Chapter 2

2.6K 76 0
                                    

                                                    Chapter 2

                                                    Kimberly

            Walang masyadong tao sa library nung pumunta ako, siguro ay mga wala pa sa mood na mag advance study ang ibang estudyante dahil kakasimula palang ng semester. Ako lang naman yata ang masyadong  hindi mapakali na mag-aral ng mag-aral. Malawak ang library sa school namin at karamihan ng gamit dito ay luma na, kaya hindi mo maitatanggi na makakaramdam ka ng takot kung ikaw lang mag-isa ang lilibot dito. Pumunta na ako sa Accounting section pero hindi ko mahanap ang kailangan kong libro. Naunahan na siguro ako ng mga classmate ko na manghiram ng librong gagamitin namin.

            Paalis na ako ng biglang may malamig na hangin na pumalibot sa paligid, unti-unti akong nakaramdam ng kakaibang kilabot. Para bang may kasama akong nilalang na hindi ko nakikita. Napatingin ako sa isang book section na kahit kailan ay hindi ko pa nalalapitan. Natatakot na ako, lalo na at walang ibang tao sa lugar na kinatatayuan ko. Pero may kung anong presensya na nagsasabi sa akin na lumapit ako dito. Unti-unti akong lumapit hanggang sa matanaw ko kung anong section ng mga libro ito.

            “Old Books….”

            Mas lumapit pa ako dito para makita kung ano ang mga librong nakalagay dito. Puro history books at yung iba may kinalaman sa iba’t-ibang subject kaso nga lang napag-iwanan na ng panahon. May isang libro dito na nakaagaw sa akin ng pansin.

            “Mystery of the Unknown University……… by: Eduardo Rodriguez”

            “Teka…. Eduardo Rodriguez? Sa pagkakaalam ko, former Dean siya sa school na ito. Nagsulat pala siya ng libro. Pero bakit dito lang ito nakalagay?” Tanong ko sa aking sarili.

            Kinuha ko ang libro sa pinaglalagyan nito, at laking gulat ko na may nakita akong nakasilip mula dito. Napasigaw ako sa sobrang gulat at nabitawan ko ang hawak kong libro at ang aking cellphone.

            “(Biglang sumilip ang librarian) Ssssshhhhh… Anong problema? Bawal ang maingay dito, remember?” Paalala nito sa akin

            “Sorry Ma’am.” Kinakabahan na sagot ko sa kanya.

            Ibinalik ko ang libro sa dati nitong pinagkakalagyan, pagkatapos ay dinampot ko ang nagkapira-piraso kong cellphone.

            “Shit! Nasaan yung battery?”

            Sinubukan kong hanapin ito sa ilalim ng book shelf, at dito ko nga ito nahanap. Pero bukod sa battery ng aking cell phone ay may nakapa rin ako na isa pang libro.

            “Truth beyond the eyes”. Isang kakaibang libro nanaman. Pero ng tinignan ko ito ay wala akong nakita kung sino ang author nito at kung anong company ang nag publish nito. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong uri ng libro kaya bigla akong nagkaroon ng interes para basahin ito. Bumalik ako sa lamesa na pinagpatungan ko ng aking mga work book at dito ko binasa ang libro na nakuha ko sa Old Book Section. At sa mga oras na ito ay nawala na sa aking isipan ang tungkol sa advance study.

            Sa mga naunang page ay nakasulat ang mga sakuna at trahedyang nangyari sa aming lugar. Sa kalagitnaan ay may mga nakasulat na matatalinhagang salita na hindi ko maintindihan kung ano ang kahulugan. Katulad nalang ng “Walong buhay ang nagpapatunay,isa ang dahilan para mabuhay.” “Ngunit planado ang lahat ng bagay, at ang siyang nag-aalay ang mamamatay.” “Papatak ang dugo sa lupa, kapalit ay pagbubukas ng hiwaga.” Sa bandang huling bahagi naman ng libro ay may mga symbol na naka drawing, kinilabutan ako dito dahil ito yung mga symbols na nakikita ko sa horror movies kapag may nag pe-perform ng ritual. May sa kulto yata ang librong ito. Nang binuklat ko ito sa huling pahina, nakasulat dito ang pangalan ni Eduardo Rodriguez.

            “Sa kanya ang librong ito? Pero bakit meron siya nito?” Tanong ko sa aking sarili.

            “Kimberly….” Isang malamig na boses ang tumatawag sa aking pangalan, agad akong tumingin sa pinaggagalingan ng boses. Nakita ko ang isang babae  na nakasuot ng puting damit. Napakaganda niya, nakatingin siya sa akin na para bang nagbibigay ng babala. Kahit maayos ang kanyang itsura ay hindi parin maitatanggi na kaluluwa ang aking nakikita. Isinara ko ang libro na binabasa ko at kinuha ko na rin ang aking mga work book. Nang ako ay makatayo, isang lalake ang biglang lumitaw sa aking tabi na dahilan para ako ay mapasigaw muli.

            “Whoa! Easy, para ka namang nakakita ng multo.” Sabi sa akin ng mukhang nerd na lalake.

            “Shit! You scared me! Bigla ka nalang lumilitaw sa tabi ko.” Sabi ko sa kanya habang pinupulot ko ang mga librong nabitawan ko.

            “(Sumilip nanaman ang librarian) Ano ba yan? Isang sigaw pa Ms. at palalabasin na kita.” Banta nito sa akin.

            “Sorry Ma’am! My fault!” Pagtatanggol sa akin ng lalake.

            “Hey Ms., Sorry kung nagulat kita, hindi ko naman akalain na masyado ka palang magugulatin. Napansin ko kasi kanina na parang natatakot ka kanina kaya lumapit ako sayo.” Paliwanag sa akin ng lalakeng mukhang nerd habang tinutulungan niya akong pulutin ang mga libro.

            “Wala lang iyon. Thanks sa concern.” Sagot ko sa kanya.

            “Okay…. (Tumingin sa work book na hawak ko) Kimberly Madoxx. Aalis na ako…. By the way, I’m Luther Keegan.” Pagpapakilala niya sa akin.

            Tumungo-tungo lang ako sa kanya, at nagmadali na akong naglakad palabas ng library. Habang naglalakad ako sa hallway, hindi maalis sa isip ko kung bakit nagpakita sa akin ang kaluluwa ng babaeng iyon. Wala naman akong third eye! Nangyari lang iyon matapos kong basahin ang nakuha kong libro. Posible kayang may kaugnayan sila sa isa’t-isa?

            “Shit… Hindi ako makapaniwala na magagawa ko ito….. I stole a book from the library.” Nadidismayang bulong ko sa aking sarili. Isinama ko kasi paglabas ang librong nakuha ko ng hindi idinadaan sa librarian.

                                                     Alexandria

            Nang makapunta kami ni Tom sa isang restaurant ay sinimulan na namin ang pag tingin sa lumang files ng Ghost Club.

            “Grabe naman Tom, ang dami pang alikabok ng files na ito.” Reklamo ko sa kanya.

            “Ang hilig mo talagang magreklamo, alangan naman doon ko pa ipagpag yan. Siguradong  nahuli ako.” Paliwanag niya sa akin.

            “Vonjo DeloSantos pala ang president ng Ghost Club. Hmmm cute siya, pati rin itong Vice-President na si Arvine Reyes. Ito namang secretary nila mukhang mataray. Romylyn Bernardo.” Pagtukoy ko sa kanila.

            “Hanep! Sa itsura tumitingin. (Laughing) Gagayahin din kita. Cute din itong si Chryztyn Miranda, at mukhang masungit naman itong si Rodylien Cruz. Tapos si Angelito Beltran….. Parang ang lakas nitong mang-asar! Picture palang mukhang nang-aasar na.” Biro ni Tom.

            “Sira-ulo ka talaga. (Smile) May tatlo pa silang members, si Shena Prescott, Clarissa Clarson at Tamara Ashford. (Biglang naging seryoso ang mukha) Siya pala si Tamara, napakaganda at napaka-amo ng mukha niya. Hindi mo aakalain na wala na pala siya.” Pagkasabi ko nito ay binuklat ko na ang files sa susunod na pahina.

            Whoa! Si Ma’am Bernadette pala ang adviser ng Ghost Club. Malapit lang sa room natin ang faculty nila diba?” Tanong sa akin ni Tom.

            “Yhup! Nung 1st sem nga, Sinaway pa niya ang section natin dahil sa sobrang ingay.” Sagot ko sa kanya.

Unfinished 2Donde viven las historias. Descúbrelo ahora