinuturo nila.” Reklamo ko kay Alex.

            “Well, E.X.P.E.C.T.A.T.I.O.N! Ganon lang ka-simple.” Sagot sa akin ni Alex.

            “HEY LADIES! Hindi pa ba tayo uuwi? Tara na, itigil na ninyo ang pagpapaganda nyo jan.” Bungad ni Tom ng makalapit ito sa amin.

            “Echosera ka talaga RUSTOM! Excited ka laging umuwi, ano bang meron sa bahay ninyo?” Sabi ni Alex.

            “Hoy! Excuse me Alexander the Great! Huwag mo akong tawaging Rustom, hindi ko trip.” Sagot ni Tom kay Alex.

            Napangiti nalang ako sa kanilang dalawa, malakas talaga silang mag-asaran at kung hindi lang magkaibigan ang dalawang ito ay malamang sila na ang nagkatuluyan. Pero sa pananaw ko lang iyon. Naku! Baka magsuntukan ang dalawang ito pag nangyari iyon. Nang makalabas na kami ng classroom ay bigla kaming pinigilan ni Tom sa paglalakad.

            “Actually girls, hindi ko pa talaga gustong umuwi…. Gusto ko kasing ipakita sa inyo ang kakaibang bagay.” Bulong niya sa amin ni Alex.

            “Baka bastos yan ha!” Sabi ni Alex.

            “Napaka Green talaga ng babaeng ito. Pasira ng serious effect.” Sabi ni Tom.

            “Ok.. Ano ba iyon Tom?” Natatawang tanong ko sa kanya.

            “Nabalitaan nyo na ba yung tungkol sa kauna-unahang Ghost Club dito sa school natin? Unfortunately, sila na din ang naging huli. ” Tanong sa amin ni Tom.

            “Oo narinig ko na yung tungkol sa kanila, pero hindi ko alam kung ano ba ang history nila dito sa school.” Sagot ni Alex.

            “Ako naman wala talagang alam tungkol sa kanila. Anong meron?” Tanong ko rin kay Tom.

            “Nung Saturday ang ikatlong taong anibersaryo ng pagkamatay ng isa sa mga estudyante dito. Kabilang siya sa sinasabing Ghost Club, Tamara ang pangalan niya. Naglaro sila ng Ouija Board dito sa school natin kaso nakatawag sila ng masamang kaluluwa at ito ang dahilan kung bakit namatay si Tamara, kaya naman hindi rin nila natapos ang laro…At hanggang ngayon ay hindi pa nila ito natatapos.” Kwento sa amin ni Tom.

            “So…. Iyan pala ang dahilan kung bakit walang horror activities ang school natin.” Dugtong ko sa kwento ni Tom.

            “Ano naman yung ipapakita mo samin? Yung KAKAIBA na tinutukoy mo.” Tanong ni Alexandria.

            Inilabas ni Tom mula sa kanyang bag ang isang lumang folder na may lamang mga files.

            “Ito ang tinutukoy ko, ang files ng Ghost Club, malalaman natin dito kung sino-sino ang members nito, kung ano ang mga cases na na-solve nila at kung ano ang nagyari kay Tamara.” Bulong sa amin ni Tom.

            “Nababaliw kana ba? Paano mo nakuha iyan? Baka ma parusahan ka kapag nalaman na kinuha mo ang files na iyan.” Paalala ko sa kanya.

            “Don’t worry. S.A. ako sa Registrar Office diba? Kaya nahalungkat ko ito. And besides wala namang ibang makaka-alam na nasa akin ito. Bukod sa inyong dalawa….. So can I count on you girls?” Tanong sa amin ni Tom.

            “Bahala ka Tom! Basta kapag nahuli ka huwag mo kaming isasabit ni Alex.” Sagot ko sa kanya.

            “Okay Kim, hinding-hindi. Babasahin ko lang ngayong gabi. Tapos isasauli ko na bukas. Ikaw Alex, sama ka ba? Pag-aralan natin ito.” Pag-aya ni Tom kay Alex.

            “Sure. Wala naman quiz bukas.” Sagot ni Alexandria.

            “Ingat kayong dalawa. Mag a-advance study muna ako sa library para sa lesson natin sa Friday.” Paalam ko sa kanila.

            “Sige…. Basta huwag mo kaming kalimutan kapag may quiz.” Pabirong sabi ni Tom.

            “Mongoloid talaga tong si Tom! Tara na nga baka nasusuya na sayo si Kim.(Laughing)” Sabi ni Alex habang hinahatak na si Tom palayo.

            Wala talagang pagbabago ang dalawang iyon, simula 1st sem lagi na silang nag-aasaran. Gusto ko sanang makisali sa pagtuklas nila sa misteryo ng Ghost Club kaso nga lang may importanteng bagay pa ako na dapat unahin.

Unfinished 2Where stories live. Discover now