Chapter 28

1.6K 71 17
                                    

                                                   Chapter 28

                                                   Bernadette

        “Nasa amin na ang susi na makakapag bukas sa basement…….” Sabi ko.

        “What? P---pero papaano?” Hindi makapaniwalang tanong ni Sir Jamora.

        “Dahil sa librong isinulat ni Mr. Rodriguez, itinuro nito sa amin kung saan ito matatagpuan…. Dahil sa effort ng mga batang ito, malalaman na nating lahat ang sikreto na itinago sa atin ng school sa loob ng mahabang panahon.”

        “Maaari din nating maisalba ang future ng school.”

        “Maisalba para saan?” Tanong niya.

        “Sa tingin nyo po ba ay aksidente lang ang nangyari kanina? Nakita ni Luther kung sino ang may gawa noon…. Lahat ng pagkamatay na naganap sa school ay isang sakripisyo, pero kung para saan, iyon ang hindi pa namin natutuklasan…..”

        “Nakita nyo rin naman siguro ang balita kanina, sa pagkamatay ni Mr. Rodriguez. Muntik na niyang isakripisyo ang buhay ng mga dati kong estudyante para sa pagkabuhay ng asawa niya na isinakripisyo dito sa school. Siya ang may kagagawan kung bakit naging miserable ang buhay ng buong ghost club! Kung bakit namatay si Tamara Ashford at kung bakit na COMATOSE ngayon si Vonjo!

        Naupo si Mr. Jamora sa kanyang table at mukhang naguguluhan na siya sa nangyayari.

        “Sir Jamora, kailangan nyo munang isara ang school hanggat hindi nalulutas ang kasong ito. Nang sa ganon ay wala ng iba pang mapahamak……Please, kailangan namin ang cooperation nyo.” Paki-usap ko.

        Tumingin lang sa akin si Mr. Jamora, makikita sa mga mata niya na gusto na niyang maniwala at sumang-ayon sa sinasabi namin.

        “Sabi nyo ay nakita ni Luther kung sino ang may gawa nito, sabihin nyo sa akin ngayon kung sino!” Sabi ni Mr. Jamora.

        “Isang hidden organization ang may gawa nito. Sa madaling salita, grupo ng kulto na siguradong may kinalaman sa mga nagpasimula ng school……. Bukod kay Mr. Rodriguez, si Mr. Anastacio Loomis ay parte din nito! Siya ang nakita ko kanina!” Pagbubunyag ni Luther.

        Nagulat kaming lahat sa sinabi niya. Hindi namin akalain na ang matandang iyon pala ang lagi naming nakakaharap.

        “Si Anastacio? Staff sa library?” Dali-daling dinampot ni Mr. Jamora ang telepono para tumawag sa library.

        “Hello Sabel! Nasaan si Anastacio?” Tanong ng Dean.

        “Sorry Sir, wala pong nakaka-alam, kaninang umaga pa po siya hindi nakikita. Baka po hindi pumasok.” Sagot ng librarian.

        “Okay… Salamat!” Binaba na niya ang telepono.

        Nakatingin lang sa amin si Mr. Jamora at mukhang nakumbinsi na namin siya.

        “S---sige! Sa kauna-unahang pagkakataon ay sisirain ko na ang kasunduan ng school na ito tungkol sa grupo mo Bernadette…….. (Umiling) Hindi ako makapaniwala na sasabihin ko ito……….pero nakumbinsi nyo ako. Lagi nalang may namamatay sa school na ito, at ang ginawa ni Mr. Rodriguez ang isa sa nagpapatunay na tama nga ang mga sinasabi nyo……” Sabi sa amin ng Dean.

Unfinished 2Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang