Chapter 10

1.9K 80 5
                                    

                                                          Chapter 10

                                                             Trevor

            Pumunta kami sa pinakamalapit na restaurant para doon pag-usapan ang mga nangyari kanina sa paaralan.

            “Trevor, iyan talaga ang totoong Luther, disguise nya lang yung nerd type para walang masyadong lumapit sa kanya sa school.” Paliwanag sa akin ni Kim.

            “May istura naman pala ang magiging karibal ko sayo.” Biro ko sa kanila.

            “Walang ganong bagay Trevor! At bakit ka nga pala nasa school ng mga oras na iyon?” Tanong ni Kim.

            “Hinihintay kasi kitang umuwi kanina, gusto ko sanang humingi ng sorry sa mga nasabi ko, kaso kasama mo sila Tom, Alex at yung Nerd na Luther kaya hindi ako makalapit. Tapos magkakasama parin kayo hanggang uwian ng afternoon class, napansin kong imbes na lumabas kayo ay nagpunta kayo sa likod ng old building…. Kaya naman sinundan ko kayo at tinignan ko kung ano ang ginagawa nyo, nakita kong may hinahanap kayo. Pero nung nagsimula ng mag libot yung mga guard nagtago na ako sa cabinet ng mga cleaning materials… Pasensya na kung hindi kaagad ako lumabas para tulungan kayo ni Luther, natakot kasi ako na baka pati ako ay mahuli.” Paliwanag ko sa kanila.

            “Kahit papaano ay nandoon ka Trevor, natulungan mo si Kim! Salamat….. Pero Kim, ano yung tinutukoy mo na lalakeng parang kulto?” Tanong ni Luther.

            “Hindi ko alam kung ano ang pakay nya sa lugar na iyon. Pero malakas ang kutob ko na may alam siya sa nakatago sa ilalim ng basement.” Sagot ni Kim.

            “Pero teka! Sa tingin nyo ay dapat ba natin itong pag-usapan sa harapan ni Trevor? Hindi siya kasali sa grupo natin.” Tanong ni Alex habang nakatingin ito sa akin.

            Ako na mismo ang sumagot sa kanyang tanong. “Nakita ko yung lalakeng may kulto, nakita ko rin na may hinahanap kayo sa loob ng school ng walang pahintulot, iniligtas ko si Kim. Sapat na ba iyong dahilan para sabihin na may kinalaman na ako sa inyo? Huwag nyo akong problemahin, walang makakaalam nito! Dahil kusang loob na akong sumasali sa kung ano man ang grupo nyo.” Halos hindi maipinta ang mukha nilang apat sa aking sinabi. Marahil ay hindi lang nila inaasahan na ang mayabang na katulad ko ay sasama sa kanila.

            “Kung iyan ang desisyon mo……. Sige pumapayag ako, at isa pa kakailanganin ka rin namin.” At talagang si Luther pa ang unang pumayag. “Kung pumayag si Luther, pumapayag na din ako.” Tugon naman ni Kim.

            “Sige payag na din ako! Basta huwag kalang masyadong hambog.” Sabi sa akin ni Alex. “Kaya ko namang magbago Alex… Pipilitin ko!” Nakangiting sagot ko sa kanya.

            Napunta ang lahat ng tingin namin kay Tom dahil siya nalang ang hindi pumapayag. “Huwag nyo akong tignan ng ganyan. Wala naman akong magagawa. Kaya oo nalang.” Napipilitan na pag sang-ayon niya.

            “Salamat! Hinding-hindi nyo pagsisisihan ang pagtanggap nyo sa akin.” Sabi ko sa kanila.

            “So pano ba iyan? Part na si Trevor Alcantara ng Mystery Club. Kaya Tom, ikaw ang magpaliwanag sa kanya ng mga nauna nating nadiskubre.” Bilin ni Kim.

            Napakamot nalang sa ulo si Tom sa sinabi ni Kim. “Inaabuso nyo na ang kabaitan ko huh.” Pahapyaw ni Tom.

                                                          Bernadette

            (Friday , 6:45 am)

            Habang naglalakad ako papasok sa school ay may isang matandang lalake ang napansin kong  nakatingin sa school habang naglalakad. Hindi niya namalayan na sumabit sa sanga ng halaman ang plastic ng dala niyang mga gulay. Agad kong tinulungan ang matanda na damputin ang mga gulay na nahulog.

            “Maraming salamat sayo Ma’am.” Sabi sa akin ng matanda.

            Pero parang nakita ko na siya dati, hindi ko lang matandaan. “Teka po manong nagkita na ba tayo dati? Parang pamilyar ka kasi.” Tanong ko sa matanda.

            “Hmmm.. Para ngang nakita na din kita dati” pilit niya akong inaalala. “Kayo po ba si Bernadette Crisostomo?” Tanong niya sa akin.

            “Opo.. Ako nga, paano nyo po nalaman?” Nakangiting tanong ko din sa kanya.

            “Kung ganon ay ikaw ang adviser ng Ghost Club. Ako si Elmo, ang care taker ng bahay nila Vonjo DeloSantos…. Natatandaan ko na, nagkita na tayo dati nung ako ang pumunta para kay Vonjo nung araw na hatulan siya na ma kicked-out.” Sagot ni manong Elmo.

            “Kayo po pala yan, kumusta na nga pala si Vonjo? May nai kwe-kwento ba siya sa iyo tungkol sa Ouija board?” Tanong ko.

            “Sa totoo lang Ma’am Crisostomo, nalalagay sa matinding kapahamakan ang grupo nila, tatlo na sa kanila ang biglang naglaho.” Pagbubunyag niya.

            Nabigla ako sa sinabi niya, ibig sabihin ay tama nga ang sinabi ni Alexandria tungkol sa pagkawala ni Chryztyn. Nang mapansin ng matanda ang pag-aalala sa aking mukha ay sinimulan na niyang  magkwento tungkol sa nangyayari ngayon sa grupo nila Vonjo.

            “Ang unang nawala ay si Clarissa, hindi pa nila nasisimulan ang pagtapos sa Ouija board ay agad ng nagparamdam sa kanila si Tamara. Sumunod na naglaho ay si Chryztyn. At kagabi ay si Angelito naman ang nawala. Hanggang ngayon ay hindi pa nila matukoy kung saan napunta ang mga kasama nila. Pero isa lang ang nasisiguro nila, si Tamara ay may kagagawan ng isa-isang pagkawala.” Paliwanag ni manong Elmo.

            Hindi ko mapigilang maluha sa kinahinatnan ng grupo nila Vonjo. Sobrang pag-aalala ang aking nararamdaman. Gusto kong tumulong pero hindi ko alam kung paano.

            “Nasabi ba nila kung ano ang sunod nilang plano?” Naluluhang tanong ko sa kanya.

            “Sa pagkakaalam ko ay tatapusin na nila ito mamayang gabi kahit na anong mangyari. Sa ngayon ay pansamantalang nanunuluyan ang natitirang kasamahan ni Vonjo sa kanyang bahay.” Sagot ni manong Elmo.

            “Please manong Elmo, isama nyo ako sa bahay ni Vonjo. Gusto ko silang makita at maka-usap.” Paki-usap ko sa kanya.

Pero mabilis niyang tinanggihan ang aking paki-usap. “Pasensya na po Ma’am, kung isasama ko kayo ngayon ay siguradong wala kayong maaabutan. May kanya-kanya silang lakad ngayon bago sila magkita-kita mamayang gabi. Si Rodylien at Shen ay may inasikasong bagay. Si Arvine at Romylyn naman ay may dinaanan sa kanila. At si Sir Vonjo ay pumunta sa bahay nila Tamara para maka-usap ang mga magulang nito.”

“Imposible pala na makita ko sila ngayon. Pero maraming salamat sa impormasyon manong Elmo. Ikamusta mo nalang ako sa kanila. Mauuna na po ako sa loob.” Paalam ko sa kanya.

“Huwag kayong mag-alala Ma’am Crisostomo! Naniniwala ako, na matatapos nila ang hindi nila natapos na laro.” Nakangiting sagot ng matanda, pagkatapos ay nagpatuloy na ito sa paglalakad.

“(Whispering) Naniniwala din ako…. Na matatapos nila ito….”

 

Unfinished 2Where stories live. Discover now