Chapter 17

1.7K 79 25
                                    

                                                        Chapter 17

                                                            Trevor

        Ilang minuto na kaming naghahanap ni Ma’am Bernadette sa paligid ng gusali pero wala parin kaming makita. Kaya umupo muna ako sa isang malaking bato.

        “Trevor, bakit naka-upo kana diyan? Maghanap ka nga ng clue!” Utos sa akin ni Ma’am.

        “Wala naman po tayong makita, baka po nasa ibang bahagi iyon… At baka nakuha na nila Tom at Alex o kaya nila Kim at Luther.”

        “Hindi namin nakita Trevor!” Sabi ni Tom.

        “Negative Ma’am, walang clue sa na-assign na lugar sa amin ni Tom.” Dagdag pa ni Alex.

        “Mukhang wala din ang clue dito sa lugar na hinahanapan namin ni Trevor.” Sagot naman ni Ma’am.

        “Sabi ko sa inyo wa…….waaaaahhhhhhh” Biglang gumulong ang malaking bato na inuupuan ko….

        “(Nakatumba) Araaaaayyyyyy…. Bwisit na bato ito!”

        “Ayos ka lang ba Trevor?” Natatawang tanong ni Alex.

        “Nag-aalala ka ba Alex o pinagtatawanan mo ako?”

        “PAREHAS (Natatawa)” Tugon niya.

        Muli kong tinignan ang gumulong na bato, sa pagkaka-ikot ng posisyon nito ay napansin ko na may kakaiba dito. Dali-dali akong tumayo para tignang maiigi ang bato.

        “(Laughing) I’m the MAN!!!!!” Sigaw ko.

        “Anong problema mo?” Tanong ni Tom.

        “Nakita ko na……..ang hinahanap natin! (Ipinakita ko ang part ng bato na mayroong nakaukit)”

        “Tom! Tawagin mo na sila Kimberly at Luther!” Utos ni Ma’am.

---------------------------------------------------

        Nang makupleto kami ay pinag-aralan na naming ang naka-ukit na salita sa bato.

        “Tell the fire shot won, maked mind fully yield……… It’s non sense! Walang ibig sabihin ang group of words na ito!”

        “Baka naman po Scrambbled Words iyan o kaya naman isang riddle…” Sabi ni Kim.

        “Waaaaahhhhh…… Ayaw ko ng mga ganyang bagay! Sasakit lang ang ulo ko sa mga ganyan!!!” Reklamo ni Alex.

        “Okay Guys, uupo nalang ako dito, kayo ng bahala diyan! Wala nga akong ganang mag advance study, mag sagot pa kaya ng mga riddle.” Sabi ko sa kanila.

        “Imposibleng Riddle iyan, hindi kasi naka-ayos ang mga words…. Malamang ay scrambled words… Sige na…. Mag-isip na kayo, at susubukan natin kung tama ba iyon.” Sabi naman ni Luther.

        Nag-isip kami ng posibleng kalabasan at isa-isa namin itong binanggit pero non-sense parin, hindi nito maituturo kung nasaan ang susi. Mahigit isang oras kaming nagpala-isipan para dito.

        “Kaasar! Ang sakit na ng ulo ko! Mas matindi pa ito sa accounting subjects!” Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita kong naasar si Kim.

        “Ang cute ni Kim magalit….” Bulong ko.

        “Ano iyon Trevor?” Tanong ni Alex.

        “Wala Alex! Ang sabi ko wala talaga akong maitutulong pagdating sa gamitan ng utak!”

        “Mukhang hindi ito scrambled words!” Pagputol ni Tom sa panghihina naming lahat.

        “Anong ibig mong sabihin Tom? Mukhang may bago ka nanamang nadiskubre!” Sabi ni Ma’am.

        “Napanood ko lang ulit ito sa mga movies na may ganito ding eksena….. Sa palagay ko, isa itong ANAGRAM!!!!” Tugon ni Tom.

        “Anagram……. Mananatiling non-sense ang isang phrase kung hindi mo maiaayos ang pagkakasunod-sunod ng mga letters at ng words……Ibig sabihin ay hindi pa ito ang totoong words na ibinibigay ng clue, kailangan pa natin itong i-arrange….. Mas magiging mahirap ito, kaya simulan nyo na ulit mag-isip.” Paliwanag ni Luther.

        “AAARRRRGGGHHHH…… Medyo parusa itong mystery solving!!! Kung alam ko lang, dapat mas nag-aral ako ng mabuti sa English subject!” Reklamo ko ulit.



                                                          Kimberly

        30 minutes na ang lumilipas, nananatiling wala parin kaming maisip na bagong phrase para sa Anagram. Nanghihina na ang mga kasama ko sa kakaisip, maging ako ay sumasakit na din ang ulo.

        Pumikit ako saglit, sinubukan kong i-relax ang aking isip at mag focus sa paligid.

        “(Sa isip) Malamang ay ito na ang huling magagawa ko, at kung mali parin ito, hindi ko na ulit kakayaning ipagpatuloy pa ang pag-iisip sa clue.”

        Habang nakapikit ay sinisimulan ko ng pakiramdaman ang mga bagay sa paligid…..Kung tama ang iniisip ko, may kinalaman lang din sa lugar na ito ang kasagutan sa misteryo ng anagram…….. Hanggang sa unti-unti ng tumahimik ang paligid at ang tanging naririnig ko nalang ay huni ng mga ibon………. At ang tunog na may nalalaglag na bagay sa tubig.

        Muli akong dumilat at tumingin sa Anagram….. Para bang isa-isang nagliliwanag ang mga letra sa aking isip, na naaayon sa pagkakasunod-sunod.

        “I..N..T…H…E….M…I…D….D….L…E...” Habang binabanggit ay isinusulat ko din ito sa papel na hawak ko.

        Nagtinginan na silang lahat sa akin….

        “Kimberly, bakit? Nakuha mo na ba ang sagot?” Tanong ni Luther.

        “I think so……….. (Ipinakita ko ang papel) In the middle of the lake, mystery will unfold.



*************************************************************

Author’s Note

Grabe, mas lalong sumakit ang ulo ko dahil sa kaka-isip ng Anagram na iyan kung paano i-aarrange na maging bagong words. Lalo tuloy sumama ang pakiramdam ko. So mga tagasubaybay ng Unfinished, pansamantala muna akong mag-rerest, papagalingin ko muna ang sarili ko…. (Work+critical thinking sa story+gabi-gabingpuyat= Lagnat …. And the only cure is to take a rest :D)

By the way ito nga pala yung Anagram, para hindi nyo na hanap-hanapin sa story.

Anagram:

Tell the fire shot won, Maked mind fully yield.”



True Arrangement:

“In the middle of the lake, Mystery will unfold.”



Unfinished 2Where stories live. Discover now