Chapter 23

1.7K 72 6
                                    

                                                             Chapter 23

                                                              Alejandre

        Sa kalagitnaan ng paghahanap namin sa mga kasama ni Arvine, ay may isang duguang babae na lumapit at bigla itong yumakap kay Arvine.

        “Anong nangyari Romylyn?” Tanong ni Arvine.

        “S---si Shen, kinuha siya ng lalake….. Please mga pulis, tulungan nyo kami! Nasa warehouse sila!” Nanginginig na paki-usap ni Romylyn.

        “Huwag kayong lalayo sa amin.” Paalala sa kanila ni Perez.

        “Maging alerto kayo sa paligid.” Dagdag ko pa.

        Dahan-dahan kaming lumapit ni Perez sa warehouse na pinagdalhan kay Shen, inihanda na rin namin ang aming mga baril oras na may hindi inaasahang pangyayari. Biglang sumulpot ang isa pang duguang lalake galing sa loob ng warehouse kaya agad namin itong tinutukan ng baril.

        “ Huwag kang gagalaw….. Itaas mo ang mga kamay mo.” Pagkasabi ko ay agad naman itong sinunod ng lalake.

        “Teka lang Officer, hindi siya kalaban. Kasama namin siya.” Pagpigil sa amin ni Romylyn.

        Binaba namin ang aming mga baril at agad siyang nilapitan ni Perez para makasiguro na ligtas itong makakalapit sa mga kanyang kasama. Pero habang lumalapit ito ay pinatigil siya ni Arvine.

        “Stop! Huwag kang lalapit sa amin.” Sabi ni Arvine.

        “What? Ano bang sinasabi mo Arvine? Bakit?” Nagtatakang tanong ng lalake.

        Nagtinginan kaming dalawa ni Perez dahil naguguluhan kami sa takbo ng sitwasyon, pero ang mga sumunod na sinabi ni Arvine ang nagpaintindi sa amin.

        “Officer, hulihin ninyo si Vonjo!” Sabi ni Arvine.

        “Huh? Pero…” Reaksyon ni Perez.

        “Akala ko ba, kasama ninyo ang lalakeng ito?” Tanong ko.

        “Whoahh… Ano ba ang sinasabi mo Arvine, hindi kita maintindihan?” Tanong ulit ni Vonjo.

        “Teka nga Arvine! Ano bang problema mo? Bakit pinapahuli mo si Vonjo? Hindi ito ang panahon para mag biro ka ng ganyan.” Pagkontra naman ni Romylyn.

        “Si Vonjo ang dahilan kung bakit nawala ang mga kaibigan natin, iyon ang gusto kong sabihin kanina bago tayo maaksidente….. Ang binulong sa akin ni Aurora ay tungkol kay Vonjo, nakasanib kay Vonjo ang masamang kaluluwa na humahabol sa atin mula sa nakaraan.” Pagbubunyag ni Arvine.

        Biglang hinablot ni Perez si Vonjo at itinulak sa pader. Pagkatapos ay linagyan niya ito ng posas.

        “Huwag ninyong gawin kay Vonjo iyan!” Sigaw ni Romylyn, lalapit sana siya pero pinigilan siya ni Arvine.

        “Mga pulis kami na humahawak ng Paranormal Cases. At kung totoo nga ang sinasabi ni Arvine, ay posibleng delikado si Vonjo.” Paliwanag ko sa kanila.

        “At bukod pa doon, kilala din namin si Aurora.” Dugtong ni Perez.

        Isinama na namin si Vonjo papunta sa aming sasakyan, habang si Arvine at Romylyn ay naiwan na para bang nagtatalo sa nangyari.

        “Arvine!!! Mali ang iniisip mo! Hindi ko alam ang sinasabi mo! At siguradong ang kalaban natin ang may gawa nito para malito tayong lahat…. Hindi ako ang dapat na ipinapahuli mo!!!! ARVINE!!!!!!” Patuloy na sigaw ni Vonjo, pero hindi siya pinapansin ni Arvine.

        Sa kalagitnaan ng paglalakad ay kakaibang kilabot ang biglang bumalot sa paligid.

        “(Demonic Laugh) Mga walang kwentang nilalang! Tingin nyo ay uubra sa akin ang posas na ito?” Bigkas ni Vonjo.

        Laking gulat namin ng biglang magsalita si Vonjo gamit ang nakakatakot na boses, napansin kong putol na ang posas na nasa kamay niya. Mabilis niyang hinablot si Perez at itinulak palayo at ako naman ay sinakal niya ng sobrang higpit. Nasasaniban nga si Vonjo, kitang-kita ito sa nakaktakot niyang mukha.

        “LET HIM GO! (Sabay hampas sa ulo ni Vonjo ng kahoy)” Sigaw ni Perez

        Pansamantala akong nabitawan pero ibinalik naman niya kay Perez ang kanyang atensyon. Hahampasin sana ulit ni Perez si Vonjo pero mabilis nitong inagaw ang kahoy at agad na isinaksak sa tiyan ni Perez.

        “Hindeeeeeee!!!” Sigaw ko.

        Hanggang sa tuluyan ng tumumba si Perez. At ngayon ay sa akin na nakatingin si Vonjo.

        “(Itinutok ang baril) Totoo nga ang sinabi ni tita Aurora tungkol sa amin! Hindi kita hahayaang makatakas!” Babala ko sa kanya.

        “(Demonic Voice) Sa tingin mo ba ay uubra sa akin iyan?” Unti-unti na siyang lumalapit.

        Sinubukan ko siyang barilin pero ayaw pumutok ng baril.

        “SHIT!!! B---bakit ayaw? Fully Loaded ito!!!”

        Inagaw sa akin ni Vonjo ang baril at inihampas niya ito sa aking ulo, dahilan para tuluyan akong manghina at tumumba…….. At mabilis na parang hayop na tumakbo pabalik si Vonjo sa kinaroroonan nila Arvine.

        Ilang saglit lang ay bumalik na si Vonjo na buhat-buhat si Romylyn, at sa pagkakataong ito ay nakasuot na siya ng itim na jacket. Gusto ko sanang tulungan si Romylyn pero labis na ang aking pagkahilo, at unti-unti na akong pumipikit………….



        Muling bumalik ang aking malay, nakita ko si Arvine na tinutulungan niya si Perez.

        “Ar…vine…..(Whispering)” Nanghihinang sambit ko.

        “Officer Alejandre, wala ka rin bang sugat? Kailangan natin dalhin si Officer Perez sa ospital bago siya maubusan ng dugo.” Mungkahi niya.

        “Makinig ka muna….. Nakita ko…. Nakuha na niya si Romylyn… Sorry…” Balita ko sa kanya.

        Kitang-kita sa mukha niya ang lungkot pero mas pinili nya parin na unahin kami ni Perez.

        “Huwag muna nating isipin ang mga kasama ko, ang mahalaga ngayon ay mailigtas natin si Officer Perez.” Sabi niya.

        Agad akong bumangon at tinulungan ko siyang buhatin si Perez pabalik sa aming sasakyan. Muli kong tinanong si Arvine ng makarating na kami sa kotse.

        “Paano na ang mga kaibigan mo? Paano mo sila mahahanap?” Tanong ko habang isinasakay namin si Perez.

        “Hindi ko sila kailangan hanapin, ako nalang mag-isa ang natitira. Siguradong siya ang kusang lalapit sa akin.” Sagot niya.

        “Tara na! Umalis na tayo dito!” Pag-aya ko sa kanya ng makapwesto na ako sa driver seat.

        “Mauna na kayo Officer. Dalhin mo na siya sa ospital bago pa lumala ang sitwasyon niya.” Sabi ni Arvine.

        “Pero… Paano ka?” Tanong ko sa kanya. Napansin ko na si Vonjo ang tinitignan niya na naka-pwesto sa bumangga nilang sasakyan.

        “Sige…. Mag-iingat ka…” Kaya pumayag na ako sa gusto niya.

        Tuluyan ko ng pinaandar ang aking sasakyan, dahil ngayon ay may buhay pa na kailangan kong sagipin.

Unfinished 2Where stories live. Discover now