Chapter 4

2.1K 73 2
                                    

                                                   Chapter 4

                                                  Bernadette

        Hindi biro ang sinasabi ng mga batang ito. At kung totoo man ang sinasabi nila, siguradong may dahilan kung bakit nila natutuklasan ang mga bagay na ito. Pinaupo ko sila malapit sa akin at pinahinaan ko ang mga boses nila. Sinisigurado ko lang na walang ibang makakarinig ng aming pag-uusapan.

        “Natuklasan nyo ang mga bagay na ito, at nasisiguro kong may dahilan kung bakit nangyayari sa inyo ito. Sige sasabihin ko na sa inyo ang totoo. Muling binabalikan ng nakaraan ang Ghost Club, nung nakaraang Sabado ang ikatlong taon simula ng maganap ang insidente, kasabay noon ay ang pagpaparamdam sa kanila ng nakakatakot na imahe ni Tamara. Kaya nagdesisyon silang magsama-sama ulit para tapusin na ang ritwal na nasimulan nila sa Ouija Board tatlong taon na ang nakakalipas. Ibinalik ko sa kanila ang board nung magkita-kita kami nung Lunes. Pero wala akong ideya na naglaho si Chryztyn, malakas ang kutob ko na hindi sila nagtagumpay na tapusin ito.” Paliwanag ko sa kanilang tatlo.

        “Pero Kimberly, paano nagpakita sayo si Tamara? Ano ang itsura niya at saang lugar mo siya nakita?” Tanong ko sa kanya.

        “Kung ano ang itsura ni Tamara sa profile niya sa files ng Ghost Club, iyon din ang itsura niya nung makita ko siya. Hindi katulad nung nagpapakita kina Vonjo. Sa library ko siya nakita, at nangyari iyon matapos kong mahawakan ang isang libro at pagkatapos kong basahin ang librong ito (Ipinakita ang librong tinutukoy)” Sagot sa akin ni Kimberly.

        “Truth beyond the eyes? Parang nakakakilabot ang librong iyan.” Sabi ni Tom.

        “Nung una ko siyang makita ay nung kinuha ko yung libro na may title na Mystery of the Unknown University at ang sumunod na pagpapakita niya ay matapos kong basahin ang isang talata sa Truth beyond the eyes. At ang isa ko pang nadiskubre ay parehas itong pagmamay-ari ni Mr. Eduardo Rodriguez.” Paliwanag ni Kimberly.

        “At napag-alaman din namin na si Mr. Rodriguez ang dating Dean na nag approve sa grupo ng Ghost Club na maging Sub-Org sa school natin. Siya din ang nag utos sa grupo ni Vonjo na lutasin ang kaso na nagdala sa kanila sa miserableng buhay. And During the investigation, naglahong parang bula si Mr. Rodriguez……. Reference, Ghost Club Files!” Paliwanag din ni Tom.

        Nakaramdam ako ng kilabot sa sinasabi ng mga batang ito. Paano kung itinuturo sa kanila ang tamang direksyon para malutas ang kasong ito? Maaaring makatulong sila sa grupo nila Vonjo.

        “Sa mga sinasabi ninyong ito ay lumalabas na malaki ang kinalaman ni Mr. Rodriguez sa insidenteng naganap.” Sabi ko sa kanila.

        “Ganon din po ang tingin namin Ma’am, pero hindi pa tayo nakakasiguro hanggat hindi natin nalalaman ang mga nakasulat sa dalawang libro ni Mr. Rodriguez.” Sagot ni Alexandria.

        “Pero paano natin malalaman iyon, kung puro matalinhagang salita naman ang ginamit sa librong ito (Truth beyond the eyes), tapos puro symbols pa na pang ritwal ang nakalagay, kaya paano natin malalaman ang gustong iparating nito?” Naguguluhang tanong ni Kimberly.

        “Maaring nasa isang libro ang kasagutan. Nasaan yung sinasabi mong Mystery of the Unknown University? Pwedeng makatulong sa atin iyon!” Tanong ko kay Kimberly.

        “Ibinalik ko sa pinagkuhaan ko, hindi ko naman akalain na pwede palang makatulong iyon.” Sagot niya sa akin.

        “Kung ganon, balikan nyo sa library.” Utos ko sa kanilang tatlo.

Unfinished 2Where stories live. Discover now